Arci Nicolette Villanueva
Kanina pa ako nakatulala mag damag habang tinitignan ko yung phone ko. Hindi mawala sa isip ko yung last tweet ni Ares, ewan ko bakit parang ang bigat sa dibdib ng nakita ko sa tweet n'ya.
Ares @AR3S
Midterm, done.
Yan lang naman ang reply n'ya pero hindi ako d'yan napatunganga. Doon sa nag reply sa tweet n'ya. Nung una hindi ko alam kung ka ano-ano n'ya ito pero ramdam kong kakilala n'ya ito.
Denise @prttyden
Hi! I'm in ph rn. Let's meet up someday if u have time :))
Ayoko mag isip ng kung ano-ano dahil baka isa lang naman ito sa mga babaeng humahanga sa kanya o ano. Huminga muna ako ng malalim tsaka na pinatay yung phone. Pumikit nalang ako tsaka na naisipang matulog. Hindi ako makakatulog kung pilit kong iisipin yung babaeng 'yon. Ayoko rin mag tanong kay Ares bukas or sa susunod na araw dahil baka ano pa ang isipin n'ya. Mananahimik nalang ako mas mabuti pa.
Today is the day. First day ng intramurals and 1 week itong magaganap. Kapasok ko palang sa loob ng campus may mga nakikita na ako mula sa ibang course na naghahanda para sa task nila. Sila yung mga nagtitinda ng gawa nilang product then ang alam ko kailangan may ma accomplished silang days bago matapos sa task.
"Finally, the long wait is over. Intrams na teh!" excited na sabi ng kasama ko. Ito lang naman ang hinihintay dahil buong week na walang gagawin sa anumang subject.
"Punta muna daw sa gym, basketball court" rinig ko pang sabi ng ilang estudyante kaya pumunta naman kami doon.
Bungad kaagad ang mga estudyante from different courses. Marami na rin na nagsi pasok sa gym tsaka padami ng padami ang mga tao sa loob. Hindi ko na rin magawang mahanap yung tatlo dahil sa iba-ibang mukha ang nakikita ko kaya pumunta nalang kami sa section namin at tumabi sa kanila.
May mga announcement, intermission at kung ano-ano pa ang naganap habang nanonood kami. Isa-isa naman lumapit sa stage yung mga team captain ng basketball, volleyball, soccer, sepak at iba pa tsaka sila pinapunta sa harapan. Todo hiyaw naman ang karamihan ng maaninag nila si Ares na nakapamulsa lang na nakaharap sa lahat. Kahit malayo s'yang tignan mula dito kita ko pa rin yung seryoso n'yang mukha. At kahit sa malayo, ang gwapo n'ya pa rin tignan.
Pansin ko lang. Masyado ko na s'yang cinocompliment this past few days. Tama pa ba 'to Arci?
Isa, isa silang pinagsalita sa mic at sinabi nila ang mga gagawin buong week sa intrams. Wala rin naman gaanong sinabi si Ares dahil mukhang nasabi na ng iba pa n'yang kasama kung ano ang balak nila buong week. Kahit sa mic, may dating pa rin. Kailan ko kaya makikita yung hindi n'ya pagiging maangas? Mukhang malabo.
"Thank you" sabi n'ya tsaka na naman humiyaw ulit ang mga ibang estudyante sa kanya. Nag joke pa ang mc katapos mabigay sa kanya ang mic. Bumaba na silang lahat at kita ko mula dito kung saan papunta si Ares. Kita ko na umupo s'ya katabi si Brent, kung hindi ako nag kakamali. Kaya pala hindi ko sila gaanong makita. Yung department nila nasa unahan pa.

BINABASA MO ANG
When the Rain Drops
RomanceGuzman Series #1 1st year college, ang alam ni Arci na mabubuhay lang s'ya ng normal sa loob ng university. Maka graduate ang unang priority kasama ang pinsan n'ya. Pero ang hindi nito alam, unang pasok pa lang n'ya sa kanyang pinpasukan ay may nag...