Arci Nicolette Villanueva
"Sure ka ba talagang ok lang 'yang daliri mo? Kasi teh kung titignan mo ngayon, hindi s'ya mukhang ok." hindi pa rin mapakaling tanong ni Erica habang andito kami sa canteen. It's lunch break and thanks God, wala kaming training ngayon. Kailangan ko pa ng 1 day treatment para gumaling 'to kahit na sa tingin ko hindi agad ito hihilom. Kapag hanggang sa friday hindi pa rin ok ang kamay ko, baka hindi muna nila ako payagan na makapag laro. Well, ok lang naman sa akin 'yon para kahit papaano, makapag pahinga ako ng maayos.
"Oo nga. Ok nga lang 'to. Tsaka hindi naman sobrang lala, malayo sa bituka." sagot ko. Binigyan nila ako kanina ng cold compress after nung laro kaya medyo hindi ko na gaano ramdam yung kirot ngayon.
Habang kumakain kami, biglang dumating yung tatlo kaya yung mga ibang babae na nakikita ko e todo ayos sa kanilang mukha. May mga iba pang tumatawag sa pangalan nila habang nasa isang stall sila para bumili ng makakain. Mostly ang naririnig kong tinatawag nila ay si Brent at hindi na ako magtataka doon dahil sa kanilang tatlo, si Brent lang naman ang approachable at friendly. Kailan ko ba ino-normalize ang mga ganitong pangyayari pag nag tatagpo ang landas naming tatlo?
Hindi ko nalang ito pinansin at tumingin nalang sa handouts na hawak ko. After this lunch break, may quiz kami sa Microtour and ngayon palang ako mag rereview. Ewan ko ba. Mas gusto ko ang rush na pag review kesa sa ginagawa ni Erica. Feeling ko kasi mas madaling pumasok itong mga minememorize ko pag rush na.
Mula dito, kitang-kita ko kung saan umupo yung tatlo habang hawak-hawak nila yung pagkain nila. Sakto pang nagkatapat kami ni Ares kahit medyo malayo kami sa isa't-isa. Kitang-kita ko naman kung gaano n'ya ako pag masdan mabuti kaya napainom nalang ako sa iniinom kong red iced tea tsaka nalang ulit nag review. Habang tumatagal, mas naiilang na ako sa interaction naming dalawa. Personal man or sa twitter. Hindi ko rin kasi alam kung hanggang kelan ko sasanayin ang sarili ko tuwing nahuhuli ko s'ya na nakatitig sa akin.
Habang busy si Erica sa phone n'ya, kinuha ko nalang ang phone ko at tumambay sa twitter. Nakita ko pa ang recent tweet ni Ares kaya kumalabog ang dibdib ko ng kilala ko kung sino ang tinutukoy n'ya. Ayoko pa talaga mag assume pero dahil sa mga napapansin ko sa kan'ya tuwing nagkakatagpo ang landas namin, napapaisip nalang ako kung seryoso ba ito sa mga ginagawa n'ya. At kung bakit ako pa?
Ares @AR3S
seeing you from afar.
Napatingin naman ako sa mga nag reply, halos nanlaki ang mata ko ng makita ko sa unahan ang reply ni Erica sa post n'ya.
Erica @ericancl_
Replying to @AR3S
Ok lumalayag na ba?
"Sira ka ba?" sabi ko kaagad sabay tingin sa kanya ng masama.
"Whaaat?" maang-maangan pa na sabi n'ya kaya sinipa ko s'ya mula sa baba ng lamesa. "Aww"
"Delete mo 'yon"
"Shunga! Ok lang 'yon. Hindi pa naman talaga alam ng lahat kung ikaw ba talaga ang gusto n'ya. Tsaka duh, wala naman akong sinabing hindi maganda. Issue ka rin e no" sabi n'ya.

BINABASA MO ANG
When the Rain Drops
RomanceGuzman Series #1 1st year college, ang alam ni Arci na mabubuhay lang s'ya ng normal sa loob ng university. Maka graduate ang unang priority kasama ang pinsan n'ya. Pero ang hindi nito alam, unang pasok pa lang n'ya sa kanyang pinpasukan ay may nag...