Arci Nicolette Villanueva
Nang palubog na ang araw, naisipan kong mag babad na sa tubig. Mag buhat din kanina hindi ako iniwan nung tatlo mag-isa sa kinauupuan ko. Gusto rin muna nila mag pahinga dahil na rin sa pagod sa byahe. Nauna ng lumusob sa tubig yung dalawa at ako dito na kakaaalis lang ng see through ko sa gilid mismo ni Ares. Nung una naiilang pa ako dahil nga't ngayon lang nila ako nakita ng ganitong suot.
"Hindi ka mag tatampisaw?" tanong ko sa kanya, umiling naman ito kahit na naka bihis na s'ya sa pang ibaba. Nakapolo pa rin ito samantalang yung dalawa e naka hubad na. Halos magsi pag laglagan nga ang mga bibig ng iilang babaeng nakatingin sa kanila habang nag huhubad yung dalawa. Isama mo na si Erica na ininis pa ni Brent. Hindi na talaga maalis sa dalawa ang mag pikunan sa buong araw na nagkikita sila. Wala na rin naman kaso sa amin 'yon dahil sanay na kami sa kanila.
Napatango nalang ako tsaka na lumusob sa tubig. Ramdam ko pa yung lamig sa una pero habang tumatagal nawala rin ito. Inayos ko ang buhok ko ng makaahon ako. Mag damag akong nag tampisaw kasama ang mga iilan pa naming kasama dito sa pool. May mga iba pa na naglaro sa gitna at gusto pa akong isama kaso umayaw lang ako at si Erica nalang ang pinasali ko.
Hindi ko na rin napansin dito si Paulo na sa tingin ko e nasa dagat ang mga ito. Hindi naman din kasi ako mahilig sa dagat dahil sa takot. Bata palang ako e natatakot na ako sa dagat. Iniisip ko kasi baka may mga piranha o pating kaya hangga ngayon masyado ko pa rin ito pinaninindigan. Hanggang pool lang talaga ang kaya ko.
Kita ko mula sa pwesto ko na may mga iilang babae na lumapit kay Ares para magpa-picture. Hindi naman ito humindi kaya tuwang-tuwa ang mga babaeng 'yon at isa-isang nagpa picture sa kanila. Umahon muna ako at umupo sa edge habang pinapanood yung mga nag lalaro pa rin sa gitna.
At nang mag gagabi na, naisipan kong umahon na sa tubig dahil na rin sa ginaw. Kaahon ko, inabot ni Ares ang twalya mula sa ibaba ng mga table dito tsaka ito binigay sa akin.
"Thank you" sabi ko nalang tsaka na nag punas ng katawan at buhok. Inabot n'ya rin sa akin ang see through ko kanina kaya sinuot ko na ito. Tinawag kami sa cottage ng iilan naming kakilala dahil daw kakain na. Tumayo na si Ares at tumayo na rin ako tsaka kami pumunta doon. Nagsipag lapitan na rin ang mga kaninang galing sa pool. Nag picture taking muna kami bago mag simulang kumain.
Nang matapos kami, may mga iilan ng bumalik sa kanya-kanya nilang room. Bumalik na rin si Shiela sa room namin at sinabihan ako na kakatok nalang kami sa room namin. Tumango nalang ako at nag pahinga malapit sa dagat. Hindi ko na rin namalayan si Ares at mukha itong bumalik na rin sa room nila. Nag paalam ako kay Erica na pumunta sa tabing dagat at tumango nalang ito habang nakisama na nag swimming sa kabilang pool. Hindi ko gaanong kakayanin na mag swimming ng gabi dahil baka hindi kayanin ng katawan ko ang lamig.
Umupo ako sa may bandang kahuyan at pinag masdan ang buong paligid. Pumikit nalang ako at dinama ang simoy ng hangin. Ramdam ko naman na may umupo sa gilid ko kaya napamulagat ako at tumingin dito.
"Why are you here?" tanong n'ya sabay abot nung glass wine na hawak n'ya habang yung isa ay bote naman ng alak.
Tinanggap ko ito "Thank you... Ang peaceful e. Sarap sa pakiramdam"

BINABASA MO ANG
When the Rain Drops
Roman d'amourGuzman Series #1 1st year college, ang alam ni Arci na mabubuhay lang s'ya ng normal sa loob ng university. Maka graduate ang unang priority kasama ang pinsan n'ya. Pero ang hindi nito alam, unang pasok pa lang n'ya sa kanyang pinpasukan ay may nag...