Arci Nicolette Villanueva
"Ahm... You like romance movies ba?" tanong ko dahil nag desisyon agad ako ng papanoorin namin.
"Kahit ano naman" sagot n'ya tsaka uminom ng juice. Hindi rin nag tagal ng dumating na yung order namin sa Grab. Lumabas na ako tsaka na inabot yung bayad.
"Thank you po" sabi ko kay kuya driver tsaka na ulit pumasok sa loob. Nadatnan ko naman s'ya na may kausap sa kabilang linya.
"When?... This month?... Busy ako... Taxi ka nalang... Ayoko" rinig ko pang sabi n'ya. Nilagay ko naman sa lamesa yung mga inorder ko. "Tignan ko...Ge"
Binuksan ko nalang yung box ng pizza tsaka na kumuha at kinain. Inalok ko naman sa kanya ang mga 'yon tsaka ko na pinlay yung pinanood namin.
"It's Athena" sabi n'ya kahit hindi ko naman tinatanong kung sino ang tumawag. Napatango naman ako.
"Uuwi s'ya?" tanong ko
"Yeah, this month. Maybe after ng exam ko, doon s'ya uuwi."
"How about si Ajax? Kailan n'ya balak umuwi dito?" tanong ko ulit. Napatingin naman s'ya sa akin na parang may ibang meaning yung tanong ko. Well, I'm not gonna lie but Ajax is crush back then. Senior high school pa lang ako nung naging crush ko s'ya. Dati ha. Hindi na ngayon. Masyado s'yang busy and minsan ko lang s'ya nakikita kaya nawawala yung feelings ko sa kanya. Pang husband material kasi ang datingan, kaya na rin siguro nagustuhan ko s'ya.
"I don't know. Bahala s'ya sa probinsya. He was the one who assigned to manage our plantation" Sagot n'ya kaya napatango naman ako ulit. Hindi na ako nag tanong pa ulit tungkol sa kanila dahil hindi na namin magawang mapanood yung pinapanood namin kung puro ako tanong sa kanya.
Ajax, Ares and Athena. The Guzman siblings.
Ajax Guzman is the eldest son of Rhea and Artemis Guzman. Ang alam ko sa kanilang magpa-pamilya, si Ajax ang naatasan na mag manage sa planta nila sa probinsya. If I'm not mistaken, every 6 months umuuwi s'ya dito para lingunin ang iba pa nilang business na inasa ng daddy nila sa kanya. S'ya ang panganay kaya masyado itong busy sa pag ta-trabaho. He was 4 years older kay Ares and he graduated in the course of bachelor of science major in business administration. May mga iilan silang company dito na s'ya rin ang nag ma-manage habang may pinag kakaabalahan din s'ya sa probinsya nila. Iniisip ko nga kung paano n'ya napag sasabay ang lahat-lahat.
Athena Guzman is the youngest and only daughter of Rhea and Artemis Guzman. Nag-aaral s'ya sa ibang bansa para tuparin ang pangarap n'ya doon. She is also a professional model kaya minsan lang talaga s'ya umuwi dito. Pag siguro wala s'yang gaanong photshoot or fashion event tsaka n'ya lang iisipin na umuwi. I met her once and she is a cheerful person. Bagay sila ni Erica kasi parehas na parehas sila ng ugali. Medyo may pagka attitude lang s'ya, based sa nakikita ko. 1 year lang ang agwat nila ni Ares and kung tutuusin, mas closed silang dalawa kesa kay Ajax. Puro kasi trabaho yung panganay kaya medyo wala silang gaanong quality time na tatlo.

BINABASA MO ANG
When the Rain Drops
RomanceGuzman Series #1 1st year college, ang alam ni Arci na mabubuhay lang s'ya ng normal sa loob ng university. Maka graduate ang unang priority kasama ang pinsan n'ya. Pero ang hindi nito alam, unang pasok pa lang n'ya sa kanyang pinpasukan ay may nag...