WTRD 09

5.7K 148 0
                                        

Arci Nicolette Villanueva

1 week Academic Break? Sounds good!

"Omg! Can't believed na hindi lang tayong dalawa ang mag oouting. May magandang dulot din pala ang intrams para may mga makilala pa tayong iba. Nakakasawa ka na kasi teh" masayang sabi ni Erica sabay tingin sa akin, tinignan ko naman s'ya ng masama kaya natawa ito tsaka ako yinakap "Joke time!"

"Kauma-umaga babadtripin mo ako Erica Nicole"

"Biro nga lang ito naman. Ready na ba 'yang mga gamit mo--teka." sabi n'ya habang tintignan ang dala kong maleta. "Ito lang?! Seriously Arci Nicolette?"

Napakunot naman ang noo ko "Why? 3 days lang naman tayo sa Bataan."

"Ay bahala ka sa buhay mo. Pag nakulangan ka ng damit sabihan mo lang ako. Mag dala ka ng gamit isang maleta lang, mygosh cassey!" sabi n'ya, napatingin naman ako sa 2 maleta n'yang apaka laki. Hindi naman s'ya mag lalayas sa lagay na 'yan? Apaka arte talaga nito sa lahat.

"Let's go ladies." sabi ni daddy, paalis na rin naman s'ya papunta sa work kaya isasabay n'ya na kami. Malapit-lapit din ang school namin sa company nila kaya hindi naman ito malalate.

"Bye mom. Pag may kailangan ka tawagan mo lang si ate jenny ha?" paalala ko sa kanya. Noon pa naman may kasama na kami sa bahay, sadyang makulit lang si mama kaya minsan s'ya pa rin ang nag luluto or umaasikaso sa bahay. Hindi katulad nila Erica, iisa lang ang kasambahay namin sa bahay. Ayaw din ni mommy na masyadong marami lalo na't hindi naman sobrang kalakihan ang bahay namin kahit up and down ito.

Nilagay na namin yung mga maleta namin sa sasakyan ni daddy sa likod tsaka na sumakay sa loob.

"May boyfriend ka na ba Erica? Mukhang naunahan ka pa Justin ah" tanong ni daddy kay Erica. 

Justin is Erica's younger brother. 2 lang silang mag kakapatid and hindi sila gaanong close dahil masyadong seryoso sa buhay si Justin samantalang ang ate n'ya ay bulakbol sa kanilang magpapamilya. Mas mukha ngang mag kapatid kami kesa sa dalawa dahil nga't mas closed kami ni Erica noon pa man.


"Wala no tito. Tanongin mo kaya anak mo" sabi naman n'ya kaya tinignan ko s'ya ng masama. Nasa likod ito at ako ang nasa harapan. Ayoko naman na parehas kaming nasa likod dahil ayaw ni daddy na walang nakaupo sa passenger seat. Ayaw n'ya raw maging bodyguard. May pagka arte din itong tatay ko sa totoo lang.

Napatingin naman si daddy sa akin "Is that true princess?"

Napailing naman ako "Maniniwala ka sa babaeng 'yan kesa sa sarili mong anak dad?" hindi makapaniwalang tanong ko kaya tawang-tawa naman ang bruhilda sa likod. "Papansin ka e no?" sabi ko

"Deny ka pa kasi Arci Nicolette" natatawa pa rin sabi n'ya

"Is that the boy na nakasama mo sa waiting shed?" tanong ni daddy. Nanlaki naman ang mata ko 

"Hindi ah"

"Ah si Ares Guzman ba tito?"

"Is that his name? Kakilala ko ang mommy n'ya. Rhea Guzman"

"Opo. S'ya nga po"

"So, what's the score iha?" tanong ni daddy kay Erica. Napa tingin nalang ako sa labas at hinayaan nalang yung dalawa na mag usap. Mukhang ayaw din naman ako paniwalaan ni daddy at masyadong madaldal itong pinag tanungan n'ya.

When the Rain DropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon