WTRD 02

9.4K 222 1
                                    


Arci Nicolette Villanueva


Kadating ko sa bahay, nadatnan ako ni mommy na alalang-alala.


"Why you didn't call me? Edi sana pinatawag ko si Kiel para sunduin ka" bungad n'ya sa akin. Kiel is my other cousin.


"Kahit hindi na mom, ang mahalaga nakauwi ako"


"Na basang-basa" dugtong n'ya


"Maliligo ako after, don't worry" sagot ko naman, binigay n'ya sa akin yung towel na kinuha n'ya kaya nag punas agad ako.


Bigla namang pumunta sa harapan ko si Kitty kaya kahit medyo basa ako ay binuhat ko ito at hinalikan. "Hi my baby... Why are you here?" tanong ko kahit alam ko namang hindi ito sasagot. Nag meow lang s'ya tsaka ako humarap kay mommy "Binaba mo?" 


Tumango naman s'ya "Kesa sa nakakulong s'ya sa kwarto mo kaya nilabas ko na muna"


"Pinakain mo ba? Nasa kwarto ko ang cat food" 


"Actually kakatapos n'ya lang kani-kanina" sabi n'ya "After you take a bath, kumain ka na muna. Basta na't hindi ka kumain kaninang breakfast" dugtong n'ya kaya tumango nalang ako at umakyat sa taas. Nag pahinga muna ako tsaka na naisipang maligo.


Nang matapos ako, agad na rin akong bumaba para kumain. Nakakagutom din ang mag hintay sa wala.


"By the way, anong balak mo sa birthday mo? You're turning 20 next month" tanong agad ni mommy. 


Sinubo ko na muna yung kinakain ko bago ako nag salita. "Hindi ko naman debut, 'wag na mag balak"


"Bakit? Sa debut lang ba pwede mag plano?"


"I only want a simple celebration mom. Ayoko na ng mga ganyang kaeng grande na birthday. Tsaka sa 18 birthday lang nangyayari yang mga ganyan" reklamo ko kaso umiiling s'ya na parang hindi talaga s'ya sang-ayon sa sinasabi ko.


"Huwag ka mag reklamo kung hindi naman ikaw ang gagastos okay? Kami na ng daddy mo ang bahala 'don." sagot n'ya naman kaya hindi nalang ako nag salita. Kung tutuusin, mas bagay na mag ina si Erica at si mommy, parehas silang pala desisyon.


Nang matapos ako sa kinakain ko, nag paalam na ako na umakyat at mag pahinga. Laking tuwa ko ng wala akong maririnig na ingay mula sa kabila ngayon. Parang mas gugustuhin ko nalang ata na umuulan tuwing ganitong oras para walang maingay na nag eeskandalo sa kabilang bahay. Atleast dito, ulan lang ang naririnig mo hindi bunganga ng tao.


Kaopen ko sa phone ko bumungad kaagad sa akin ang chat chead ng gc sa volleyball. Nabasa ko na pinag-usapan na rin doon ang mga gagawin at line up. By department ang napag usapang labanan. Buti naman at hindi kami mag hihiwalay ni Erica. 


Pangalawa kami sa magiging line up bukas and to my surprise kaming dalawa ni Erica ang kasama sa first-six na sasalang bukas. Hindi ko na  tuloy alam kung kaya ko pa rin ba mag volleyball o hindi na.

When the Rain DropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon