Arci Nicolette Villanueva
Kakatapos lang namin mag island hoping at andito kami ngayon lahat sa tabing dagat. Nakapaikot habang nasa gitna namin ang bonfire na kanina pa inayos ng mga crew. Pinaayos na pala nila ito bago kami makarating dito. Hindi ko na rin nadatnan pa si Paulo dahil nag check out na pala sila habang nasa kabilang isla pa kami. Naalala ko na 2 days lang pala sila at hindi na rin s'ya nakapag paalam ng maayos. I don't think that's a good idea lalo na't pag nalaman ni Ares e baka magalit ito kaya mas mabuting hindi nalang ito nag paalam.
Katabi ko ngayon si Ares at sa kabila naman si Erica. Nag usap-usap lang kami ng kung ano-ano hanggang sa maisipan nilang mag laro.
"The most common game. Drink or Dare"
"Ano ba 'yan! Wala na bang ibang laro? Nakakasawa na yung ganyan" reklamo ni Brent kaso hindi nila ito pinakinggan at nag patuloy pa rin sa laro. Bawal daw ang umayaw sa laro na ito kaya wala na rin kaming nagawa at nakisali nalang din sa laro tutal last night nalang namin ito.
Naunang tumapat ang bote kay Erica kaya excited naman ito. "Ako ang mag tatanong!" sabi nung ka deparment namin kaya napatingin kaming lahat sa kanya
"Go on" nakangising sabi naman ni Erica.
"Tutal matatanda na rin naman tayo, medyo R18 ito" natatawang sabi pa n'ya "Kiss Brent's neck. Drink or Dare?"
Halos nanlaki naman ang mga mata namin sa narinig namin, even si Erica na kanina lang e excited ito tapos ngayon para itong nastroke sa kinatatayuan n'ya.
"Kahit gusto ko magpahalik sa leeg kung si Nicole lang ang hahalik dito 'wag nalang" sabi ni Brent kaya sinaaman ito ng tingin ni Erica.
"Asa ka rin na gusto kong halikan 'yang pagkatao mo." reklamo n'ya tsaka n'ya kinuha yung baso sa gitna "Of coure drink. Iw ha! Kung kay Brent lang 'wag na. Ayokong dumikit labi ko sa balat n'ya. Kadorti"
"Apaka arte mo, ikinaganda mo?"
"Maganda ako, 'wag ka umepal sa pagkatao ko"
Napailing nalang ako sa kaartehan ng dalawa habang ang iba ay natatawa sa pinag sasabi nila. Wala na talagang magpapabago sa dalawang 'to. Habang buhay ng magpipikunan. Ayos naman sila nung una palang nila kaming makilala pero habang tumatagal, lumalala ng lumalala.
Nag umpisa ulit ang laro hanggang sa tumagal ng tumagal. Hindi rin kami natututukan sa bote dahil marami rin kaming nakapaikot. May mga ibang nag dare sa laro at may mga iba namang nag drink lang dahil sa ayaw gawin yung sinabi ng isa na dapat mong gawin. May iba nga na ilap dance si ganito-ganyan. May mga iba rin na sensual na nangyari kaya natatawa nalang ang lahat sa pinag gagawa nila. Hindi ko naman sila masisisi lalo na't matanda na rin kami at nasa tamang edad na. Ninonormalize nalang din ng lahat ang mga ganitong pangyayari kaya parang sinasanay ko nalang din ang sarili ko.
Yung iba namang mga sinasabi nila ay about kay Ares, may mga iilang players na nag confess pero naiilang sila tuwing napapatingin sila sa akin. As if naman na magagalit ako or what. Hindi ko naman sila masisisi kung may gusto sila kay Ares. Si Ares 'yan, normal lang na may nagkakagusto sa kanya and I'm okay with that.
BINABASA MO ANG
When the Rain Drops
RomansaGuzman Series #1 1st year college, ang alam ni Arci na mabubuhay lang s'ya ng normal sa loob ng university. Maka graduate ang unang priority kasama ang pinsan n'ya. Pero ang hindi nito alam, unang pasok pa lang n'ya sa kanyang pinpasukan ay may nag...