Arci Nicolette Villanueva
Kauwi ko sa bahay, nadatnan ko kaagad si daddy at mommy na nag uusap habang nakaupo sa bar stool.
"Dad? Aga natin ah" bati ko sa kanya tsaka ko sila dalawa hinalikan sa pisngi.
"Syempre, I miss my girl kaya umuwi agad ako" ngiting sabi n'ya naman kaya napangiti ako.
"Mahal mo talaga ako e no?"
"Ofcourse, ikaw lang naman ang mahal namin ng mommy mo" sabi n'ya kaya sumang-ayon si mommy.
Wala na akong mahihiling pa sa pamilya ko. Kahit ako lang ang natatangi nilang anak, talagang pinaparamdam nila sa akin kung gaano ako kahalaga sa kanila and I really love how they let me do what I want. Never sila naging mahigpit sa akin at never ako nagka problema sa kanilang dalawa. Oo, busy si daddy minsan sa trabaho pero pag may ganitong nangyari, umuuwi s'ya tsaka kami kakain sa labas. Sabi n'ya nga na mas uunahin n'ya kami kesa sa trabaho n'ya. My mom is not working anymore dahil bukod sa may kaedaran na ito, e regularly s'ya pumupunta sa hospital para sa dialysis n'ya. Sa kanilang dalawa kasi ni daddy, si mommy ang mas matanda. She's 52 years old while my dad is 47.
Age doesn't matter. Ayon ang una kong made-describe sa kanilang dalawa. Pag naman kasi talagang mahal mo ang isang tao, hindi ka na mag babase kung ilang taon ang agwat n'yo. Hindi naman kasi mapili ang pag mamahal, kahit sino pwede mong mahalin.
Well, I'm proud to say that I'm so lucky to have them as my parents.
Andito kami ngayong tatlo sa isang restaurant na kung saan e kakilala ni daddy ang may-ari. Naka discount pa nga kami dahil na rin sa magkakilala ito.
Nang maipakilala ni daddy ang may ari ng restaurant, nagulat ako ng makita ko sa harapan ko ang mommy ni Ares. Masasabi ko talaga na ang ganda n'ya. Para itong kasing edad ko lang dahil bukod na nga rin sa itsura, ang ayos n'ya rin manamit.
Mas maganda pa rin ang nanay ko d'yan.
"Your daughter is beautiful, Francis. Hindi na ako mag tataka dahil manang-mana ito kay Eliza" sabi n'ya kaya napatango naman ang mommy ko.
"Of course, kanino pa ba s'ya mag mamana kung hindi sa akin" sang-ayon ni mommy
"Aba, hindi ata ako papayag d'yan hon" sabi naman ni daddy kaya parehas silang tatlo na natawa.
"Ares is here kaso mukhang wala s'ya sa mood kaya hinayaan ko nalang. Ayoko naman s'yang pilitin baka mag eskandalo s'ya dito"

BINABASA MO ANG
When the Rain Drops
RomanceGuzman Series #1 1st year college, ang alam ni Arci na mabubuhay lang s'ya ng normal sa loob ng university. Maka graduate ang unang priority kasama ang pinsan n'ya. Pero ang hindi nito alam, unang pasok pa lang n'ya sa kanyang pinpasukan ay may nag...