Ales POV
"Well what can you say?" tanong saamin ni Mama
Kakababa lang namin ng taxi at bumungad na agad samin itong bagong bahay namin dito sa Qc. Bagong lipat lang kami dito galing pang baguio.
"Wow Ma. Just Wow" mangha na sagot ni kuya
"Ang ganda Ma" dagdag ko habang pinagmamasdan ang bahay
"Okay na ba to sainyo?"
"Ma nagbibiro kaba? Ang astig kaya" natatawang sagot ni Kuya
Sobrang ganda naman talaga nya kumpara sa dati naming bahay kahit dalawang palapag lang sya. Yung lumang bahay kasi namin tatlo.
White, gold at brown ang kulay ng mga dingding. Hindi masakit sa mata, sa totoo lang nakaka relax ngang tingnan.
Sigurado akong mas gaganda to pag gabi kasi magrereflect yung ilaw sa kulay. Malalaking fluorescent pa naman na hugis pahaba ang gamit dito sa labas.
Pina-renovate lang tong bahay dahil nag migrate na sa states ang dating may ari. Pero mukhang bago rin lang naman."Tingnan nyo na ang loob. Baka may kulang pa" sambit ni Mama
Pumasok na kami sa loob
bitbit ang mga naglalakihan naming maleta.Omaygad waaaah white tiles, white wall, glass window, white sofa, black touchscreen TV at may wood-made table sa gitna.
Napaka modern style ng paligid. Kumpleto na sa gamit at appliances, may aircon pa. Matagal na talaga tong plano nina Mama at Papa. Lumipat kami dito sa Maynila para dito na ako mag aral ng kolehiyo. Incoming freshmen ako samantalang incoming junior naman na si kuya Kenneth. Although marami rin naman ang magagandang university sa Baguio pero kaylangan talaga namin lumipat kasi nandito ang lokasyon ng itatayong pastry shop nina Mama. She really loves to bake. Hindi kami mayaman at hindi rin mahirap. Sapat lang para matugunan ang pangangailangan namin araw araw at para makapasok sa isang private na unibersidad."Ang bigat naman nito" reklamo ko habang hinihila ang kulay pink kong maleta
"Eh pano mukhang lahat ng gamit mo, dinala mo. Diba sabi ni Mama yung mga importante lang dapat at iwan na ang mga luma. Nakadagdag pa sana to dun sa garage sale" sambit ni Kuya nang makatagpo ko sya
"Lahat naman kasi ng nandito importante. Lahat may halaga" sagot ko
"Tch ohsige tulungan na kita" alok nya
"Talaga? Yie thank you" pacute kong sabi
Tatanggi pa ba ako? Ngayon lang to sinapian ng kabaitan. Dinala ni kuya ang maleta ko paakyat sa kwarto.
From this (⊙o⊙) to this (๑^ں^๑)
Biglang nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga nakikita ko.
My mom really knows how to make me smile, sya kasi ang nagdesign ng boung bahay kaya alam nya ang dapat na ayos.
White at Lavender ang theme ng kwarto ko. White closet, lavender pillow, lavender bedsheet, violet comforter, white and lavender small flower-like chandelier.
Yup lavender is my happy color bonus ang mga one direction posters na nakadikit sa dingding wow.My banyo at aircon na rin dito sa loob.
Pinisil naman ni Kuya ang pisngi ko
"Arayy masakit ha"
Napahawak ako dito at ramdam ko na napupula na ito
"Laway mo tumutulo" asar nya sakin
"Ang ganda kasi sobra" naluluha kong sagot
OA na kung OA pero naiiyak talaga ako dahil sa tuwa
"Alis na ako. Bumaba ka nalang mamaya para mag meryenda"
Lumabas na sya ng kwarto ko, hindi ko na sya sinagot dahil abala ako sa pagmamasid ng aking paligid
Hindi ako ganun ka girly dahil may cool side rin ako. If lavender is my happy color well im obsess with Galaxy. I have my Galaxy vans shoes, galaxy Iphone case, galaxy bagpack nung highschool at nasubukan ko na rin gumamit ng galaxy nail polish. Natutuwa lang talaga ako sa kulay nito.
Alas dos na pala ng hapon. Dahil kadarating lang namin galing byahe ay nakakaramdam na ako ng init at may tumutulo na ring konting pawis sa katawan ko. Napag isipan kong maligo muna bago bumaba.
Makalipas ang ilang minuto ...
Lumabas na ako ng banyo na nakasuot ng pink long sleeve; na manipis lang kaya hindi mainit. Fit white pants at white/pink tennis vans shoes. Color coding ako ngayon. To be honest, i'de rather choose tennis than high heels. Mas komportable ako sa ganun eh. At dahil wala naman akong magawa dito sa bahay, mamamasyal nalang muna ako sa mall. Tutal may advance allowance na rin ako galing kay papa.
Bumaba na ako ng kwarto at bumungad sa akin si kuya Kenneth na nanonood ng Tv sa sala
"Oh saan punta?" tanong niya
"Trinoma" maikling sagot ko
"Ah. Pizza ko ah"
Inihaya ko sakanya yung palad ko
"Bayad"
"Grabe ang sweet mo talagang kapatid. Tss" sarcastic na sabi nya
"Ako paba?"
"Tch wag na nga lang"
Lumabas si mama galing kusina na may dalang baked macaroni
"Aalis ka pala" sambit nya nang makita ako
"May bibilhin lang po"
"Mag iingat okay?"
"I will Ma"
Hinalikan ko sya sa pisngi at tuluyan nang lumabas ng bahay. Mabuti nalang medyo kabisado ko ang maynila kaya hindi naman ako maliligaw. Sana?
Dito kasi kami dinadala ni papa noon tuwing bakasyon. Sa hotel nga lang kami tumutuloy pero ngayon may sarili na kaming bahay
YOU ARE READING
He's my First but am i his Last?
RandomCan she be the healer of the heart that is broken? Or she's the one who is going to be hurt? Does happily ever after exist? Or it's just going to be another version of shit?