Chapter 16:Black Ghost

157 4 0
                                    

Sa isang napakalaki at tagong mansyon na napapalibutan ng maraming tauhan na nakasuot ng itim na coat na may mga malalaking baril at matatalim na katana ang kota ng isa sa mga kinatatakutan na grupo ng mga mafia na Black Ghost
Hindi lang sa pilipinas aktibo ang grupo nila kundi pati na rin sa US, France at United Kingdom. Kada isang bansa ay meron silang isang leader na namumuno

Sa isang malawak na kwarto na halos kasya ang isang bahay na puno ng kulay itim, pula at gintong kagamitan na may kulay abo na dingding ang opisina ng pinuno nila.
May mahabang red carpet at malaking chandelier. Nakaupo ang pinuno nila sa gintong upuan at meron rin itong ginto na mesa sa harapan

"Master pinatay na nila si Steve" pamamalita ng isa sa mga tauhan niya

"Napatay natin ang kanang kamay ng pinuno nila samantalang napatay nila ang wala pang posisyon sa grupo natin. Mga wala silang lakas dahil mas pinagtutuonan nila ng pansin ang mga nasa ibaba pa" kalmadong pahayag nito

"Nakapag imbestiga na po ako at nalaman ko na meron silang event na gaganapin sa isang linggo na pagdadaluhan ng mga kilalang negosyante mula sa Russia at maglalabas sila ng malalaking pera"

Napaisip ang kanilang pinuno

"Kung ganun kaylangan na natin syang papuntahin dito sa pilipinas"

"Po? Pero labing walong taon lang siya. Siya ang pinakabatang miyembro natin"

"May problema kaba sa desisyon ko?" tumaas ang boses nito

"Wala po Master" malumanay na sagot nito sa kanilang pinuno

"May mga napatay na siya. Isa siya sa pinakamalakas at pinakamadiskarte kaya wala akong duda sa kakayahan niya"

"Sige po tatawagan ko sya ngayon rin mismo"

---

(AN:The who?)

He's my First but am i his Last?Where stories live. Discover now