Chapter 28:Black Ghost's Greatest Assassin

155 5 4
                                    

Third Person's POV

Kabababa lang namin ng Mercedes benz dito sa harap ng isang mamahaling five-star hotel restaurant para sa isang malaking transaction. Naglalakad kami papasok ng restaurant mula dito sa parking lot. Hindi ko alam pero nararamdaman kong parang may mali. Nakita kong naglalakad patungo sa direksyon namin si Charles galing sa loob. Nag bow muna sya kay master bago nagsalita

"Nasa loob na po si Mr.Clifford, Master"

Tinapik ni Master ang balikat nya at nauna na itong naglakad kasabay ang tatlo niyang bodyguards samantalang nasa likuran lang kami ni Charles. Nung isang linggo pa ako dumating dito sa pilipinas pero ngayon lang kami nagkita

"Yow?" nakangiting bati nya saakin kaya tinanguan ko sya

"Kamusta?" tanong ko sakanya

"Ito gwapo pa rin"

Siraulo talaga to hindi pa rin nagbabago. Sabay lang kaming nakapasok ni Charles sa black ghost. Katulad ko, galing rin sya sa kilalang pamilya dito sa pilipinas. Ako nga lang sa ibang bansa. Ilang buwan lang ang tanda nya saakin kaya kaming dalawa ang madalas nagkakausap at nagkakasundo

"Nagbabalik ang bunso" tumawa naman ng mahina ang loko

"Gago" napailing nalang ako

Oo ako talaga ang pinakabatang miyembro. Labing walong taon gulang lang ako pero hindi yun dahilan para hindi ko na mapantayan o malamangan ang mga kakayahan ng mas nakakatandang miyembro. Hindi yun dahilan para hindi ko maipagtanggol ang grupo ko, ang master ko. Hindi yun dahilan para hindi ako pumatay ng tao

"Kamusta naman ang France?"

"Ayun France pa rin" walang ganang sagot ko

Napansin kong may pulang lacer sa tuktok ng ulo ni Master. Walangya? Kung target ka, hindi mo talaga ito mapapansin. Napatingin ako kay Charles na abala sa paggamit ng kanyang cellphone. Shit ako lang ba nakakapansin nito?
Sa tingin ko galing yung lacer sa katabing building. Tangna sabi ko na nga ba may mali. Ramdam ko talagang may nakamasid saamin kanina pa. Hindi ko ito tiningnan para hindi nito mahalatang alam ko ang ginagawa niya. Pasimple akong lumapit kay Master para sabihin sa kanya

"Master"

"Hayaan mo lang sya"

Hayaan ko lang sya? Alam niyang may gustong bumaril sakanya ngayon mismo? Sabagay magtataka pa ba ako eh lahat naman alam niya. Ganun sya kagaling

"Opo" yan nalang ang nasagot ko atsaka yumuko

"Hindi pa ako babarilin nyan dahil hindi ko pa hawak ang pera. Hindi nila kaya pumasok sa loob dahil masyadong madami ang tauhan ni Clifford kaya tayo ang inaasahan nila" sabi niya habang patuloy lang sa paglalakad

Anim lang kami samantalang nasa trenta ang kasama na tauhan ni Mr. Clifford sa loob. Tch duwag talaga yung mafia leader nila

"May mga tao sa paligid na susugurin tayo pag lumabas na tayo galing sa loob para kunin ang pera saatin. Kapag nabaril na ako nung tauhan nilang nasa taas dun na sila magsisimulang magpaputok dahil yun ang Go signal nila"

Pinapahanga nya talaga ako lalo. Gusto ko maging isang katulad nya balang araw. Ang maging isang matagumpay na negosyante at maimpluwensyang mafia leader

"Ngayon ikaw na ang bahala sakanya"

Napaangat ako ng tingin sakanya

"Yes Master"

Bumalik na ako sa likuran at nagpanggap na walang alam hanggang sa makapasok na kami sa loob

"Bro order na tayo. Nagugutom na ako" nakaupo kami ni Charles sa katabing mesa nila Master

He's my First but am i his Last?Where stories live. Discover now