Mahaba to kaya sana may pasensya kayo na basahin. Pero sure akong worth it naman :)
(Photo above is not mine xoxo)
Ales POV
7:30 na ng umaga at nasa school na ako. Mamaya pang 9:00am pasok namin pero napaaga na. Hassle kasi baka ma traffic pa ako. Nandito ako ngayon sa hallway ng 3rdfloor, bldg 8 papuntang library para doon muna magpapalipas ng oras. Tumingin tingin ako sa paligid. Ang ganda talaga ng view.
Sobrang linis ng paligid at ang sariwa pa ng hangin. HaysTeka siya yun ah?
Yung may ari ng Jacket.
Naglalakad siya sa field at tanaw ko sya mula dito.
So dito rin pala sya nag aaral.
Small world. Lahat ng babaeng madaanan niya tinitingnan sya. Okaaayyy isa siyang attention catcher.
Hindi mo rin naman sila masisisi. Ang gwapo naman kasi tapos ang lakas pa ng dating.
Transferrie rin kaya to dito? Nag iisa kasi eh"Hey"
Biglang nabaling ang atensyon ko sa babaeng biglang sumulpot sa harapan ko.
"Kanina kapa ba dyan?" tanong ko kay Lindt
"Hindi naman. Who are you staring at?"
"Ah wa-wala"
Sinundan naman nya kung saan ako nakatingin kanina
"Wag mo nang pansinin" sabi ko
"Si Kite?" tanong ni Lindt
"Huh? Si-sino?"
"You're staring at Kite ey?"
Kite pala pangalan niya. Ang cool
"Hi--hindi ah" pag de'deny ko
Grabe ang lisik pala ng mata nito. Ang daming estudyanteng nakakalat pero nasundan pa rin nya. Nakaka mangha
"Dont me hahaha"
"Kilala mo sya?"
"Oo naman. Kaibigan sya ni Lyle"
"Hindi ba sya Transferrie?"
"What? No. Dito na sya nag aaral since freshmen high"
Okaaaay mali ako
"Close kayo?" tanong ko
"Ayyiee napaghahalata na kita ah"
Awts dami ko naman kasing tanong
"Huh? Nagtatanong lang"
"Hahaha close naman kami pero dont worry di ko sasabihin na crush mo sya"
"Ay grabe hindi nga"
"Sus okay lang yan. Dami naman talagang nagkakagusto dyan eh. Kite Denzel Yuzon the great"
Crush ko nga ba? Hindi ko alam.
Pero nung nakita ko sya kanina kakaiba sa pakiramdam. Medyo sumikip ang dibdib ko. Medyo kinabahan ako pero natutuwa ako at the same time. Hays ewan"Pero may girlfriend na yan"
Awts meron na? Tch eh ano naman sayo ngayon Ales kung may girlfriend? Hindi naman imposible. Mukhang ito pa nga ang nililigawan ng mga babae eh.
"Oy sige punta na akong klase. Ikaw ba? Dont you have class?" tanong ni Lindt
"Mamaya pa" sagot ko
"So sa library ka muna?"
"Hindi. Iba pupuntahan ko"
"Okay? Kita nalang tayo mamaya"
Naglakad na si Lindt paalis.
Nag iba isip ko. Hindi na pala ako sa library pupunta
--Kasalukuyan akong nasa Wifi Zone. Malaki tong area at sobrang bilis pa ng internet connection. Mayaman talaga tong school
YOU ARE READING
He's my First but am i his Last?
LosoweCan she be the healer of the heart that is broken? Or she's the one who is going to be hurt? Does happily ever after exist? Or it's just going to be another version of shit?