Chapter 14:Mistletoe

199 4 0
                                    


Author's POV

Mag isang naglalakad si Phoebe sa hallway papunta sa susunod niyang klase habang may kausap sa telepeno

[Im home] sabi ng nasa kabilang linya na biglang nagpangiti sakanya

"Seriously dad?"

[Yes kaya im hoping na uuwi ka nang maaga]

"Yeah sure. 7:30 i'll be there. After ng opening ng cafeteria ng mom ng friend ko"

[Good. I will be cooking your favorite meal]

Magaling magluto ang daddy niya. Sobrang saya niya nang malaman na nandito na ulit ito sa pilipinas.
Ang kanyang mommy, mga kapatid at ang mga katulong lang ang nakakasama sya sa bahay

"Mukhang masisira nanaman po ang diet ko nito ah" natatawa niyang sabi

[Sabi ng mommy mo na pumayat ka raw? Ganun ba ka stress ang maging college student at disciplinary officer at the same time?] Phoebe giggle

"Im fine dad. Dati na po akong payat diba?"

[Basta mamaya eat all you can. Ubusin mo lahat ng lulutuin ko ha? Ayoko pang maging sexy ang baby ko]

Natatawa nalang si Phoebe sa usapan nila ng daddy niya. Kahit kaylan talaga baby pa rin ang turing sakanya. Athough hindi naman sya ang bunso. Meron syang kuya na third year college na sa Brent University rin nag aaral at third year high school brother sa Brent High. Siguro ganun kapag nag iisang babaeng anak

"Hay naku daddy marami akong kwento tungkol dyan sa dalawa. Sobrang kulit. Mas makulit pa sa mga rule breakers dito. They're getting into my nerves. Can you believe it dad na dinadalaw si Ethan ng babae sa bahay?"

[Ikaw naman anak. Syempre magandang lalaki. Kanino paba mag mamana?]

"Hmm no won---"

Napatigil bigla si Phoebe sa sasabihin nya dahil sa isang eksena na nahagip ng mga mata niya

Mula sa ngiti ay napalitan ng lungkot na may kasamang sakit ang itsura nito

Pagkatapos ng break up nila,ngayon nya lang ulit itong nakikita na tumatawa na hindi ang mga kaibigan at kapatid nito ang dahilan

Ngayon niya nalang ulit itong nakitang may kasamang ibang babae maliban sa kambal nito

Nakaupo ang dalawa sa isa sa mga bench na nasa gilid ng hallway. Makikita mo sa itsura nila na nag eenjoy sila sa pinag uusapan nila dahil sa tawanan nila

Si Lyle kasi yung tipo ng tao na hindi basta basta kumakaibigan kung kani-kanino.Kahit maging mabait kapa sakanya kung ayaw nya sayo ay ayaw nya talaga sayo. Moody sya. Never mo syang makikita kasama ang iba maliban kay Lindt at kina Kite kaya nakakapanibago talaga

[Anak are you still there?]

Agad namang bumalik sakanyang wisyo si Phoebe

"Dad i have to go. See you later" sabay baba niya ng cellphone niya

Phoebe's POV

After one year i think he really did moved on

Tama naman ito diba?

Ginusto ko naman ito

You're so stupid Phoebe

Syempre hindi naman pwedeng habang buhay iisipin at didibdibin niyan ang sakit na dinulot mo sakanya

Kaylangan niya rin maging masaya para sa sarili niya

Kaya maging masaya ka nalang rin para sakanya

He's my First but am i his Last?Where stories live. Discover now