We don't meet people by accident. They are meant to cross our path for a reasonKite's POV
Pauwi na kami ni Warren. Sumabay ako sakanya dahil hindi ko dala ang kotse ko dahil tinatamad akong magdrive. Humiwalay na saamin ang tatlo na may kanya kanyang ring dalang sasakyan
The number you have dialled is out of coverage area. Please try again your call later
"Hindi pa ba sinasagot?" tanong ni Warren
Kanina pa ako dial ng dial dito sa cellphone ko
"Kanina hindi sinasagot pero ngayon hindi na ma-contact" sagot ko
"Baka naman kasi may pictorial?"
"Ewan. Siguro. Wala naman syang nababanggit eh"
Naging sobrang busy na ni Nik simula nung isang linggo kaya hindi na kami nakakapag usap sa skype at bihira pa kung magtawagan. Dalawang buwan ko na syang hindi nakikita. Dalawang buwan hindi nayayakap at nahahalikan. Tatlong araw pagkatapos ng graduation namin ay lumipad agad sya papuntang Singapore para magtrabaho. May isang agency na kumuha sakanya para mag endorse ng mga damit, isa syang freelance international model kaya kaylangan nya yun gawin. Hindi ko naman sya pinigilan kasi pangarap nya yun. Sabi nga nila kung mahal mo talaga ang isang tao susuportahan mo sya para maabot ang pangarap nya kahit mahirapan kapa. Kinakaya kong magtiis dahil sakanya. Kung pwede nga lang dalawin sya sa Singapore ay ginawa ko na pero may usapan kami ni Nik na kaylangan rin namin ng distansya para masubok kung hanggang saan ang kaya ng relasyon namin. At salamat naman dahil nakaya namin. Babalik na sya dito sa maynila sa makalawa dahil dito pa rin sya mag aaral. Two months lang naman ang kontrata nila nung ahensya. Ginagawa nya to para makatulong sa mga gastusin ng pamilya nya. Oo hindi sya katulad naming may kaya sa buhay. Scholar sya nung high school hanggang ngayong college sa unibersidad namin pero hindi yun naging hadlang sa aming pagmamahalan. Isa sa mga dahilan kung bakit ko sya minahal ay dahil sa pagiging masipag at responsible nya.
Kinakaya nyang huwag umasa sa iba"Baka nagpapasabik? Tutal uuwi rin naman sya"
Hindi nalang ako sumagot sa sinabi ni Warren. Napahinga nalang ako ng malalim at tumingin sa labas ng kotse
*Rrriiinnngg*
Kay Warren tawag yan, hindi sakin. Tch
"Hello Ma? ... Uhm opo sige. Be there in fifteen minutes"
Nik sobrang miss na kita kung alam mo lang
"Kite" narinig kong tawag nya
"Oh? Bakit?" tanong ko
"Nagpapasundo kasi sakin si Mama sa Villa Miranda. Kilala mo naman yun magtatampo yun pag hindi ko sinunod yung sinabi nya. Hindi na kita mahahatid kasi traffic na pabalik"
Siya talaga si Mister nice guy slash mama's boy sa grupo. Nag dial ako ng cellphone ko at wala pang tatlong ring at may sumagot na
"Manong? Oho si Kite to. Paki sundo naman ako dito sa---"
Tumingin ulit ako sa labas ng sasakyan para malaman kung nasaan na kami
"Sa Trinoma. Salamat" binaba ko na agad ang tawag
"Hinto mo sa gilid. Bababa nako."
"Ingat nalang pre. Sobrang lakas ng ulan" paalala nya"Sige magkita nalang tayo ulit bukas"
Inihinto ni Warren ang sasakyan kaya bumaba na ako at agad na tumakbo papuntang Trinoma. Basa na ako ng konti tch
Dito ko nalang hihintayin si manong sa labas. Alangan naman ipalibot ko pa sakanya ang boung mall para lang hanapin ako? Sobrang lakas ng ulan pati na rin ang ihip ng hangin. Kanina ang init tapos ngayon sobrang lamig na.
YOU ARE READING
He's my First but am i his Last?
RandomCan she be the healer of the heart that is broken? Or she's the one who is going to be hurt? Does happily ever after exist? Or it's just going to be another version of shit?