Chapter 25/Meet the powerful

159 5 2
                                    

Ales Pov

Nung pinakikinggan ko lang si Kite kanina habang kumakanta ng part niya, hindi ko maiwasan na mapa titig sakanya at mapa isip na parang narinig ko na ang boses na yun. Parang kinantahan nako ng mapang akit na boses na yun. Hindi ko lang maalala kung saan at kung kaylan. Ang ganda sa tenga ng boses niya. Pwede kang hilahin at maadik na pakinggan. Hindi ka magsasawa kahit paulit ulit. Parang yung feelings ko lang sakanya. 

Alas kwatro na at naglalakad na kami palabas ng Brent ni Kean para pumunta na sa cafeteria na namin. Sabi kasi nya kay Mama raw kami hihingi ng tulong para sa mga pastries na gagawin namin. Ibang klase daw mga gawa ni Mama. Pft kaya pala halos araw araw syang nandun. Kwento ni Ate Grace halos dun na ito tumambay sa tuwing uwian para mag meryenda. At ito naman si Ate Grace tuwang tuwa at kilig na kilig. Crush nya raw kasi. Mabait naman daw si Kean at kung minsan tumutulong pa mag serve sa mga costumer. Wow lang. Hindi ko alam na may ganun pala siyang katangian

"Sana magaya natin yung lasa na ginagawa ni Mama"

Nakasalalay kaya grades namin sa midterm dito. Ewan ko ba kung bakit medyo mababa ang tiwala ko sa sarili ko

"Kaya yan. Ako bahala sayo. Partner mo ako eh"

Sabi niya sabay wink. Ito namang isa sumobra sa confidence. Pero salamat na rin. Alam kong hindi nya papabayaan yung naka task samin. Alam kong hindi nya ako iiwan sa ere

"Galit kaba dahil hindi kita hinalikan kanina?"

Pinaalala nya naman yung ginawa nyang kalokohan. Natatawa siya sa tanong niya.  Nang aasar naman to eh

"Asa ka naman. Hindi ko pinangarap mahalikan mo no"

"Pasensya kana. May magagalit kasi kapag tinuloy ko"

Magagalit? Sino? Tiningnan ko siya nang mata sa mata

"Hep hep. Wag mo akong tatanungin dahil hindi kita sasagutin"

Aysh mind reader. Nalaman niya na agad na may gusto akong malaman. Tch bahala na nga.  Bumungad saamin ang mga nagkumpulang mga estudyante dito sa labas

"Anong meron?"

Nagkibit balikat si Kean

"Malay ko''

Makikita mo sa mukha ng mga babaeng nandun na kinikilig sila. Namumula ang mga mukha,  abot tenga ang mga ngiti at talon ng talon

"Hindi kaya may artista?"

"Malay ko nga sabi"

Sagot ni Kean. Hays napaka sungit na

"Tingnan natin"

Agad akong tumakbo papunta dun sa eksena. Nung napalingon ako sakanya, nakita ko na napakamot ng ulo niya si Kean

"Mga babae nga naman. Mga chismosa"

Hindi ko nalang sya pinansin dahil totoo naman. Eh sa interesado ako eh

"Ang gwapo niya"

"Sobra. Nalapitan ko pa sya lalo kanina. Ang bango pa"

"Waaah talaga? Ang swerte mo naman"

Narinig ko lang yang usapan ng dalawang babaeng katabi ko. Sino nga ba kasi? Si Daniel Padilla? Si Enrique Gil? Si Piolo?
O edi kaya si Harry Styles? Omg

"Hirap maging pandak no"

Nandito na pala si Kean sa likuran ko. Kitam sumunod rin naman sya

"Hindi ako pandak no. Matangkad ka lang masyado"

Ang daming tao nasa harapan kaya hindi ko masilip kung sino

"Interesado ka rin pala malaman kung sino ha"

He's my First but am i his Last?Where stories live. Discover now