Chapter 9:Getting Closer

203 4 0
                                    

Author's POV

Alas nuwebe na ng umaga at tulog mantika pa rin si Kite. Partida may klase pa yan mamaya

*phone ringing*

*phone ringing*

*phone ringing*

Kunot noong nagising si Kite dahil sa walang katapusang tunog ng kanyang cellphone

Kite's POV

Argh ang sakit ng ulo buysit!
Madalas kaming nasa bar hindi ako ganun kadami uminom kaya malakas ang tama ng alak saakin kagabi

*phone ringing*

Kinuha ko ang cellphone na nakalagay sa ibabaw ng mesa katabi ng kama ko para tingnan kung sino ang tumatawag

PIER YUZON CALLING..

Ano naman ba kaylangan nitong magaling kong pinsan?
Sinagot ko ang tawag na nakapikit pa ang dalawang mata. Argh antok na antok pa talaga ako

"Oh?" walang ganang bungad ko sakanya

"Bedroom voice. Still sleeping?" tanong niya

"Yeah and thanks for disturbing" sarcastic na sagot ko

"Sorry but i think you should see this" sabi ni Pierre sa kabilang linya

"Ano?"

"Open your facebook account"

"Why?"

"Just open it"

Naka plan naman tong cellphone ko kaya hindi na ako nag abala pang buksan ang wifi. As usual sumasabog naman ang messages at notifications ko nang makita ko ang wall ko

"Now what?"

"Visit Nik's wall"

"Okay"

Agad ko nang binaba ang tawag at hinanap ang facebook account ni Nik. Kahit tinanggal nya ako sa friendlist nya hindi naman nya ako blinock kaya pwede ko pa itong makita

Shit

Biglang lumaki ang mga mata ko sa nabasa ko









STEFFANIE CHIU IS IN A RELATIONSHIP WITH MATTHEW UY

--

Dustin's POV

Nag eensayo kami para sa gaganaping soccer competition dito sa Brent next week. Player kami mula nung first year high hanggang ngayong college na kami

"Wala nanaman si Yuzon" galit na sambit ni coach

Hahaha matik tulog pa yun. Lakas ng hangover eh. Kaya pala tinanggihan offer ni Kean kasi ibang babae ang gusto ikama. Dejoke lang si Kite pa ba? Eh hindi naman yun pumapatol kung kani-kanino. Atsaka panget rin yung babaeng yun no

"Lee ikaw muna mag penalty kick"

Nabalik ako sa wisyo ko nung tawagin ako ni coach. Si Kite talaga striker namin kaya lang parating absent sa practise. Hina'highblood na nga itong si coach eh. Pumunta nako ng pwesto at nag ayos posisyon

Sumipol na si coach ng pito niya kaya akmang sisipain ko na ang bola nang--

Uh? Sino sya?

Isang babae ang nahuli kong nakatingin saakin. Nakaupo sya sa isang bench malapit dito sa field. Hindi sya ganun kaputi. Morena lang pero sobrang gan--- augh unang beses na sana mahahagip saaking isip ang salitang yun. Hindi ko pa yun naiilarawan sa isang babae, sa gadgets pwede pa. Buti at hindi natuloy tch Ano ba tong naiisip ko? Nilalagnat na ata ako

He's my First but am i his Last?Where stories live. Discover now