Chapter 22:Sup Nerd?

153 5 4
                                    

Ales POV

"Salamat sa pagpunta"

Isa isa kinamayan ni Warren ang kanyang mga bisita bilang pasasalamat. Nasa labasan na kaming lahat ng resort at handa na kami umuwi

"Wala yun pare. Ikaw paba?"

"Oo nga. Nag enjoy naman kami"

"Happy birthday ulit"

"Thanks bro"

"Happy birthday pre"

"Kita ulit tayo sa susunod"

"Jam next time"

Sa dami ng pumunta, iilan lang yan mga sa narinig ko mula sakanila. Kumaway na ang mga ito sakanya at nagsipasok na sa kani kanilang sasakyan. Sa nangyari samin kanina alam ko na kung bakit marami ang kaibigan na nagmamahal kay Warren :)
Nauna nang pumasok sa loob ng van sina Lindt. Hinintay muna namin makaalis lahat ng bisita at pagkatapos ay pumasok na rin kaming dalawa sa loob. Pinaandar na ni Warren ang makina. Siya ulit ang nag drive at sa tabi nya rin ulit ako umupo. Katulad lang nung kanina.Napansin kong sobrang tahimik ng lahat. Lalo na nitong si Kean? Hindi nangungulit at nag iingay.
Walang gumagamit ng cellphone at nagpapatugtog. Siguro sobrang pagod at antok na ang mga to. Madaling araw na rin kasi pala.
Sumilip ako ng konti sa likuran at nakita ko si Kite na nakatingin lang sa labas ng bintana na parang may malalim na iniisip. Problema naman nito? Yung iba ay nakapikit lang. Tiningnan ko si Warren kaya tumingin rin sya saakin ng panandalian, nginitian nya ako at tinuon na ulit ang atensyon sa daan.
Wala nga talaga siyang hinanakit sa akin =)))

"Inaantok kana ba?" tanong niya

"Medyo" maikling sagot ko

"Warren?" mahinang tawag ko

"Hmm?"

"Diba lahat kayo may kanya kanyang sasakyan? Bakit ngayon nasa iisang van nalang kayo?" nagtataka lang ako

"Ganito kami kapag nasa out of town o medyo malayo ang pupuntahang lugar. Ayaw nila dalhin ang kotse nila kasi nakakatamad raw mag drive kaya ako kinakawawa nila" natatawa nyang paliwanag

Napangiti nalang ako. Hays ang cute naman nilang magkakaibigan. Kapatid na nga talaga kung magturingan. Wala na akong nasagot kaya napapikit nalang ako ng mata. Tutal matagal pa naman ang byahe at inaantok na rin ako
----

Kean's POV

Alas tres na ng hapon ngayon at kagigising ko lang. Walangya nagising pa ako buysit. Linggo na pala. Ang bilis talaga ng araw. Parang kulang pa ako sa tulog at wala pa akong kain. Alas syete na ako ng umaga nakauwi. Saan ako galing?

-Flashback-

Sa bahay na ako nina Warren bumaba. Ako lang ang hindi nagpahatid sa bahay. Mabait kasi ako dejoke lang. Sa Marikina pa kasi ang bahay ko at ayaw ko naman mapagod pa si birthday boy kaya sa huli mabait pa rin talaga ako

"Pano kana nyan?" tanong nya

"Edi magcocommute"

"Dito kana matulog"

"Wag na nakakahiya naman kina Tita"

"Meron ka pa pala nun?"

"Gago" anong akala nito saakin?

"Dito kana nga matulog. Tutal ayos naman na ang guest room"

"Wag na sabi. Okay lang ako"

"Gamitin mo kotse ko"

"Ayoko"

"Ang arte mo"

"Pucha kinakabahan na ako sayo ah. Nababakla kana ba sakin?"

He's my First but am i his Last?Where stories live. Discover now