Kite's POV
*Boogsh*
Isang suntok ang tumama sa mukha ko kaya napahawak sa panga ko
"Pinagbigyan na kitang suntukin ako pero hindi man lang ako nasaktan. Walangya bakla kaba?"
Tangna akala ko kagat ng lamok, suntok na nya pala yun. Ni hindi man lang ako nakaramdam ng kahit konting hapdi
"Ah ganun? Masyado kang mayabang"
Susuntukin nya sana ulet ako pero malas nya nga lang dahil mas mabilis ang kamao ko kaysa sakanya kaya naunahan ko sya. Napatumba ko sya, putok pa labi nya.
"Masyado kang mahina"
Puro satsat. Wala naman palang ibubuga.Tiningan ko yung mga kasamahan ko na may kanya kanya ring pinagkakaabalahan.
Napatumba na nina Lyle, Dustin at Kean yung mga kalaro nila. Yung kay Warren naman ayaw pa magpatalo. Nagsasagutan ng suntok yung dalawa*Prrrrt*
*Prrrrt*
Nakarinig kami ng pito ng mga pulis. Nalintik na, pucha.
"Pre pulis" sigaw ni Kean
"Warren tama na yan" awat ni Lyle
"Anuba? Tara na. Baka mahuli pa tayo" dagdag ni Dustin
Ayaw pa rin tumigil ni Warren. Ganyan talaga sya, gusto nyang natatapos yung trabaho nya pero mukhang walang balak na magpatalo tong kumag nato kahit duguan na. Kaya naman---
*Bogsssh*
"Badtrip ka naman Kite. Nag eenjoy pa ako eh" inis na sambit ni Warren
"Siraulo" sagot ko
Pano kasi hinawakan ko yung kwelyo ng kumag at sinuntok. Bagsak yung loko. Hinigit ko na rin ang kamay nya para sabay na kami tumakbo dahil nauna na sila Dustin
"Wow holding hands while running. Ang sweet naman natin best" narinig kong pang aasar ni Warren sakin kaya agad ko syang binitawan
"Gago. Best? Kadiri"
"Hahaha magbestfriend naman tayo kaya okay lang yan"
"Ulol. Fucking endearments"
"Hahahaha"
Tawang tawa pa sya tch Napalingon naman ako sa likuran namin. Damn takbo pa rin ng takbo yung tatlong pulis. Hindi kaya atakihin sila ng rayuma? Ke tatanda na. Binilisan pa lalo namin ang pagtakbo hanggang sa makarating na kami sa park. Napagod na kami kaya huminto muna kami saglit para habulin ang aming paghinga.
"Kaya pa?" tanong ni Warren
Lumingon ako sa likuran. Walangya bilib na talaga ako dito sa tatlong pulis. Naniniwala sila sa kasabihan NEVER GIVE UP. Nagpatuloy na kami sa pagtakbo dahil malapit na nila kaming maabutan.
"Kite" mahinang tawag ni Lyle. Sapat lang para marinig namin
Natigil ulit kami ni Warren sa isang burger stand. Nakita naming nandun sa loob yung tatlo, malamang kasi dun nagtatago
"Pasok kayo dito" sabi ni Dustin
Mukhang walang balak na tumigil sa pagtakbo tong mga pulis kaya naman pumasok na rin kami.
Shit ang sikip. Hindi ako makahinga ng maayos hays pagtiisan na nga lang kaysa mahuli. Tiningnan ko yung tatlong babae na nagtratrabaho dito sa burger stand na nakasuot ng uniporme nilang kulay dilaw at naka hairnet na mukhang nasa bente ata ang edad. Paanong hindi papayag ang mga ito eh kinikindatan tapos nginitian nitong si Kean na may kasama pang paghahaplos sa kamay. Manyakis talaga. Yung mga babae naman namumula na yung mukha sa kilig. Tch minsan talaga may maganda ding dulot ang pagiging malandi nitong loko nato. Tumayo si Warren at sumilip sa labas
"Wala na sila" bulong nya
"Sure ka?" tanong ni Dustin
"Oo pero kung gusto mo magpa iwan dito eh okay lang naman"
Lumabas na si Warren kaya sumunod na rin ako. Hindi kami takot sa pulis at kulungan. Takot kami sa mga aming mga magulang. Lahat naman atang matitinong anak ayaw ma dissapoint ang parents nila. Oo hindi kayo nagkamali ng basa. Matino kami sa lagay nato. Bakit ba?
"IF YOU DONT DO WILD THINGS WHILE YOU'RE YOUNG,YOU'LL HAVE NOTHING TO SMILE ABOUT WHEN YOU'RE OLD"
Matino ako. Gusto nyo malaman kung bakit? Edi kilalanin nyo ako dito sa kwento ko
"Hoy Henarez" sigaw ni Lyle
"Oh bakit Chua?"
Gago talaga to si Kean hindi pa rin tinitigilan yung tindera
"Miss mag alcohol ka ng kamay. Baka matitano ka" sabi ko
"MATINIK kasi sa chiks yan eh ang papangit naman" dagdag ni Dustin na mukhang nagpa offend dun sa mga babae
Loko talaga to. Binitawan na rin ni Kean ang kamay nito
"See you next time" nakangiting paalam nya
Nagpasalamat kami dun sa mga tindera at naglakad na palayo.Napahinto kami nung may madaanan kaming seven eleven. Pumasok kami sa loob para bumili ng soda. Uhaw inabot namin.
Lumabas na rin kami agad ng convenience store para maupo sa isa sa mga bench at doon sinimulang inumin ang biniling Cobra"Bakit hindi nalang tayo bumuo ng gang? Tutal tinatawag rin nila tayong gangster kasi palagi tayo nakakapasok sa gulo edi pangatawan na natin" biglang sambit ni Dustin
Hays ayan nanaman sya. Paulet ulet nalang. Talaga bang ipipilit nya yan? Huminga muna ako ng malalim bago ko ulit sya kausapin tungkol sa mga ganyang bagay
"Huli ko na to sasabihin sayo ha? Makinig ka. Hindi tayo bubuo ng gang kasi hindi tayo magiging gangster. Oo nangbubogbog tayo. Pinagtatanggol natin ang ating mga sarili, ang isa't isa. Pero hindi tayo pumapatay. Hindi tayo kriminal" paliwanag ko
Hindi kami nangti'trip. Hindi kami nangbubogbog ng walang dahilan. Katulad lang nung kanina, naglalaro kami sa billiaran at natalo namin sila. Nagdaya daw kami fuck hindi namin yan gawain. Lumalaban kami ng patas. Hindi nila natanggap na talo namin sila kaya ayun inabangan kami sa labas
"Gets mo na? Paulet ulet nalang bro uhm--pero sure na ba talaga yan?" tanong rin ni Kean
Isa pa tong matigas ang ulo
"Eh ikaw sure kabang wala kapang anak?" asar ko sakanya
"Grabe sya. Wala nga" sagot naman nya
"Malay ba namin eh mas madalas ang pasok mo sa motel kaysa sa klase" panggagatong rin ni Warren
"Sus safe ako sa mga ganyang bagay. Parati akong may dala. Meron akong stock. Kapag kaylangan nyo puntahan nyo lang ako"
"Kaya hindi ka pinapansin ng kapatid ko eh" sabi ni Lyle na nagpabago ng expression ng mukha ng loko
"Kahit ano naman ang gawin ko talagang hindi ako pinapansin nun eh"
Napayuko si Kean na tila pasan ang daigdig
"Lul wag ka ngang magdrama. Hindi bagay sayo. Nakakasuka"
Yung mukha ni Lyle parang nandiri. Biglang namang nag lighten up ang mood ni Henarez
"Pero hindi nga kung kaylangan nyo lumapit lang kayo sakin. Meron ako sa bag, sa locker, sa kotse. Iba Iba flavors may chocolate, strawbe---"
"GAGO" sigaw naming lahat sakanya
Tinapon namin sa ulo ni Kean ang cobra na iniinom namin. Gumanti rin naman yung Henarez kaya sa huli basang basa kaming lahat. Ganito talaga kami, it's our way of showing our love. Nakakabakla man pakinggan pero sa halos walong taon naming pagkaibigan kapatid na ang turing namin sa isa't isa
Tiningnan ko ang wrist watch ko. Hindi na namin namalayan yung oras, alas otso na pala ng gabi. Maaga pa pero mukhang uulan ng malakas kaya napagdesisyunan naming umuwi na kaysa maglibang pa.
YOU ARE READING
He's my First but am i his Last?
De TodoCan she be the healer of the heart that is broken? Or she's the one who is going to be hurt? Does happily ever after exist? Or it's just going to be another version of shit?