unplanned update ^_^

2.5K 34 11
                                    

==================================================================

 xyke's pov

"f*cksh*t!!!" nasambit ko paglabas ko ng canteen. Napatingin tuloy sa akin ang mga estudyanteng nakakasalubong ko.

Ano ba naman kasi ang pumasok sa kukote ko at nagpunta-punta pa ako dito?! Badtrip talaga! At sa dinami dami ng tao bakit ang kupal na LA pa na yun ang kasama ng engot na yun!?

Eh bakit naman ganito ako makareact? Aaaaaaaargh!! Ano ba xyke querubin?! anung virus ba ang pumasok sa utak mo at nakayang kang manipulahin ng ganyan!?

ano naman ang dahilan at pinapunta ko si totoy sa garden? haay!! malaki na talaga ang sira ng ulo ko.!

"Hi xyke!" bati ng isang babae na nakasalubong ko. pero isang matalim na tingin lang ang sinagot ko sa kanya kaya agad din itong umiwas.

"pare ang ganda nung chix bakit mo tinakot.?" si bogart naglalakad na pala kasabay ko di ko man lang namalayan.

"Kanina mo pa ba ko sinusundan?" tanong ko nalang.

"Ah hindi naman. nakita lang kita kaninang naglalakad na parang nakarating na ng impyerno ang tinatakbo ng utak mo. kaya naman sinundan na kita para narin kumpirmahin kung talaga bang sasama ka. Kapanibago eh parang di pa ako makapaniwala." mahabang paliwanag nito.

Napaisip ako saglit bago ako magsalita ulit.

"Nagbago na ang isip ko. hindi na ako sasama." maikli kong saad.

"pambihira! sabi na eh! duda talaga ko sa sinabi mo kanina." sabi nito saka pinagsalikop ang dalawang kamay sa batok. saka tatawa tawa pa habang nakatingin sa kanya.

" Umalis ka na nga! di ako makapagconcentrate sa iniisip ko eh!!" pag'uutos ko dito.

"Ok! sige paalam! " sabi lang nito saka na humiwalay ng daan.

bigla akong may naalala kaya hinabol ko ulit si bogart. "Teka bogart!" sigaw ko dito.

"bakit?" takang tanong nito ng lumingon.

"may papel at bolpen ka ba dyan?"

"wala eh. sorry! sabi nito na ginaya pa kung pano magsori si owen sa secret garden. yung tinataas lang ang isang kamay.

"tss! di bagay!" sabi ko saka na ako tumalikod at naglakad na palayo.

san naman ako kukuha ng papel at bolpen.? bat ba kasi di ako nakapagdala! pagminamalas ka nga naman talaga.! 

Napilitan na akong bumili sa school supplies dahil wala na talaga akong choice. pagkabili ko dumiretso na agad ako sa garden ko.

akala nya siguro papasok ako? 

hindi ako pumasok at malamang sa kasalukuyan ay nagkaklase na sila. at wala akong pakialam dahil mas mahalaga ang gagawin ko ngayon. kailangan kong maayos ang kakaibang virus na gumagala at kumokontrol sa pagkatao ko ngayon.

Naupo ako sa gilid ng puno at pumwesto na para magsulat.

myco's pov

kanina pa nag'umpisa ang klase pero wala sa tinuturo ng professor namin ang atensyon ko. Iniisip ko parin hanggang ngayon ang nangyari kanina at ang sinabi ni bacumons bago ito umalis.

nakapagtataka pa dahil di ito pumasok.

masyadong mabibilis ang pangyayari, masyadong marami na ang nangyari ngayong araw na to. ano nanaman kaya itong susunod?? 

bacumons bakit ba ang weird mo?? =_____=""

sa wakas ay natapos din ang klase at eto nakaupo pa rin ako. kinakabahan ako sa susunod na mangyayari wala pa naman.

ano nanaman kaya ang trip ng taong yun?

kinakabahan ako pero at the same time nasasabik na makita si bacumons.

"ang lalim ah." narinig kong sabi ng isang lalaki mula sa pinto. napatingin ako sa nagsalita at nalaman ko na si LA pala.

bakit kaya nandito pa siya?

"ikaw pala. di ka pa uuwi?" tanong ko sa kanya. parang medyo na paisip ito bago sumagot.

"uhm pauwi na rin. napansin ko lang na parang kanina ka pa kasi may iniisip. namalayan mo man lang ba na wala ka ng kasama dito?" sabi nito. kung ganun kanina pa pala nya ko napapansin. masyado na pala akong nalunod sa pag'iisip kay bacumons. +___+"

tumayo na ako saka ko kinuha ang gamit ko at lumakad palabas.

"haha! ang oa mo rin ah! syempre alam ko na wala ng tao. may iniisip lang ako." sabi ko habang palapit sa kanya.

huminto ako sa tapat nya.

"o pano mauna na ako sayo. may lakad pa kasi ako eh." sabi ko saka ko sya ti-nap sa balikat. nilampasan ko na sya.

"ah sige ingat!" narinig ko nalang na sigaw nya.

LA's pov

hinatid ko nalang sya ng tanaw hanggang sa mawala na sya sa paningin ko.

bakit ka nandito myco?

bakit ka nagpapanggap na lalaki?

muntik ko na syang di makilala dahil sa pagbabago ng itsura nya. nung unang beses ko syang makita sa klase. pero ng matitigan ko ng mabuti ang mukha nya napatunayan kong di ako nagkamali ng hinala.

ang pagkakabangga namin sa canteen, sinadya ko yun para mapalapit sa kanya.

maswerte naman at hindi nya kasama ng mga oras na yun ang hambog na si xyke querubin.

nung una kasi naisip ko na kaya sila laging magkasama ni xyke ay dahil may alam ito sa totoong pagkatao ni myco. pero na dumating si xyke ay napatunayan kong wala itong alam.

di ko naman sinasadyang palabasin na bakla si xyke kanina. ang nasa isip ko lang ay ang masiguro kung meron o walang alam ang hambog na yun.

pero kung walang alam si xyke baKit sila laging magkasama?

at anong ginagawa ng isang myco lopez sa lugar na ito?

 ===================================================================

vote COMMENT fan

TY lovelots! ♥

--------->brokilya

FAKED IDENTITY  [ bading na bading sa'yo ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon