=============================================================
hmm ano to?? [continuation]
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. hindi ako makakilos.
sa isang iglap lang heto ako at nakorner na ni bacumons.
ano ba nasa isip ng isang to??
kinakabahan na talaga ako dahil sa kakaibang ikinikilos niya.
ano na ba ang nangyayari sa kanya? ito na ba ang epekto ng alak sa kanya?
"x-xyke?" tawag ko sa kanya kahit na halos magkabulol bulol ako sa kaba.
"myco.." tawag nya din sa pangalan ko habang nakayuko.
sa unang pagkakataon, natawag namin ang isa't isa sa sarili naming mga pangalan.
"huh? b-bakit?" pigil hininga kong tanong.
"myco..." tawag nya ulit.
di na ako sumagot at naghintay nalang ako sa susunod nya pang sasabihin.
lalong bumilis ang tibok ng puso ko. hindi ko alam kung bakit.
gusto ko syang itulak palayo pero parang ayoko din naman.
"wala ka bang kaide-ideya kung ano ang ginagawa mo sakin?" tanong nya na nagpakunot sa noo ko.
"huh? anong-----"
"alam mo ba na malapit na akong masiraan ng ulo?" patuloy nya na pumutol sa itatanong ko dapat.
lalo akong naguluhan sa mga sinasabi nya.
O___O"
nag'angat sya ng mukha, at halos ilang pulgada nalang ang layo ng mukha namin sa isa't isa.
"at dahil yon sayo!" aniya.
"anong sinasabi mo?" naguguluhan kong tanong. hindi ko talaga maintindihan kung bakit nya sinasabi yon. ano bang kasalanan ko sakanya? ano bang nagawa ko?
lalong nalito ang utak ko ng maamoy ko ang hininga nya. nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na naging dahilan para lalong magwala ang makulit kong puso.
"i'm not a fuckin gay myco! pero sa tuwing kasama kita pinaparamdam mo sa akin na bading ako!" mariin nyang sambit.
nabigla ako sa sinabi nya pero mas nabigla ako sa sumunod nyang ginawa.
di na ako nakapagsalita ni hindi na ako nakakilos.
O_______________O
dahil sinakop na ng mga labi nya ang mga labi ko.
oh-my-gosh! first kiss ko to!! hinalikan nya ako!
umangat ang dalawang kamay ko upang itulak sana sya. pero sariling puso ko ang tumutol na gawin iyon.
ramdam na ramdam ko ang sabik sa bawat galaw ng labi nya. unti unti na akong napapikit at tinugon ang halik na iyon.
ang nasa isip ko nalang ngayon ay ang masarap na pakiramdam habang magkalapat ang aming mga labi.
dahan dahan nyang inangat ang kaliwang kamay nya at inilapat sa batok ko, habang ang kanang kamay nya ay naramdaman kong humapit sa bewang ko.
naging malalim ang halik na iyon. narinig ko pang impit syang napa'ungol.
nagtagal ang halik na iyon at halos habulin na namin ang aming hininga ng maghiwalay ang mga labi namin.
pagkatapos ng halik na iyon ikinulong nya ako sa mga bisig nya. dinig na dinig ko ang lakas ng kabog ng dibdib nya. pareho lang kami ng nararamdaman.
gumanti na rin ako ng yakap sa kanya kaya naman parang lalong humigpit ang yakap nya.
xyke's pov
Ayoko ng matapos ang gabing ito. kasama ko ngayon at kayakap ang taong dahilan kung bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko. ang taong sumakop sa puso ko.
ang saya ko ngayon na alam kong pareho lang kami ng nararamdaman.
ramdam na ramdam ko iyon ngayon habang kayakap ko sya.
at ang mainit na likido na umaagos sa pisngi ko ngayon.
"xyke.."
"hmm?"
"hindi na ako makahinga...ang higpit ng yakap mo." mahinang sambit ni totoy.
========================================================
vote COMMENT fan
thank's readers!! lovelots! ♥♥♥
----->brokilya
BINABASA MO ANG
FAKED IDENTITY [ bading na bading sa'yo ]
HumorKapag ba nagkagusto sa kapwa lalaki bading na agad?? di ba pwedeng confused muna? =COMPLETED= MAY BOOK 2 NA PO...^__^ ♥ entitled: STUPIDITY