=================================================================>
myco's pov
bacumons asan ka na??
Dumating ako ng garden na walang tao. Ni anino ni bacumons wala.
hay ano nanaman kaya ang trip ng isang yun?!
Naglakad-lakad muna ako sa paligid ng garden.
Ang ganda ganda talaga dito.
Maya-maya napahinto ako ng matapat ako sa puno na madalas na inuupuan ni bacumons.
Naagaw ng isang papel na nakasabit sa puno ang pnsin ko.
O_O
anu yun? instant paper? galing ah.
Nilapitan ko saka ko tiningnan mabuti kung ano yun.
"TO-TOY.." pagbasa ko sa unang salita na nakasulat sa papel.
huh? para sakin ba to?
Binasa ko ulet ang huling salita na nakasulat.
medyo nahirapan akong basahin dahil umiikot na ang papel gawa ng hangin. nakatali lang kasi yun sa sanga ng puno.
Sinubukan kong abutin.
1...2...3 =_____=" toinks!
Di pa ako nakakatingkayad masyado naabot ko na yung papel. Tatalon pa sana ko para abutin eh abot ko naman pala. tss!
Hinila ko ang papel para matanggal sa pagkakatali.
"rico puno pipitasin ko na tong papel ah.?" paalam ko sa puno na pinagsasabitan ng papel. hehe baliw lang ^_____^"
pagkakuha ko ng papel tiningnan ko muna kung kanino galing.
Pagkabasa ko, nagulat ako ng mabasa ko na galing daw ang sulat kay BAKUMONS.
Sus mali pa spelling! =____="
oo wala ng duda si bacumons nga ang nagsulat nito.
So di pala sya nakumbinsi sa palusot ko sakanya kanina, dahil nadinig nya talaga kung ano ang tawag ko sakanya.
tss! nagustuhan ko pa naman yung word na nipangsubstitute ko sa bacumons heehee.!
Lintek! talas pala ng ng pandinig ni nun!
hmm.. mabasa na nga itong sulat nya.
lubdub! lubdub! O_O"
napahawak ako sa dibdib ko.
"Ano nanaman ang drama mo puso ko? babasahin ko lang to masyado ka naman makareact dyan!" sabi ko sa sarili ko.
"ok eto na huminahon ka na"
TOTOY,
MAGPUNTA KA SA COFFEE SHOP NA PINAKAMALAPIT SA SCHOOL. HIHINTAYIN KITA.
BAKUMONS
=___________________________="
ang haba naman ng sulat nya. nag abala pa sya.!
ano to hide and seek? magtatago sya tapos papahanap sya sakin?
weird talaga!! >___<"
Pero wala din akong nagawa kundi sundin ang nakasulat sa papel.
Nagpunta ako ng coffee shop na pinakamalapit daw sa school namin. malapit daw =____="
infernes ang malapit pala sa kanya ay malayo. biruin mo halos 2kilometro ang nilakad ko tapos sasabihin nya na malapit lang? oa ba? kasama na kasi dun ang paglalakad ko dahil sa paghahanap. syempre hinanap ko pa eh di ko alam.
ay kakagigil ang halimaw na yun sarap kutusan! tss!
pagpasok ko sa loob ng coffee shop nakita ko sya agad. buti di pumwesto sa mahirap makita.
Nakatingin sya sa akin. salubong ang kilay halatang inip na inip na.
kasalanan ko ba na maghintay sya? eh ang layo nitong coffee shop na to!
paglapit ko
"Alam mo ba kung ilang kape na ang nainom ko? panglima na to!" saad nya sabay turo pa sa tasang nasa harapan nya. napahinto lang ako sa harapan nya.
"Di ko naman sinasadya na hindi ko kabisado tong lugar kaya naghanap pa ako." sagot ko
"Sorry!" dugtong ko pa sabay taas ng kanang kamay ko, yung tulad ng kay owen sa secret garden. ^__^"
O____O"
xyke's pov
Nagulat ako ng ginawa din nya ang tulad ng ginawa lang ni bogart kanina. huh?. ganun ba kapopular ang linyang yon?
Tss! Buti nalang mas bagay kay totoy at mas cute tingnan kumpara kay bogart kanina.
napangiti nalang ako ng alanganin. Tumayo na ako at di ko na sinagot ang sinabi nya.
"tara na!" aya ko sa kanya saka na ko nagpatiunang lumakad palabas.
Paglabas namin ng shop saka lang sya nagtanong.
"San tayo pupunta?" takang tanong nya
Pumara na ako ng taxi.
"Sumakay ka nalang." utos ko sakanya saka na ko sumakay sa tabi ng driver.
"Ano? Tatayo ka nalang ba dyan? sabi ko sakay na!" sabi ko sakanya ng makita kong di sya tumitinag sa kinatatayuan nya. Saka lang siya sumakay sa backseat.
Habang nasa byahe patingin-tingin ako sa kanya sa rear view mirror. Napansin ko kasi na parang di siya mapakali at nag'aalala sya dahil patingin tingin din sya sa salamin kaya madalas magkasalubong ang tingin namin. Parang may gusto syang itanong pero di maituloy tuloy.
"Pwede bang mag'relax ka?! Maglalaro lang naman tayo sa pupuntahan natin. Sigurado naman na mag'eenjoy ka rin! sabi ko sa kanya para mabawasan ang tensyon sa mukha nya.
Pero sa halip na marelax sya ay eto sya at nabigla pa sa sinabi ko.Nanlaki ang mata nya habang nakatingin sa akin. yung tingin na parang nagtatanong ng anong ibig mong sabihin??
Kahit ang taxi driver ay napansin kong napatingin din sa akin, pero di ko nalang pinansin.
Parang gusto ko tuloy matawa dahil sa reaksyon nilang dalawa.
===============================================================>
vote COMMENT fan
ty lovelots!♥♥♥
----->brokilya
BINABASA MO ANG
FAKED IDENTITY [ bading na bading sa'yo ]
HumorKapag ba nagkagusto sa kapwa lalaki bading na agad?? di ba pwedeng confused muna? =COMPLETED= MAY BOOK 2 NA PO...^__^ ♥ entitled: STUPIDITY