madness -> sadness

2.4K 25 4
                                    

==========================================================

myco's pov

*snore........snore........snore......*

=______________=" 

tulog na din sa wakas ang lasing...

matapos kong linisin ang kalat ni bacumons, dali dali na akong umalis sa lugar na iyon. Di na ako nagsayang pa ng kahit kaunting sandali. dahil iniisip ko pa lang ang galit na mukha ng kuya ko ay kinakabahan nako.

habang nakasakay sa taxi pinapanalangin ko na sana ay tulog na o kaya'y wala pa sa bahay ang kuya ko. habang nakasandal at nakapikit pilit akong umiisip ng pwedeng gawing alibi kung sakaling magtanong ang kuya, pero kahit anong isip ang gawin ko walang naging perpektong alibi para sakin.

paano na??

nakita ko ng nagalit si kuya at talagang nakakatakot sya. hindi man sya sakin galit ng mga panahon na yun pero natatakot pa rin ako sa kanya kaya naman pano pa kung sakin na sya magalit? sa buong buhay ko hindi pa ako gumawa ng bagay na ikagagalit ng pamilya ko sa akin. kaya naman masisisi nyo ba ako kung nagkakaganito ako ngayon? 

maya-maya huminto na ang taxi..

"sir dito na po tayo." sabi ni mamang driver.

oh my gulay heto na..!!  TT_TT

Nagbayad na ako sa taxi driver saka lumabas ng taxi. wala na kong pakialam kung sobra pa o kulang ang binayad ko. wala na ako sa katinuan ng oras na yun.. ang tanging umookupa sa isip ko ay ang maaaring maganap pag nalaman ng kuya ko na ngayon pa lang ako umuwi.

saglit kong sinipat ang oras sa wristwatch ko.

12:45

O_____O

patay na talaga...! TT_TT

lalong nagrambulan ang mga daga sa dibdib ko. sa sobrang lakas nga ay nakakabingi na.

unti-unti na akong humakbang..kahit namimigat ang mga paa ko, kahit sa totoo lang ay ayaw ko ng ituloy ang paghakbang.

pero anong magagawa heto na ako sa harapan ng bahay namin.

i really have no choice but to come inside. i just wish na lang na sana wala pa talaga ang kuya.

sumilip ako sa siwang ng gate para tingnan kung nasa garahe na ang kotse ni kuya,. makikita naman kasi mula dito kaya sinubukan ko na.

O______=

>______<

=______O

sinipat sipat kong mabuti para siguraduhin kung talagang tama ang nakikita ko. pero wala talaga ang kotse ni kuya sa garahe nito.

yey! wala pa ang kotse ni kuya!!! ibig sabihin wala pa sya! so dapat pala makapasok na ako ng bahay ngayon na! >____<

nagdoorbel ako  ng isa..dalawa..tatlo..saka ako naghintay na mabuksan ni mang kanor ang gate sya ang nag'iisang secuguard namin dito sa bahay. sigurado gising pa ito dahil wala pa si kuya.

habang naghihintay di ako mapakali sa kinatatayuan ko.. palakad lakad. hanggang sa may ilaw na tumanlaw sa akin..

dahan dahan akong lumingon... 

"kuya...." ang tangi kong nasambit ng makita ko ang sasakyan na huminto sa tapat ko.

O__O

saka lang bumukas ang gate at iniluwa nun si mang kanor.

FAKED IDENTITY  [ bading na bading sa'yo ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon