=========================================
xyke's pov
Bumangon na may ngiti sa mga labi. Hinanap agad ng mata ko si totoy dahil sa pagkakatanda ko dito sya natulog.
asan si totoy?
tumayo ako at hinanap si totoy sa banyo, sa kusina, pero wala. =___="
umuwi na pala sya di man lang nag'paalam. lagot sya sa akin mamaya.
mabilis akong tumayo at nag'umpisa ng gumayak para pumasok sa school.
sh*t! excited na akong makita si totoy. ^__^
hour later..
sa school..
pagpasok ko sa classroom namin hinanap na agad ng mata ko si totoy. at nadismaya ako ng di ko sya nakita.
umupo nalang ako saka dumukdok sa desk ng upuan ko at di na pinansin ang magulong mga classmates namin. ngayon ko lang naramdaman muli ang antok na napawi kanina habang madaling madali ako sa paggayak dahil sa kasabikan na makitang muli si totoy.
maya-maya naramdaman kong may naupo sa upuan ni myco. mabilis akong umayos ng upo sa pag'asang si totoy na yon.
pero nagkamali ako. dahil isang babae ang nasa harap ko ngayon. isang magandang babae na mistulang prinsesa dahil sa ayos nito. pero wala akong pakialam kahit maganda pa sya dahil wala syang karapatan na maupo sa upuan ni totoy ko.
"sino ka? at sino ang nagbigay ng pahitulot sayo na maupo dyan sa upuan na yan?!" tanong ko sa kanya.
"ako bakit?" sagot nito.
"tumayo ka dyan di para syo ang upuan na yan!"
"bakit ako tatayo kung dito ang upuan ko.?"
aba't talagang ginagalit ako ng babaeng to. =_____="
tiningnan ko sya ng masama pero ngumiti lang sya.
O_O"
parang pamilyar ang ngiting yon?
hindi ko alam kung anong hipnotismo ang ginamit nya dahil ng hilahin na nya ako palabas ng room na yon ay nagpaubaya lang ako. hinayaan kong dalhin nya ako kung san sya pupunta.
"ano magandang gawin ngayon sa tingin mo?" tanong nya sa akin habang hawak hawak nya ang kamay ko.
kahit ang pakiramdam paghawak ko ang kamay nya parang pamilyar.
ngumiti lang sya ng di ako sumagot.
nang makarating kami sa labas ng school may humintong van sa tapat namin, lumabas ang driver saka binuksan ang pinto.
hinila nya ako papasok sa loob ng van ng walang kahirap hirap.
ano bang nangyayari sa akin? bakit ako sumama sa babaeng ito na hindi ko naman kilala? at san naman kami pupunta? sh*t si totoy pala baka nasa school na!
duon ay parang nagising ako.
"teka manong ihinto nyo ang sasakyan.!" sabi ko sa driver saka ako humarap sa babaeng nagdala sa akin dito. "miss san ba tayo pupunta? at saka sino ka ba? kilala ba kita ?" sunod sunod kong tanong dito.
muli ay ngiti lang ang sinagot nito sa akin. "mang gerry wag nyo pong ihihinto." sabay sabi sa driver.
lalo akong naguluhan sa nangyayari.
ano ba ang iniisip ng babaeng ito? nababaliw na ba sya?
"miss ipahinto mo tong sasakyan kung ayaw mong ako ang tumalon dito." sabi ko saka ako umamba na bubuksan ang pinto ng van.
"xyke! wag ka ngang isip bata! " anito bigla sabay hila sa braso ko ng makitang bubuksan ko talaga ang pinto.
nagsalubong ang kilay ko sa pagkabigla ng marinig kong binanggit nya ang pangalan ko.
kung ganun pala ay kilala nya ako. sino sya?
humarap ako sa kanya saka ko inilapit ang mukha ko sa mukha nya.
"sa tingin ko kilala mo talaga ako. ngayon sabihin mo sino ka?"
eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeh!
biglang nagpreno ang sasakyan kaya naman napayakap ako sa kanya. nakatingin lang sya sa akin habang nakatitig ako sa mukha nya.
" sorry po may bigla po kasing tumawid. ok lang po ba kayo senorita myco?" turan ng driver
O__O <--- ako
^__^ <----sya
"myco????" nasambit ko nalang dahil sa pagkabigla.
=THE END=
========================================================
just kidding!! di pa po ending.. hahah! ^_^"
COMMENTS PO!!!^_^
salamat ng marami mga minamahal kong readers..!! ♥♥♥
----->brokilya
![](https://img.wattpad.com/cover/550602-288-k208787.jpg)
BINABASA MO ANG
FAKED IDENTITY [ bading na bading sa'yo ]
HumorKapag ba nagkagusto sa kapwa lalaki bading na agad?? di ba pwedeng confused muna? =COMPLETED= MAY BOOK 2 NA PO...^__^ ♥ entitled: STUPIDITY