Maaga akong pumasok ng school dahil ayaw kong malate sa usapan namin ni Embry at sa sobrang aga ko ay sarado pa ang library, natatakot ba akong malate sa usapan namin o masyado lang akong excited.
Umupo muna ako sa may Bench habang hinihintay magbukas ang Library. Ng mapansin ko si Embry na papasok na sana ng Library pero ng mapagtantong sarado pa ito umalis din siya at mukhang patungo na siya dito sa mga benches para umupo rin.
Sa tingin ko may itsura naman itong si Embry natakpan lang ng malaki niyang eyeglass at ang makaluma niyang hair style kasi kung sa pananamit medyo ok naman unlike sa ibang nerdy na baduy may sarili siyang porma and I like it.
"Done checking me?" Napansin niya pala ako, nakakahiya.
"Aaaaaaah no I'm not, ahm bakit pala ang aga mo?" Pang- iiba ko na lang ng usapan, kailan pa ako naging ganito.
"Eh ikaw bakit ang aga mo?"
"Really Mr. Embry youre answering my question with a question too." Tinignan niya lang ako ng masama.
"Ok Miss Savannah maaga ako dahil may inasikaso lang ako sa department namin, satisfied."
"No Im not satisfied I'd prefer to call me Sav masyadong mahaba ang miss Savannah and too formal."
Hindi na namin hinintay pa ang pagbukas ng Library at inumpisahan na niya ang pagtuturo sa akin, kahit na hindi ko pa naiintindihan ang mga pinagsasabi niya at medyo napapakamot pa ako sa ulo sa sobrang complicated ay patuloy parin ako sa pakikinig hanggang sa kalaunan ay unti unti ko nang naiintindihan. Infairnes lang sa kanya magaling siyang mag explain at mag elaborate ng mga problem and formulas.
Sa tagal ko nang pinag aaralan ito parang ngayon ko lang talaga naintindihan at iyon ay dahil kay Embry he's really a math genius.
"Savannah nakikinig ka ba sa akin?"
"It's Sav and yes I am listening Mr. Embry."
Ng matapos ang session namin ay niyaya ko siyang kumain sa canteen kaso tinanggihan niya lang ako.
"Ok kung ayaw mo here nag bake ako ulit ng cupcake para sayo alam ko namang nagutom ka sa pagtuturo sa akin and thank you again for doing this."
"I'm not doing this for free Sav!" Tumingin ako sa kanya ng deretso.
"So tell me Mr. Embry, what do you want me to pay for this?" Sabi ko sa kanya with a tease.
"Do you really want to know?" bakit parang kinakabahan ako sa tono ng pananalita niya, I wish it's not what I'm thinking, wala naman sa itsura niya para humiling ng ganoon.
"Yeah at least I can prepare myself whatever it is, but I hope it's less passionate things, you know." I said and gulp.
"Pagiisipan ko pa kung ano ang kapalit nito, cupcakes is not enought for this?"
Tsk kala ko naman sasabihin na, may nalalaman pang pagiisipan ko pa, hindi ba marunong mag thank you ang taong ito pasalamat siya pinag bake ko pa siya ng cupcake ko especialty ko kaya iyon hmmm.
Gaano ba kahirap sabihin ang kapalit ng pag tutor niya sa akin at kailangan pang pagisipan. Nakatingin parin ako sa kanya habang inaayos niya ang gamit niya, nag aasume lang ba ako o talagang nagmamadali lang siya ang bilis niya kasi parang natataranta na ewan.
"I need to go." Pagkasabi niya iyon ay mabilis siyang tumayo at umalis pero bago paman siya makaalis sa harapan ko ay hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya mukhang nagmamadali talaga ang bilis niya.
"Hey wait up bakit ka ba nag mamadali." Mukhang nagulat ko ata siya lalo na ng hawakan ko ang kamay niya teka bakit parang ang lamig ng kamay niya giniginaw ba siya, mainit naman ang panahon ah ang weird talaga niya.
BINABASA MO ANG
My Mr. Tutor
Teen FictionI am Savananah Jane Andrada typical college girl wants to graduate and live independently. everything is fine, everything is according into my plan pero nagbago ang lahat simula ng dumating siya sa buhay ko..wait scratch that...until I bring him in...