Sav Pov
It's kinda tough for me this past few days simula ng unexpected proposal sa akin ni Tom to be his girlfriend again sa game match nila.
Imbes na ang game ang pagusapan nila kami ni Tom ang naging topic ng lahat.
It’s a bit annoying actually, ikaw ba naman batiin ng bawat kapwa studyante na makasalubong mo minsan nga tinutubuan na rin ako ng self-conscious na dati wala naman akong care kahit pagusapan pa nila ako.
I was preparing myself para pumunta na sa bahay nila Embry ng nag-text siya sa akin.
"Sorry can’t meet you today I have deadline papers for tomorrow."
Weird the last time I saw him kasi ay sa football game mach, and what happened sa cupcake hmmm pumunta pa ako sa restaurant nila para ibigay nalang kay ate Jaymie missing in action parin kasi siya that time.
I'd tried to call him pero hindi ko na siya ma-contact sayang nanaman ang cupcake na bi-nake ko for him he requested pa naman ito, what I’m going to do sayang naman ang outfit ko kung hindi ko irarampa.
"Waaah Embry bakit ba ayaw mong magpakita sa akin." Sigaw ko sa loob ng room ko.
"Namimiss ko na siya.... Oh my God no no noooooo, hindi ko siya na mimiss hindi, Savannah ano bang nangyayari sayo." Tinapik tapik ko ang mukha ko. "Ok I'm not falling for him at hindi ko siya namimiss HINDI HINDI HINDI."
"Oh yeah I almost forgot ano ba ginagawa ko noon pag Sunday before tutor thing came in, of course "It’s just me myself and I solo ride until I die" hehehe joke lang.
Pero bago iyon ibibigay ko muna ang cupcake na ito sa bahay nila Embry. Pagdating ko sa bahay nila pinagbuksan naman ako ng maid nila.
"Ate si Embry nandiyan po ba?" Tanong ko.
"Naku maam Sav umalis po si Sir."
Talaga akala ko ba may paper work siya, sabagay pwede naman niyang gawin sa labas.
"Ganoon po ba ahmm pakibigay na lang po ito sa kanya sige po una po ako."
Well minsan kailangan mo ring mag unwind after a tough week hmmm saan kaya ako pupunta sa mall nakasasawa na, sa Park baka crowded ngayon doon weekend eh.
Nag isip ako ng mga lugar na pwedeng puntahan kung saan tahimik at makapagrerelax ang utak ko. "Oh yeah I know!"
Nagbyahe ako ng ilang oras para lang makarating sa Clark Pampangga yup pupunta ako sa pinuntahan namin dati ni Embry. Ewan ko nga eh iyon ang unang nag pop out sa utak ko ng maisip ko ang tahimik konti ang tao baka nga walang tao doon ngayon.
Pagka-park ko ng sasakyan weird parang familiar sa akin ang sasakyang naka park dito, well imposible tsaka hindi lang naman siya ang may ganyang sasakyan.
Naglakad na ako papunta sa field medyo hapon na kaya wala ng araw, grabe ang sarap langhapin ng hangin dito nakarerelax talaga parang gusto ko tuloy sumakay ng Hot Air Balloon, pero saka na lang pag kasama ko na ang taong gusto kong makasamang sumakay niyan.
Naglakad lakad lang ako at pinapanood ang mga batang nagsasaranggola,"This is Paradise, bakit hindi namin napuntahan ito noong mga bata pa kami ang saya siguro magpalipad ng saranggola kasama ang buong pamilya."
Umupo ako sa damuhan at napansin ko ang magkasintahan malapit lang sa akin nakahiga ang lalaki at naka- upo naman ang babae, and something pop out in my mind feeling ko tuloy namula ang mukha ko ng maalala ang nangyari dito sa amin ni Embry.
BINABASA MO ANG
My Mr. Tutor
Teen FictionI am Savananah Jane Andrada typical college girl wants to graduate and live independently. everything is fine, everything is according into my plan pero nagbago ang lahat simula ng dumating siya sa buhay ko..wait scratch that...until I bring him in...