Chapter 24

3 2 0
                                    

Embry POV

Nakaduty ako ngayon sa restaurant nag-papakabisi para at least kahit papaano makalimutan ko si Savannah.

Flashback

Pumunta ako ng library para ibalik ang mga librong hiniram ko ng mapansin ko si Savannah na nasa sulok mag isa siya at sa tingin ko nagrereview ng mga notes niya. Bigla tuloy akong naguilty sa ginawa kong pangiiwan sa kanya sa ere, am I being selfish, pero namutawi nanaman ang inggit na nararamdaman ko oh selos ng makita kong dumating si Tom at umupo sa harapan niya may pa chocolate at rosas pa.

Nang naibalik ko na lahat ng libro ay pasimple akong umupo sa bakanteng upuan para pagmasdan sila, nakita kong hinawakan ni Tom ang kamay niya.

"Tsk napaka landi dito pa talaga sa library mag harutan hindi na nahiya sa mga taong nandito nakadidistract sila."

"Shssssss kuya wag kang maingay nakaiistorbo ka sa mga nagrereview." Sabi ng katabi ko.

Grabe hindi ako makapaniwala at ako pa ngayon ang istorbo at maingay. Pero nag apology na lang ako sa kanya, Embry ano bang ginagawa mo mas lalo ka lang masasaktan pag pinagpatuloy mo pa ito.

Mabuti pa nga umalis na ako dito, at sa huling sulyap ko sa kanila nagtatawanan na sila. Bakit ba pag iniwasan mo na nga ang isang tao pilit parin kayong pinagtatagpo.

"Tsk stupid destiny."

END OF FLASHBACK

"Sir Jared my naghahanap po sa inyong babae Mich daw po ang pangalan."

Sabi ng isang waiter namin si Mich nandito siguro alam na niya ang nangyari sa amin ni Sav.

"Mich what are you doing here tsaka bakit mag-isa ka lang nasaan ang mga kaibigan mo?"

Weird kasi ngayon lang ata siya pumunta dito ng siya lang supposedly with her friends kasi lagi.

"Come on Jared straight to the point bakit hindi mo na lang itanong kung bakit hindi ko kasama si Savannah?"

Tsk kahit kailan talaga walang preno kung magsalita. Umupo ako sa tapat niya.

"Fine straight to the point, what are you doing here at anong kailangan mo sa akin?"

Seryoso kong tanong a kanya, kahit may hint na ako kung ano talaga ang sadya niya sa akin.

"About Sav, bakit bigla mo na lang tinigil ang pag tu-tutor mo sa kanya. You can’t do this to her Jared kung kailan malapit na ang finals, tell me kaya mo ba tinigil dahil nafafall ka na sa kibigan ko?"

Wala na talaga akong masabi sa pagka straight forward niyang magsalita, siya na siya na ang dakilang kaibigan.

"Kung iniisip mong inutusan niya ako puwes hindi, look Jared Sav doesn’t know about this, I’m doing this for both of you."

"What hindi kita maintindihan Mich, but I’m sorry ok, I really can’t be her tutor anymore."
Simpleng sagot ko sa kanya.

"But why hindi ba gusto mo siya bakit ka lumalayo sa kanya?"

What I can’t remember na may sinabi akong may gusto ako sa kaibigan niya. Did I really tell her that big secret of mine?

"Wa-wait I didn’t say anything I like Sav, I mean I can’t remember I told you I like her."

Paliwanag ko pero parang hindi niya pinakinggan ang sinabi ko.

"Hindi mo nga sinabi pero kilos at galaw mo palang sinasabi nang gusto mo siya."

Whoa is she that observant para mabasa niya ang galaw ko. "Hoy Jared wag kang boy pretender "Action speak's louder than words."

"What are you talking about, ako boy pretender oh please why would I." I said defensively malala na siya.

My Mr. TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon