Chapter 17

4 2 0
                                    

Halos maghahating gabi na ay hindi parin ako dalawin ng antok at medyo sumasakit nanaman ang ulo ko anu bang problema ng ulong ito at napapadalas ang pag sakit na o over study na ata ako o baka puno na laman ng utak ko kaya hindi na kinaya.

Geeeees I think I need to take medicine.

Dahil tulog na lahat ng kasambahay kaya ako na lamang ang nagabalang mag asikaso sa sarili ko. Bumaba ako para kumuha ng gamot at tubig ng mas lalo pang sumakit ang ulo ko na para bang sasabog na at ng hindi ko na matake ang sakit ay kusang tumulo ang mga luha sa mata ko. Jesus Christ whats happening to me, kahit hindi ko na kaya ay pinilit kong maitake ang gamot at bumalik na sa room ko at sinubukang matulog ulit.

Siguro dala lang ito ng stress at pagod sa school.

Paggising ko ng umaga ay wala ng bahid ng sakit ang ulo ko, siguro nga stress at pagod lang ang cause nito. Masigla akong bumaba ng hagdan pagkabihis ko para makasabay ko sila Daddy, Mommy at kuya I miss them so much feeling ko isang buwan ko na silang hindi nakikita buti nga hindi ko pa nakakalimutang may pamilya pala ako.

"GoodMorning." Malakas kong bati sa lahat pero mga maid lang ang bumati sa akin.

"Ate Beth nasaan po sila Mommy tulog pa po ba?

"Naku maaga silang umalis Mam Sav nagkaroon daw po ng emergency sa company niyo."

Whats new hindi ba dapat sanay na ako, lagi nalang may emergency lagi na nalang may problema. Kaya ayaw kong pumasok diyan sa company na yan ginagawang busy ang mga tao, at nawawalan na ng oras sa kanilang pamilya.

Tuluyan nang nawala ang sigla ko ngayong umaga kaya imbes na magbreakfast pa ako ay nag decide na lang ako na sa labas kumain, tutal maaga pa naman para sa unang klase ko at dahil hindi pa bukas ang mall sa ganitong oras sa isang fast food nalang ako pupunta.

Kasalukuyan akong nagoorder ng may nakasabay akong sa tingin ko ay isang pamilya. Hindi ko na ito pinansin at naghanap na lamang ako ng mauupuan ko pero nananadya ata ang pagkakataon at sa tapat ko pa umupo ang mga ito.

It makes me sad kasi it's reminding me of old times ng maliliit pa kami ng kuya ko ay madalas din kami kumain sa mga fast food tulad nito but everything change now, tsk bakit ko ba iniisip ang mga ito mas lalo tuloy akong napa senti.

"Ate ganda ok ka lang agaw ba candy mo, gusto mo sayo na lang candy ko wag ka na iyak."

Ang cute naman ng batang ito pagkabigay niya ng candy sa akin ay kinuha na siya ng Mommy niya at nag apology sa akin dahil sa kulit ng bata, ganyan din kaya ako noong maliit pero anong sabi ng bata iyak bakit naman ako iiyak,

Dinama ko ang mata ko basa nga umiyak ako how come na hindi ko manlang ito naramdaman. Pinunasan ko ang mukha ko kasabay nun ang pagdating ng order ko kaya ikinain ko na lang ito hindi uso senti dito uy.

Nasa malalim parin akong pagiisip nangmapadpad ako sa isang theme park, wala eh dito ako dinala ng sasakyan ko, siguro hindi naman masama kung hindi ko muna papasukan ang una kong subject.

Bumaba ako ng sasakyan at naglakad lakad muna. Naalala ko lagi kaming pinapasyal nila Daddy dito kailan kaya kami mamamasyal ulit ng magkakasama.

Pumunta ako sa isang tree house wala masyadong tao ngayon dito dahil school days kaya solong solo ko ito, umakyat ako at pinagmasdan ang buong paligid at sa pangalawang pagkakataon hindi ko nanaman namalayan tumutulo na pala ang luha ko. May sariling isip ba ang mga matang ito at kusang umiiyak ng hindi ko namamalayan.

Embry POV

Nasa coffeedel ako ngayon having a break muna I can't concentrate kasi on what I'm doing, hanggang ngayon hindi parin mawala wala sa isip ko ang mga sinabi ni Mich last day.

My Mr. TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon