Embry Pov
I've decided na aminin ko na ang feelings ko for Sav.
It’s now or never, wala akong na nga akong tulog sa kaiisip nito at buo na ang loob ko.
I remember the first time I saw her sa restaurant namin with her family, first impression ko noon sa kanya was a childish brat girl.
Ayaw ng Mom niya na kumain siya ng buffalo wings because of her allergies pero nagpumilit parin ito kaya hayun lomobo ang mukha niya at nangati.
Akala ko hindi na sila babalik sa restaurant noon because of what happened to her but the next day bumalik siya with her friends,
"Sav hindi ba allergy ka diyan bakit kapa kakain."
"Promise isa lang ang sarap kasi, I can’t help myself not eat this."
"Bahala ka wala kaming kasalanan pag lomobo ang mukha mo, itakbo ka nanaman sa hospital at tusukan ka ng injection sa pwet."
Asar ng mga kaibigan niya and I can see in her face doubting now to eat it.
"I hate you girls."
Hindi na niya kinain ito at pinabalot nalang then iniwan niya ang mga kaibigan niya at sinabing babalik rin siya kaagad na-curious ako kaya sinundan ko siya, akala ko itatapon na niya ito pero nagulat ako ng binigay niya ito sa isang matandang pulubi sa labas ng mall.
That day my impression to her was lighten up, she maybe a childish brat but with a good heart and one day I found myself gusto ko na siya.
.....
Dumaan ako sa isang flower shop to buy flowers"Anu kaya ang favorite flowers niya" Ito nalang tulips para maiba.
Dumeretso na ako sa school and I was about to call her ng hindi ko mahanap ang phone ko
"saan ko ba nilagay iyon"
Hinalungkat ko na ang bag ko pero wala pa rin. Paano ko siya tatawagan ngayon kung nasaan siya, haist ang malas naman. Mabuti pa puntahan ko na lang lahat ng mga lugar na tinatambayan niya.
Una akong pumunta sa coffeeDel pero wala siya, sa auditorium kaya nasabi narin sa akin ni Mich na madalas din silang naglalagi doon sana nga nandoon siya.
Nagmadali akong pumunta doon ng may mga nakabanggaan akong dalawang lalaki.
"Anu ba hindi ka ba tumitingin sa dinaraan mo."
"Bro paano naman niya makikita kahit apat ata mata niyan malabo pa rin paningin."
Hindi ko sila pinansin dahil wala akong oras sa mga katulad nilang hanap ay gulo. Pero nagulat ako ng hinawakan ng isang lalaki ang kwelyo ko.
"Wait hindi ba ikaw si Jared Embry ang bagong syota ni Savannah."
Ano bang pinagsasabi ng lalaking ito.
"Bro advice ko lang sayo bantayan mo ang girlfriend mo dahil mamaya baka maagaw na ng iba."
Iniwan na nila ako, anong ibig nilang sabihin maagaw ng iba si Sav sa akin? Talagang maaagaw siya ng iba pag hindi ko pa inamin ang nararamdaman ko.
Nakarating na ako sa auditorium at may naririnig akong naguusap kilala ko ang boses na iyon si Mich nandito nga sila.
Papasok na sana ako sa loob ng marinig ang usapan nila kaya dahan dahan akong pumasok at nagtago sa likod ng mga upuan.
"How about Jared wala ka bang feelings for him what if ligawan ka niya?" Rinig kong tanong ni Amy sa kanya and I saw her thinking about it anu kayang iniisip niya come on Sav bakit ayaw mong sagutin ang tanong niya.
BINABASA MO ANG
My Mr. Tutor
Teen FictionI am Savananah Jane Andrada typical college girl wants to graduate and live independently. everything is fine, everything is according into my plan pero nagbago ang lahat simula ng dumating siya sa buhay ko..wait scratch that...until I bring him in...