Sav POV
Pagpasok ko ng school I decided na hindi ko na papansinin ang Embry na iyon, sana lang hindi ko siya makasalubong or makabanggaan nanaman..
"But what if mangyari nga iyon anong gagawin ko" maybe I'll pretend na lang na hindi ko siya kilala o nakita
"tama iyon na lang ang gagawin ko."
"Hoy sinong kausap mo." Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng dalawa sa likuran ko.
"Huh aaah wala pinagsasabi mo Mich?" Pagdahilan ko sana lang lumusot.
"Wala daw eh rinig ko may binubulong ka pa nga come on Sav kanina pa kaya kami nasa likod mo." Huh talaga kung ganoon narinig kaya nila ang sinabi ko.
"Sa lalim kasi ng iniisip mo hindi mo na kami napansin tinatawag kapa namin hindi ka man lang lumingon."
Sabi naman ni Amy ganoon ba kalalim ang pag iisip ko sa lalaking iyon haist bakit ko ba kasi iniisip pa ang taong iyon.
Nagulat ako ng biglang tinap ng dalawa ang likod ko ng napakalakas.
"Ouch para saan iyon?" Reklamo ko sa kanila eh halos mapasubsub na ako sa lakas.
"Lutang ka kasi kaya kailangan mo iyon ng magising ka sa realidad."
Wow hah at talagang nanggaling pa kay Mich iyon.
"Ano ba kasing nangyari Sav or should I say may nangyari ba?"
Seryosong tanong ni Amy bakit ganoon pag siya na nagtanong ang hirap niyang tanggihan, ano kaya sasabihin ko ba sa kanila.
Nawala ako sa pagiisip ng mahagilap ng peripheral vision ko ang taong ayaw ko nang makita pa.
"Uy si Jared" rinig kong sabi ni Amy.
"Hi Jared kumusta na." Bati nila kay Embry pero hindi ako tumingin sa kanya kahit tip ng kuko niya hindi ko tinignan, nakatingin lang ako sa malayo.
"Hi Mich, Amy heto ok lang medyo busy lang lately ahmm sige una na ako nagmamadali rin kasi ako."
"Sige ingat." Paalam na ng dalawa sa kanya at ng tuluyan ng makalayo si Embry ay humarap sa akin ang dalawa at tinignan ng may pagtataka. .
"Hmmm I smell something fishy mukhang may nangyari nga."
"Uhmmm girls una na ako male-late na kasi ako sa first subject ko." Paalam ko na sa kanila at hindi pinansin ang sinabi ni Mich. Pero bago pa man ako makalayo sa kanila ay hinila ako ni Amy at niyakap ewan ko ba dito hindi naman ako nage-emote.
"Hey kung anuman ang nangyari sa inyo ni Jared alam mong nandito lang kami, Sav kaibigan mo kami wag mong itago iyang kinikimkim mo diyan."
Sabay turo niya sa dibdib ko tsk kaibigan ko nga sila. Napayakap na rin ako kay Amy at kusang tumulo ang mga luha ko napansin ito ni Mich kaya pati siya niyakap narin niya ako. Ito ang maganda pag may kaibigan ka you have somebody to lean on pag may problema ka.
"Nag quit na si Embry sa pag-tutor sa akin?" Sabi ko habang yakap yakap parin nila ako kaya sa gulat nila sa sinabi ko ay kumalas sila bigla sa pagkayakap sa akin.
"What seryoso ka ba?" Sabay nilang sabi, tumango lang ako at pinunasan ang luha ko.
"We'll talk to him maybe he'll give you consideration a chance, Sav 2 weeks na lang finals na.
Pero hindi ko hahayaang gawin nila iyon para sa akin, this is my problem.
"Mich, Amy its ok no need masyado na siyang busy at wala ng time para i-tutor pa niya ako. Let’s just respect his decision."
BINABASA MO ANG
My Mr. Tutor
Teen FictionI am Savananah Jane Andrada typical college girl wants to graduate and live independently. everything is fine, everything is according into my plan pero nagbago ang lahat simula ng dumating siya sa buhay ko..wait scratch that...until I bring him in...