Chapter 25

16 2 0
                                    

Sav Pov

Madilim na ng hinatid ako ni Tom sa bahay, kahit papaano nabawasan ang problema ko sa pagkakaayos namin.

"Salamat Tom see you nalang sa school bye ingat ka." Paalam ko pagbaba ng sasakyan.

"Sige Sav ikumusta mo na lang ako kila tito pati narin sa kuya mo."Paalam niya bago tuluyang umalis.

Papasok na sana ako ng gate ng may tumawag sa akin, hindi ako lumingon pero kilala ko ang boses na iyon at alam kong siya iyon si Embry. Tsk anong ginagawa niya dito akala ko ba ayaw na niyang pumasok pa ako sa buhay niya.

"Sav can we talk?" He said ng makalapit na siya sa akin.

"What for." Mahinahon kong sabi, galit parin ako sa kanya pero ayaw kong matapos ang araw kong ito with a bad mood, kasi ok na ako.

"I want to apologize for what I said the other day."

Tsk apologize tatanggapin ko ba iyon pagkatapos niya akong iwanan sa ere at biglang umayaw sa deal namin.

"Its fine just forget it and leave me alone." Nonchalant kong sabi, but I feel his presence sa likod feeling ko ang lapit lang ng distansya namin.

Hindi parin ako humarap sa kanya at nanatiling naka talikod.

"Kung wala ka nang sasabihin papasok na ako sa loob."

Pinihit ko na ang pintuan ng gate ng bigla niya akong hinila paharap sa kanya at niyakap, hindi ko maintindihan biglang bumilis ang tibok ng puso ko at ilang segundo rin kaming nanatili sa ganoong posisyon.

"I miss you." Pabulong lang ang pagkasabi niya pero parang tagos sa puso ang tama sa akin. Kung pwede ko lang sabihin sa kanya na namiss ko rin siya pero hindi pwede, ano bang iniisip ko.

"E-embry ano bang... w-what do you think y-your doing." Halos hindi ko na mabigkas ang mga salitang iyon.

Nagising ako sa katinuan at tinulak ko siya. Bakit parang nagsisisi ako sa pagtulak ko sa kanya haixt focus Sav galit ka sa kanya hindi ba.

Biglang may bumusinang sasakyan sa likuran namin na ikinagulat ko sila mommy patay anong gagawin ko.

"Go home Embry now I talk to you na lang sa school go." Pangtataboy ko bago pa siya makita. God hindi nila pwedeng malaman ang tungkol kay Embry.

"No Sav, I really need to talk to you right now marami akong gustong sabihin sayo."

"Cant it wait." Napalakas na sabi ko pero umiling lang siya.

"Ughhh what to do now"

Bumukas na ang gate at tumigil ito sa tapat namin bumukas ang bintana nito at iniluwa si Daddy. Napalunok na lang ako sa expression ni Dad ng makita niya kaming dalawa.

"Sav what are you doing here outside, kadarating mo lang ba, and who's with you?" Heto na nga ba sinasabi ko.

"You know what sweetie bakit hindi mo iinvite ang kaibigan mo sa loob and have some coffee, will see you inside." Si Mommy tuluyan nang pumasok ang sasakyan sa loob.

Nakatulala lang ako ng mga sandaling iyon ni hindi ko manlang nasagot ang mga tanong ni Daddy yan tuloy na invite pa sa loob.

"Ang bait ng parents mo tara na sa loob."

"No hindi ka papasok sa loob dahil uuwi kana." Madiin kong sabi sa kanya saka binuksan ang gate at tuluyan ng pumasok sa loob.

Nadatnan ko sila Daddy na nakaupo sa recieving area ng bahay pag may mga bisita. Anong kayang idadahilan ko. "Alam ko na may emergency lang siyang pinuntahan, tama iyon na lang mas safe."

My Mr. TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon