Kinabukasan
---
Third Person POVMaagang gumising si Alden at Pat. Sila lang dalawa ni Patricia ang nagbabantay kay Maine dahil umuwi ang tatlong lola.
"Pat, bibili lang ako ng pagkain sa labas." -Alden. Tumango lang si Pat.
Pagkalabas ni Alden, umupo sya sa tabi ng kama ni Maine.
"Uy, Meng... Gising kana. Namimiss ko na yung mga batok mo sakin. :D Sa totoo lang, gustung-gusto kong buhusan ka ng malamig na tubig para magising kana. One month and two days kanang nakahiga't natutulog dyan. Hindi nako nakakapag-mall kasi, wala ka. Hindi narin ako nakakapag- Starbucks." -Pat
Magkahalong lungkot at saya ang nararamdamam ni Maine. Si Pat lang kasi ang nanglilibre sakanya sa Starbucks.
"Oo nga eh. Kahit nga ako, gusto ko nang buhusan malamig na tubig yung katawan ko. Hindi ko naman alam kung paano bumalik." Malungkot na saad ni Maine.
Alden POV
Hindi muna daw makakapunta sina tita Ann kasi, may aasikasuhin daw sila sa kumpamya kasama ang tatlong lola. Kaya kami lang ni Pat ngayon. Pabalik nako ngayon sa room. Bumili ng pagkain sa baba.
"Uhm... Kuya, pwedeng magtanong?" Napalingon ako noong may nagsalita.
What the????!??!!
"Maine?!!" Gulat na tanong ko.
Grabe! Hindi ko alam kung si Maine to o kakambal nya?!! Sobrang kamukha nya!! 0_0
"Ah.. Actually, siya yung hinahanap ko. Alam mo ba kung saan room nya? Tsaka bat kilala mo sya?" Nagtatakang tanong nya.
"I'm his boyfriend. Kakambal mo na sya?"
"Oo eh. Ngayon ko lang nalaman na, na-coma sya."
"Ah, sige. Tara puntahan na natin sya." Ako
Noong nakarating na kami, magulat din si Pat. Pero, dumiretso lang siya kay Maine. Umupo sya sa tabi ng kama ni Maine atsaka hinawakan ang mga kamay niya. Kaya, nagdisisyon kami ni Pat na lumabas muna.
BINABASA MO ANG
Enchanted (COMPLETE)
FanfictionDi ko inaakala na darating ang isang kagaya nya sa buhay ko. Sya yung lalaking pinangarap ko na mapasaakin. Mala-fairytale ang storya namen. Hindi boring. Na sana ganito nalang at walang mag-bago. Handa na ba kayong pasukin ang mundo namin?