25: Mirror

1.1K 45 0
                                    

Kinabukasan
---

Maine POV

Yayakapin ko sana si Alden pero bat parang wala nanaman sya? Kinapa ko uli. Wala talaga?! Minulat ko yung mata ko at agad na tumayo. Pumunta ako sa banyo, wala rin. Nagdisisyon na kong lumabas. Nandoon si Sia. Kaya, bumaba nako.

"Sia, san si Alden?" Tumabi ako sakanya sa upuan sa sala.

"Umalis kanina pa. May aayusin lang daw saglit."

"Kahapon pa umaalis yun ng maaga. Di man lang nagpapaalam sakin." Malungkot na sabi ko.

"Nicomaine, Siamaine, kumain na tayo dito." Lola Nidora.

Nagmano kami sa tatlong Lola's sabay upo.

Sia POV

Tapos na kaming kumain. Nandito kami ni Meng sa veranda ng kwarto nya. Lagi nga namang wala si Alden. Ang aga-aga umaalis.

"Sia, hindi mo talaga alam?"

"Di sana kung alam ko, sinabi ko na DBA?... Yaan mo na. Usap nalang kayo babalik nya." Sabi ko. Tumango lang sya.

*kringg!*

Tumatawag si Alden. Sinagot ko naman. Nag-excuse ako kay Maine at lumabas sa kwarto.

"O, ano Den? Kanina ka pa nya hnahanap."

(Eh, Sia I'm sorry. Mamayang banda 6:00 punta kayo dito sa place. Tetext ko nalang sayo kung saan tsaka kung anong pakay ko.)

"Ah, o sige."

(Basta, ite-text ko ah. Wag mo munang sasabihin kay Meng. Isama mo sina Lola tsaka si Tita Ann. Tutal, nagpaalam na ko sakanila.)

"Ah sige.. Masisigurado ko yan. Sige, gawin mo na yang gagawin mo kung ano man yan. Sige bye."

Agad nya namang binaba yung call. Pumunta ako uli sa veranda at binalikan si Meng.

"Sinong tumawag?" Tanong nya.

"Ah... Eh.... Ah! Wala! Ano lang... Client. Magli-leave lang dw." Tumango-tango lang sya.

Enchanted (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon