Chapter 1-Part 3

9.3K 114 4
                                    

[EDITED]




---

Nagbabasa lang ako ng libro ng biglang may lumapit saakin kaya agad naman akong napatingala at makita kung sino yun.


"Nagbabasa ka parin ba niyan?" Tinaasan ko siya ng kilay. Ano bang pake mo ha?


"Oo at pake mo ba? Atsaka yung tungkol sa pagbabantay thingy, nasabihan ka na ba ni kuya na hindi na iyon matutuloy? Paparty ka na kaya?" Napangiti nalang ako ng peke sa kanya.


"Uh, Oo nabanggit nga niya yun pero parang in a wrong way. Alam mo yun? Parang INUTO kalang daw niya." Napadilat ako atsaka tumayo. Pinanlilisikan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya. ANO DAW? INUTO? AKO?


"KUYA ISAAC!" sigaw ko kaya napatakip siya ng tenga. Bwesit!


"Bakit ba ayaw mong may nagbabantay sayo atsaka para sa sarili mo naman yan e. Tanga ka kasi daw kaya ganun. Atsaka matuto ka kayang magpasalamat sa amin..." ANO?!

AKO? TANGA?!


AKO? MAGPAPASALAMAT? SA KANILA?!



Mas lalo kong sinamaan yung tingin ko. Nambibwesit ba siya ha? Kasi kung ganun lang naman, well, bwesit na bwesit na ako!



"Ako? Tanga?! Sabihin mo pa ulit yang salitang yan saakin at masasapak kita nitong takong ko!" Aaktong tatanggalin ko yung suot kong heels para matakot siya.



"...at ako? Magpapasalamat? Sa inyo? Bakit? Masaya ba ako na may nagbabantay saakin? Edi ba nga ayaw ko?!" Umirap irap nalang ako sa kanya. Kaimbyerna e!


"Bakit ba iritang irita ka?" Tanong nito.


Hindi pa ba halata? Irirang irita ako sayo at sa kuya ko! Bwesit!


"Ewan ko nga sayo! Tanungin mo sarili mo! Kainis!" Agad nalang akong umalis sa kanya.


At isa pa itong si kuya Isaac, nagpromise pa naman siya! Arrrrgh!

Habang nagmamartsa ay nakita ko si Julia kaya agad ko siyang pinuntahan at napabuntong hininga nalang.



*sigh*



"What's up girl?" Tanong nito saakin.



"Wala naman, siguro naaasar at naiirita lang sa mga tao ngayon! Ang sarap nilang ipalamon sa lupa! Like now!" Iritado kong diwa.


"Huminahon ka nga Megs! Nakakapanget yan!" Agad naman akong ngumiti ng mapait. Tama nga naman 'no? Nakakapanget nga yun.



"...Dahil lang naman sa kuya ko na crush mo! Ano bang pumasok sa kokote niya na bigyan ako ng tagabantay? Ano ba ako sa tingin niya? Toddler? And, hindi ko naman kailangan yung tagabantay na yun dahil alam kong wala siyang kwenta at naloloka ako sakanya! Nakakasakit siya sa ulo!" Pagwewelga ko sa harapan ni Julia.


"Siguro kasi para maging doble yung safety mo kaya ganun." Isa pa 'tong babaeng 'to e! Kinakampihan pa yung kuya ko!


"At isa pa Megs, kung papakisamahan mo yang tagabantay mo, edi mas madali yung buhay mo. In short, gawin mo siyang katulong!" Tiningnan ko si Julia na kay loko.



Magandang ideya yun ah?



Napasnap ako habang nakangiti.




"Perfect!'' Ani ko kay Julia habang nakangiti ng kay loko.


The guy who stole my heart [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon