[EDITED]
---
Maaga akong nagising ngayong araw kaya naglakad lakad nalang muna ako sa beach side habang kumukuha ng polaroid pictures sa mga magagandang tanawin. But suddenly, Kenneth caught my eye and may kasama siyang babae.
Palapit sila sa direksyon ko kaya agad agad akong nagtago sa may punuan.
Andito nanaman 'tong puso kong kumikirot. DAMN.
Habang tinitingnan ko sila ay biglang may kumalabit saakin mula sa likod ko kaya nagulat naman ako pero si Jack lang pala ito.
"Anong tinitingin mo dyan ha?" Napayuko ako atsaka napangiti ng pilit.
"W-Wala 'no."
"Asus, wala daw." Sinapak ko siya atsaka sinamaan ng tingin.
"W-Wala naman talaga ah?" Nagsmirk lang ito atsaka hinawakan ang kamay ko tapos hinila ako kaya ayun nataranta naman ako.
"Meg, ang ganda ng tanawin 'no? Kasing ganda mo?" WHAT THE HELL JACK?!
At ngayon ay kitang kita na kami ni Jack at nung kasama niyang babae. Oh shit!
Hinila naman ako ni Jack palapit sa kanya atsaka may binulong.
"Sumabay ka nalang. Let's see kung hindi magseselos yang lalakeng yan." WHAT THE?!
"Y-Yah, hindi naman siya magseselos----"
Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita at bigla akong niyakap kaya mas nagulat naman ako. Siguro mahuhulog na eyeballs ko sa sobrang lawak ng pagkatirik ng mata ko e.
KENNETH
Napahinto ako sa paglalakad kaya napahinto rin si Alice.
"Oh? ba't ka napatigil?" tanong ni Alice saakin pero hindi ko man lang maalis sa paningin ko si Meghan habang yakap yakap siya nung ungas.
"HELLO?" Napatingin ako kay Alice nung kinaway kaway niya yung kamay niya sa tapat ng mukha ko.
"A-Ah. S-Sorry." Atsaka agad na akong umalis kahit hindi man lang ako nagpaalam kay Alice. She would understand anyways. Alam naman niya yung tungkol kay Meghan e.
Hindi ko maiwasang kumutin ang kamay ko at ginawa itong kamao. SHIT!
Hindi ko kayang makita ang mahal kong may kasamang iba...
Bumalik ako sa cottage atsaka nakasalubong ko naman si Julia na may takang mukha.
"Good Morning!" Bati saakin ni Julia kaya ngumiti lang ako ng peke atsaka pumasok na sa cottage.
MEGHAN
Kumalas ako sa pagkakayakap atsaka sinapak si Jack ng sobrang lakas.
"Ano bang nakain mo't ginawa mo yun?!" Napa surrender naman yung kamay niya.
"Easy easy Megs." Sinamaan ko nanaman siya ng tingin atsaka sinapak sapak nanaman.
"EASY HA?! E KUNG EASY-HIN KO DIN YANG MUKHA MO DYAN E!" Wika ko habang sinapak sapak nanaman siya.
"See? He's jealous!" Napakunot ako ng noo.
"He walked out without even saying something to the girl. Nag walk out lang siya atsaka na para bang naaasar----oh 'di kaya NAGSESELOS." May smirk pa itong nalalaman habang sinasabi yun saakin.
"BALIW KA BA?!" Nag smirk nanaman siya atsaka hinila ako papunta sa cottage.
"Okay, I will not interfere na Meg kasi tapos ko ng maprove na nagseselos yung mokong na yun. So it's his turn to make a move." Aniya atsaka kinindatan pa ako tapos napa thumbs up.
Nagseselos ka ba talaga, Kenneth?
Nang makarating na kami sa cottage ay nagpaalam na saakin si Jack kaya pumasok naman na ako sa cottage atsaka tumungo sa kusina para uminom ng tubig ng bigla kong madatnan si Kenneth na umiinom rin ng tubig kaya napalunok nalang ako ng laway atsaka napayuko habang dahan dahang maglakad papunta sa ref.
Nang makakuha na ako ng tubig ay aalis na sana ako ng bigla akong hatakin ni Kenneth kaya sobra nanaman akong nagulat. What the hell? Bakit ba palagi nalang akong nagugulat?
"O-Oh?" Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso kaya nandito nanaman 'tong puso kong tumitibok ng sobrang lakas.
Hindi niya ako kinausap but instead, he hugged me so tight.
"Y-Yah...." ba't ba ako nauutal?
"I'm jealous, Meghan."
BINABASA MO ANG
The guy who stole my heart [EDITING]
Teen Fiction#43 HIGHEST RANK IN TEEN FICTION Sa mundong ito ay maraming bawal. Pero hindi naman bawal ang mainlove diba? I was just an ordinary girl. Nag aaral. Nagpupursigido. Nagtiyatiyaga. Naghihirap. Namumoblema. Natatakot. Nalulungkot...