[EDITED]
---
Gabi na kami nung nakauwi kami galing dun sa pinuntahan namin nung birthday ni Kuya, naisipan naman nila Kuya Mark at Kuya Isaac na dito muna sila hanggang bukas kasi sobrang late na talaga kami nakauwi. Halos magaala-una na ng umaga e.
Doon naman matutulog sina Ate Allie at Julia sa kwarto ko kaya naglatag na ako ng comforter para mahigaan nila.
Nandito lang kami ni Julia at ate Allie sa kwarto ko at naga-upload ng mga pictures sa social media, syempre psssh.
Yung mga lalake naman ay nandun sa sala, lumalamon----este kumakain.
Pero bigla akong bumangon sa kinahihigaan ko dahil nakaramdam ako ng pagkauhaw, jusko hindi nga pala ako masyadong nakainom ng tubig kanina.
Lumabas ako sa kwarto ko atsaka agad na bumaba at pumunta sa kusina ng bahay.
Kumuha ako ng baso sa cabinet tapos kumuha rin ng tubig sa ref. Umiinom na ako ng tubig ng biglang---
"Ba't hindi ka pa tulog?"
Halos maluwa yung iniinom ko dahil sa sobrang gulat e! Putcha e!
Sinamaan ko siya ng tingin atsaka inirapan.
"E sa hindi pa ako tulog? pake mo?" Umirap ako at pinagpatuloy ang pag inom ng tubig ng biglang tumunog yung phone niya na para bang may tumatawag.
Kinuha niya yung phone niya at agad na sinagot yung tawag.
"I'm sorry, night out kasi e. It's my friend's birthday. Sorry baby." BABY?!
"Awww, babawi ako baby."
"Bakit hindi ka pa tulog? Matulog ka na ha? I miss you and I love you. Goodnight...byeee"
Napalunok ako sa tubig na iniinom ko, jusko nakakacringe naman 'tong mga 'to. At sa HARAPAN ko pa talaga lumalandi ah? lakas!
Napaubo nalang ako, ang rami kasi ng nilunok kong tubig jusko HAHA.
"Anyare sayo?" -Kenneth
"Uhh, nothing. S-Sino ba yun?" bigla siyang nagsmirk. Shunga lang?
"Secret. Bakit, selos ka?" Jusko! Ba't naman ako magseselos psh?
Ha? Ako? Magseselos? bakit naman." Umirap ako at aakmang aalis na sana ng bigla niya akong kinulong sa mga bisig niya and shit, stuck na ako dahil nakasandal na ako sa pader ngayon!
"Hmmm? Nagseselos si Meghan." HINDI NGA!!
BINABASA MO ANG
The guy who stole my heart [EDITING]
Teen Fiction#43 HIGHEST RANK IN TEEN FICTION Sa mundong ito ay maraming bawal. Pero hindi naman bawal ang mainlove diba? I was just an ordinary girl. Nag aaral. Nagpupursigido. Nagtiyatiyaga. Naghihirap. Namumoblema. Natatakot. Nalulungkot...