[EDITED]
------
Nakagising ako sa sobrang ingay ng alarm clock ko kaya agad ko itong pinatay atsaka agad na ginusot gusot ang mga mata ko. Inaantok pa rin ako pero wala akong choice, e sa may pasok ngayon e.
Tatamad tamad akong naglakad papunta sa CR para magshower ng bigla kong nalampasan yung salamin ng CR kata napabalik ako.
Napatingin ako ng mabuti. OMG.
"AHHHHHHHHHHHH!" No! This can't be happening!
Bigla bigla rin namang sumulpot ang dalawa kong kuya na may dala dalang baseball bat at kaldero?
"Anong nangyayari?!"
"May akyat bahay ba?!"
Nakapameywang nalang ako sa sinabi ng magagaling kong kuya.
"OA rin parin pala kayo paminsan. Pero look at this..." Tinuro ko yung PIMPLE sa noo ko.
Napatawa naman silang dalawa na para bang nakakaloko. Bwesit!
"Eh ikaw nga 'tong OA eh." Natawa naman ako sa reaksyon nila. Ayst!
Hindi ko nalang sila pinansin atsaka agad na pinagpatuloy ang paghahanda. Nung natapos na akong maligo ay agad naman akong nagbihis ng uiform ko habang kumakanta sa harapan ng salamin. Parang baliw lang eh 'no? HAHAHA
---
Nakarating na kami sa University ng biglang may bumangga saakin. Ampota naman! Pati ba naman dito sa eskwela, inaano parin ako?! Ayyyst!
Kinuha ko naman ang yung mga libro kong nakakalat sa sahig ng biglang may tumulong saakin at si Kenneth pala 'yon kaya agad akong napairap.
"Bad day?'' tanong nito.
"Obvious ba? I am in a bad mood! Kung good mood ako, edi sana nakangiti na ako ngayon. Pft." Mataray na sagot ko sa kanya.
"Bakit ka ba kasi bad mood?" Napairap ako atsaka agad na tinuro yung bwesit kong pimples sa noo ko.
"This freak got me in a bad mood!" Natawa naman siya bigla. Shunga lang.
"Eh hindi naman kita. Atsaka hindi ko nga nakita 'yan kanina until you pointed it out." Napasimangot nalang ako.
"Kahit na!" Arrrgh!
Naglalakad na ako sa hallway nang bigla ko nanaman nakasalubong ang mga palaka.
BINABASA MO ANG
The guy who stole my heart [EDITING]
Teen Fiction#43 HIGHEST RANK IN TEEN FICTION Sa mundong ito ay maraming bawal. Pero hindi naman bawal ang mainlove diba? I was just an ordinary girl. Nag aaral. Nagpupursigido. Nagtiyatiyaga. Naghihirap. Namumoblema. Natatakot. Nalulungkot...