[EDITED]
[THIS IS JUST A VERY SHORT UPDATE GUYS!]
Authors Note:
Should I continue the story or no? T_T I'm really confuse so I let you guys decide.
----Inutusan ako ng History Teacher namin na magborrow ng mga historical books patungkol sa discussion namin ngayon.
Tinanong ko lang sa Libraepry Incharge namin kung saan yung reserved books ng mga history teachers namin atsaka pumunta sa parang isang room na nandun yung mga stocks ng books.
Umupo lang ako sa may lobby dito sa Library habang hinihintay ko siya ng bigla siyang lumabas at kinuha yung limang SOBRANG KAPAL NA LIBRO kaya agad akong napatayo.
"Umh.." Napalunok ako, wow ah?
"Sobrang bigat netong mga libro pero huwag kang mag alala." Ngumiti ito atsaka bumalik sa room tapos may hinilang lalakeng matangkad, maputi, at medyo may kagwapuhan rin.
"Siya si Thorne, tutulungan ka niya sa mga librong 'to na kay bigat." Hay salamat!
''Sige po, Salamat!" Ngumiti yung incharge saakin tapos binigay yung tatlong libro sa lalake tapos yung dalawa naman ay saakin.
Naglalakad lang kami papunta sa room namin ng tahimik ng bigla niyang binasak ang katahimikan.
"K-Kailangan mo ba 'to lahat?" Napangiti naman ako ng mapait.
"Kailangan ng buong klase, inutusan lang ako ng history teacher namin neto e." Napatango tango naman siya.
"Ahhh."
"Bakit ka nga ba nandun sa room na yun kanina?" Tanong ko.
"Nag apply kasi ako ng scholarship kaya doon ko nalang finill up-an yung mga kakailanganin." Napatango naman ako.
"Atsaka, Thorne?" Napatingin ito saakin.
"Ah, Oo. Thorne Dane Jimenez." Ngumiti ako sa kanya.
"Meghan Seya Steffania." He just smiled at me.
Tumigil kami ng makarating na kami sa room namin tapos inilapag namin ang limang naglalakihang libro sa teacher's table para naman marealize ni Prof na naghihirap kami para lang sa mga librong 'to.
Nagsitinginan naman ang mga kaklase ko saamin ni Thorne at isa sa mga tumingin ay si Kenneth. Ibang klaseng tingin, yung tinging nagagalit.
I rushed at my chair atsaka umupo. Oh gosh.
-------
It's lunch time at nandito kami nila Kuya Isaac, Julia, Ako at Kenneth sa iisang table pero wala ni-isang naguusap.
"Um guys?" I looked at Kenneth pero nakatuon lang ito sa phone niya.
"Kenneth?" Kumunot ang noo ni Kenneth pero hindi ito nagsalita.
"Ay alam ko na kung anong problema ni Kenneth! Yung lalakeng yun kanina na kasama ni Meghan!" Napakagat ako ng labi tapos napapikit na lang.
"Huy!" Parang walang sigaw ko kay Kenneth.
"Tinulungan lang naman niya akong magbuhat ng mga libro e. Hindi naman kami masyadong nag usap tapos nagpapasalamat rin ako sa kanya na tinulungan niya ako. Uy Kenneth, huwag ka na ngang OA dyan!" Pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Edi sana sinabihan mo ako kaagad."
"Hindi ko naman alam na ganun pala ka bigat yung mga librong yun."
"Kahit na."
Hays talaga.
"Sorry na." He looked at me atsaka nag smirk.
"Fine." Hinawakan naman niya yung kamay ko atsaka bigla na lamang ngumiti.
Bwesit neto! HAHAHA.
BINABASA MO ANG
The guy who stole my heart [EDITING]
Teen Fiction#43 HIGHEST RANK IN TEEN FICTION Sa mundong ito ay maraming bawal. Pero hindi naman bawal ang mainlove diba? I was just an ordinary girl. Nag aaral. Nagpupursigido. Nagtiyatiyaga. Naghihirap. Namumoblema. Natatakot. Nalulungkot...