Chapter -1-Part 7

5.7K 71 3
                                    

[EDITED]

---

Natapos na yung adventure namin at kami namang lahat napagod. Phew!

Nasa tent ako ngayon habang sila kuya ay nandun sa labas, naririnig ko rin mula dito yung mga tawa at mga pagkanta nila pero nakakatamad naman kasing makisali dun 'no.

Dito nalang ako, MATUTULOG. E sa ayaw ko makisali sa kanila lalong lalo na't nandoon pa si Kenneth. Nakakabanas kaya si Kenneth. Kainis!
Hindi naman talaga ako ganito kapag family outing e, pero pag ganito ewan ko ba at palagi akong tamad at pagod.

JULIA'S POV

Napag desisyonan namin na maglalaro kami ng truth or dare, ewan ko ba dun kay Meghan. Hindi nakikisali sa amin. Siguro pagod yun. HAHA.

"Truth?" Ani ni Kuya Mark habang nag-dadalawang isip.

"Why did you choose Ate Allie as your girlfriend?" Ano ba namang klaseng tanong 'yan? Eto talagang si Isaac!

"Aside from her looks, I like her personality. She's kind, caring and so graceful lady." Namula naman si Ate Allie sa sinabi ni Kuya Mark. Ayeeee!

"Ayeeeee!"

"Yieeee!"

"Edi kayo na!"

"Witweeew!"

"Okay, so Kenneth's turn." Nagulat naman si Kenneth sa sinabi ko pero nginitian ko lang siya.

"Truth or Dare?" Dugtong ko.

"I hate doing dares but fine, I'll go with Dare." Ngumisi ako ng pagkaloko.

"Go and check out Meghan. Hihi." Mas lalo siyang nagulat sa sinabi ko.

"No way!"

"Edi double dare!" Napahimas nalang siya ng batok.

"Fine, I'll do it." Aniya at tumayo atsaka pumunta sa Tent namin ni Meghan.

KENNETH'S POV

"Fine, I'll do it." Ani ko atsaka naglakas papunta sa tent nila Meghan.

Nakita ko siyang natutulog, ang cute naman pala ng babaeng 'to kapag natutulog. Nagla-laway pa ito. Kadiri 'tong babaeng 'to!

Bumalik na ako sa barkada habang himas himas parin ang batok ko.

"She's sleeping."

--

Matapos ng truth or dare ay bigla naman silang nawalan ng gana at nagkantahan nalang kami.

"Kenneth Kenneth Kenneth!" Sigaw nila sa pangalan ko.

"Ayoko ngang kumanta! Sintunado ako!" Nagsmirk lang sila at agad na binato saakin ang gitara.

"Kumanta ka or Kumanta ka?" Ha? Wala naman na akong choice na iba e?

Umirap nalang ako at simulang tumugtog gamit ang gitara.

"And love is all that I need, and I found it there in ypur heart. It's easy and hard to see, We're in heaven..."

[Correct me if my lyrics are wrong. Hihi.]

MEGHAN'S POV

Naalipungatan ako dahil sa ingay ng gitara. Ano ba yan! Nainform ba sila na natutulog ako dito? Pero wait ah, may narinig akong boses na kumakanta.

Ginusot gusot ko yung mga mata ko at agad na lumabas sa tent ng bigla kong nakita si Kenneth? Kumakanta ito habang tumutugtog ng gitara.

Pero hindi ko namalayan na nakatingin pala silang lahat saakin, pati na rin si Kenneth habang kumakanta parin. Ano ba ng problema nila?

"A-Anong meron?" Naiilang kong tanong si kanila pero ngumiti lang sila habang umiiling iling.

Pero bigla namang nagchuckle si Kenneth? Anong problema niya?

"Bakit ka tumatawa? Anong problema mo? Niyo?"

"W-Wala!" Sigaw nilang lahat. Sabay pa talaga ha?

Kumunot nalang yung noo ko at naglakad papunta sa upuan na katabi nina Ate Allie at Julia, okay ka sana e. Pero nasa harapan ko pala 'tong mokong na 'to. Haaayst!

Pinagpatuloy nila yung pagkanta nila habang ako dito, nakasimangot habang tinitingnan sila ng walang gana.

Pero bigla naman silang napatigil. Salamat naman at tumigil na sila. Tsk.

"Naboboringan ka ba Sis?" - Kuya Mark.

"Halata ba? Tsk." Umirap nalang ako.

"Okay okay, ikaw nanaman ang kakanta whether you like it or not." Bigla akong natigilan. No! No way!

"Uh, Hindi naman ako naboboringan e! Ang saya saya nga e. Ha.ha.ha." Putcha bakit ko bang naisipan ang lumabas at makijoin sa kanila!

"Please?" Sabay nilang sabi habang 'tong mokong sa harap ko, nakasimangot lang. Aysst!

Napakamot naman ako ng ulo and I nodded, wala naman na sigurp akong choice e.

"I remember tears streaming down your face when I said I never let you go. And all those shadows almost killed your light. I remembered you said, don't leave me here alone..." Napatigil ako ng makita ko si Kenneth na seryosong nakatingin saakin.

"O-Okay na yan." Umirap irap nalang ako at agad na yumuko.

"What kind of game does Meghan enjoys?" Ewan ko, tanungin niyo yung kaboringan ko. Baka kasi alam nila. Huhu.

"Alam ko na! Yung find a partner! It's my own game!" - Kuya Isaac.

"Sounds fun."

"Yea."

"Let's try it."

Pagsasang-ayon nila. Ano ba talaga? Yung larong mae-enjoy ko or yung mae-enjoy nila? Ayst!

Sinabi na ni Kuya Isaac yung procedure pero hindi ako nakikinig. I am not interested anyways.

"Let's get started!"

"Partner Number 3!"

Agad naman akong niyakap nina Ate Allie at Julia kaya nagulat ako. Putcha, ano bang kaek-ekan 'to?

''Partner Number 2!" Kumalas si Ate Allie sa pagkakayakap saakin pero si Julia naman e wala.

"Partner Number 3, not similar to the partner kanina!"

Agad agad akong hinila ni Ate Allie at ni Kuya Mark tapos niyakap. Putcha! Ano bang klaseng laro 'to?

"Partner Number 2, not similar to the partner kanina." I expect na may yayakap nanaman saakin pero WALA.

Tiningnan ko si Ate Allie pero kayakap na na niya si Julia, si Kuya Mark naman ay kayakap si Kuya Isaac tapos....

....huh?

Nagkasalubony kami ng tingin ni Kenneth kaya bigla akong nailang.

"M-Magpartner kami." Seryosong ani ko habang wala paring gana.

"Pero kailangan magkayakap kayo." Kailangan ba talaga yun? Tsk.

Okay fine! Tumayo ako at pumunta sa direksyon ni Kenneth atsaka niyakap ito ng mga 2 seconds?

"Yan? Okay na? Ano ba yang laro niyo. Walang kwenta. Tsk."

Alam kong walang malisya yung pag yakap ko kay Kenneth pero sobrang bumilis yung tibok ng puso ko for some reasons. Ano ba 'to!

Nakatingin naman sila saakin habang si Kenneth ayun umiiwas ng tingin. Ano nanaman ba yung problema nila?!

"Alam niyo, kanina pa kayo e! Ang talim ng tingin niyo saakin! Ano ba yung problema niyo?!" Ayun, lumabas na yung pagtataray ko.

"Ah, nothing beshie." Eh? Tsk.

Napataas yung kilay ko.

"Ah, ganon? Okay, so wala naman na sigurong mas boring pa nito 'no? Tsk. Okay, I'm going to sleep. Nighties." Naglakad na ako palayo at pumunta na sa Tent.

Something's weird with them. Tsk.

-

The guy who stole my heart [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon