Chapter 2-Part 34

4.3K 98 38
                                    

Note: I didn't expect this story to blow up. Thank you so much for 78k+ reads and 1.2k+ votes. I didn't really want to continue this story but thanks to everyone who encouraged me to update more. Thank you so much and there is a possibility that I will continue this until the end of the story. Thank you and I hope you all will like this Part.

ㅡ Author-nim ! ☆

MEGHAN'S POV


"Oy Mahal ko!" Napalingon ako kay Kenneth na parang tanga na nagpapacute.



"Tumahimik ka nga Kenneth." Agad kong sabi.



"Ito namang mahal ko e 'di naman ako nilalambing e kakainis naman e." Luh siya?




"Kapag ako mapikon Kenneth ah. Tumahimik ka nga parang tanga 'to!" Napatawa naman siya atsaka agad akong niyakap sa beywang.




"Hindi porket tayo na pwede mo na akong yakapin sa kung kailan mo gusto." Napatingin naman siya saakin ng masama.



"At bakit naman?"



"Kasi naman." He just smiled and act cute again.




"I understand, Love. Sorry if I'm too clingy." He smiled.




I pinched his cheeks atsaka inayos ang buhok niya nang biglang dumating si Julia at ang dalawa kong Kuya.




"Ohohoy ang mga mag love birds oh." Napairap nalang ako atsaka agad na umupo katabi ni Kenneth.



"Julia baby ko." Wika ni Kuya kaya agad naman akong nag make face.




"Pota ang sagwa naman." Natawa nalang ako sa reaksyon ni Julia.




"Ba't ba kayo naparito, Istorbo naman e." Natawa nalang ako kay Kenneth atsaka sinapak siya.



"Bakit? Ano bang ginagawa niyo?" Tapos ayun, tiningnan nila kami ng masama kaya ayun natapunan ko sila ng bote ng tubig.



"Ang dumi ng isip niyo, sobra!"



"Hoy wala naman akong sinabi ah?" ㅡ Kuya Mark.



"Eh kahit na!"



"Anubayan Megs, lika na nga. Makaalis na nga tayo dito." Hindi man lsng niya akong hinayaang sumagot nang bigla bigla niya akong hinila.




"Hoy putek naman Kenneth yung kaluluwa ko!" Letche talaga kahit kailan.




Habang hinihila parin niya ako habang nagtatakbo ay agad ko siyang pinahinto kaya huminto rin naman siya HAHA!



"Saan ba kase tayo pupunta? Ba't kailangan mo pa akong hilain potek naman nakakapagod kaya mukha akong aso dito kakahila ko letche ka." Natawa naman siya atsaka hinigpitan ang kamay ko sa pagkakahawak.




"Huwag mo akong bitawan." Tumingin siya sa mga mata ko at seryoso akong tiningnan kaya bigla akong nanghina.



K-Kenneth, shet ka.



"Ano gusto mong kainin? Ice cream? Bilhan kita." Tanong nito kaya napabalik ako sa katinuan ko at agad nalang na tumango.




"Ano flavor? Cookies and Cream?" Tumango ako kaya napangiti nalang siya atsaka binaling ang tingin kay Manong na naglalako ng sorbetes.



"Manong, girlfriend ko nga pala. Ang ganda 'no?" Napangiti ako.




"Ay oo naman Sir, ang ganda ganda at syempre bagay na bagay kayong dalawa." Wika naman ni Manong.



Nilingon ako ni Kenneth atsaka kinindatan ako na para bang nakakaloko.



"Sabi ko na mahal e." Napairap nalang ako atsaka agad na sinapak yung tiyan niya ng mahina pero dahil over reacting itong lalakeng 'to. . . . .



"Wow Mahal ko, very violent and aggressive ah." At nginitian ako ng nakakaloko nanaman.



letche talaga!



Inabot niya sakin yung Ice Cream atsaka naglakad nanaman kami habang magkahawak ang mga kamay.




Its very good to spend time with the person who gave you lots of happiness.




"Mahaㅡ" Hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya atsaka agad na hinarap siya.



"Kenneth, bakit mo ako tinatawag na Mahal o Love?" He just smirked.


Loko talaga.



"Bakit nga ba, Mahal ko?" At kinindatan nanaman ako.



Little did he knows, whenever he calls me Mahal or Loveㅡthere's something...something that I want to feel noon pa na nararamdaman ko na ngayon.





Damn you, Kenneth.



The guy who stole my heart [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon