Chapter 2-Part 27

3.8K 53 5
                                    

[EDITED]

----

Minsan, naiisip ko kung kailan ba ako magtatapat sa tunay kong nararamdaman kay Kenneth. I don't know how. This is the first time na ganito ako. Yung kay Dave? Hindi naman talaga ganito kalakas ang pagtibok ng puso ko kumpara sa presensya ni Kenneth na para bang lalabas na ang buong puso ko dito sa dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok nito.

Nauutal ako kapag nadiyan siya pero mas pinapataas ko nalang ang pagtataray ko para hindi halata.


Minsan rin, napapalunok ako kapag may mga gagawin si Kenneth na nagreresulta sa kilig na nabubuo dito sa puso ko pero pinipigilan ko 'yon para hindi halata.


Dang it! Why are you being like this Meghan?!


"Hoy!'' Napatingin naman ako sa kung sino yung yumuyugyog sa balikat ko at si Kenneth pala.


Speaking of.



"O-Oh?" Napaiwas nalang ako ng tingin. Aish! Ano ka ba Meghan!



"Kanina ka pa kaya tulala." Napairap nalang ako---here comes my 'pagtararay' mode.




"E may iniisip ako e? Atsaka pake mo ba?!" Napasmirk lang siya.




"Anong iniisip mo? Sino? Ano?"


Kung sasabihin kong ikaw, would you do the same for me?



"E sa pake mo nga?!" Napasmirk na lamang ito.


Nandito kami sa may overview. Naglalakad lang kami at sa katunayan nga ay nahuli na kami dahil sila Julia, Kuya Mark, Kuya Isaac at Atr Allie na nauna na sa mga places na nandito sa guide namin.




Naglalakad na kami nang biglang may tumawag sa pangalan ko at isa 'yong pamilyar na boses!



"Megs!" Napalingon ako at nakita ko si----




------Jack?!




Jack Lopez, my childhood best friend. It's been 4 years narin noong hindi kami nagkikita kasi pinagpatuloy niya kasi yung studies niya sa States as what her Mom and Dad said kaya wala naman siyang choice.




"JAAAAAACK?!" I know I'm loud but whatever.



Tumakbo ako papunta sa kanya atsaka agad na niyakap siya ng sobrang higpit.


Awww, I miss him!




"Hindi ka parin nagbabago. Mataba parin yang pisngi mo tulad ng dati." Wika nito habang pinisil pisil ang pisngi ko kaya agad ko itong nasapak.




"Yah! Masakit na kaya!" Napachuckle nalang siya at ginulo ang buhok ko.




"Kailan lang kayo nakauwi galing States?" Tanong ko.



"Ah, last week lang. Sorry hindi kita nasabihan kaagad. Hindi ko na kasi matawagan yung phone number mo." Napapeke ako ng tawa.




"Atsaka kumusta na nga pala si Kuya Mark at Kuya Isaac? Balita ko may girlfriend na si Kuya Mark ah? Naks naman!" Napachuckle ako.




"Actually kasama ko sila ngayon. Halika, sasamahan kitang pumunta sa place kung saan sila tumatambay." Ngumiti lang siya atsaka hinila ako. Oo, siya yung nanghila saakin. Oh diba, kahit siya hinihila parin ako. Akala niya siguro na lubid ako. Psh.



The guy who stole my heart [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon