[EDITED]
----
*ring*
Napakunot ako ng noo atsaka agad na tinakpan ng unan yung tenga ko. Ayst! Stupid Alarm Clock!
Kinuha ko yung alarm clock ko sa side table ng kama ko atsaka agad na pinatay ito.
"Ayst!" Sigaw ko atsaka agad na bumalik sa pagtulog nang biglang may kumatok kaya napabalikwas ako sa kinahihigaan ko tapos sumigaw dahil sa sobrang inis.
"Meghan, wake up! It's time for you to get ready for the Date Quest!" Agad agad kong kinuha yung sleeping blinders ko.
Agad agad akong tumayo tapos agad na naghilamos tapos agad na bumaba na papuntang kusina. Shocks naman oh!
"Oh anak, kumain ka na tapos mamaya ay dadating na ang makeup artist at hairstylist mo." Oh gosh!
Tumango nalang ako sa sinabi ni Mommy atsaka agad na nagmadaling kumain pero syempre marami akong kinain, e sa paborito ko kaya yung ulam hehe.
Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa kwarto ko tapos nag shower na tapos nagsipilyo.
Nag suot muna ako ng pam bahay habang hinahanda ko yung susuotin ko. Isang off shoulder na black dress lang ito tapos pinaresan ng white na high heels. Okay naman na siguro. Simple lang ito.
"Meghan? The Make Up Artist and the Hairstylist are here. Go get ready na." Agad na akong lumabas sa kwarto at pumunta sa sala.
Sinimulan naman nila yung pagpapaganda saakin---wait, maganda naman na talaga ako. MAS pinaganda lang talaga nila ako. HAHAHA charot!
"Ay Sis, sobrang kinis ng skin mo!" Ani nung Make Up Artist kaya napangiti nalang ako.
"Thank you po hihi."
At matapos yung pagpapaganda nila ay natapos na sila. Nakatingin lang ako sa salamin at hindi ko mapigilang mamangha sa mukha ko ngayon. Ay mga bes, ang ganda e! charot HAHA.
"Aww, my baby is so lovely!" Sabi ni Mommy tapos niyakap ako. Aww Mommy..
"Thank you Mom." - Ako
"Ganda mo ngayon bunso ah?" Natawa ako sa sinabi ni Kuya Mark.
"Oo, ngayon lang siya naging maganda kasi inayusan. HAHA." Pero noong si Kuya Isaac na ay sinamaan ko na ng tingin. Nakakainis naman e! Aish!
"So ganon, ngayon lang?!" Natawa naman sila tapos niyakap ako.
"Joke lang, alam mo naman na palagi kang maganda e kaya hindi na namin kailangan sabihin." Ayie! Ito talagang mga kuya ko, super madrama! HAHAHA.
Pagkatapos kong magpasalamat sa nag ayos sa mukha at buhok ko ay agad akong bumalik sa kwarto para suotin na yung dress ko tapos sinamahan pa ng mga accesories at yung heels na susuotin ko.
[CREDITS TO THE OWNER OF THE PHOTO]
Nakatingin lang ako sa sarili ko dito sa Whole Body Mirror at hindi ko mapigilang mapangiti. Bongga si bes! HAHAHAHA.
*beep*
Nandito na pala ang sundo ko which is si Kenneth. Ayie HAHA charot.
KENNETH
Nagpaalam na kami kila Tita, Isaac at Kuya Mark tapos pinag buksan ko naman si Meghan ng pintuan sa front seat tapos pagkatapos 'non ay ipinaharurot ko na ang sasakyan hanggang sa makarating kami sa Venue.
Hindi ko maiwasang mapasulyap sa partner ko. Damn, she's beautiful! Sobrang simple lang ng suot nito pero sobrang ganda parin niya. I don't why but I can't keep my eyes off her.
Paglabas na paglabas pa lang namin sa kotse ay marami ng nakatingin saamin, lalong lalo na kay Meghan. E hindi ko naman sila masisisi, she's really beautiful and lovely tonight. Shit, nababakla na ako dahil sa mga expression ko pero so what?
"Yah Kenneth, kanina ka mo pa ako tinititigan ah? Baka matunaw na ako niyan." Sa sinabi niyang yun ay napaiwas ako ng tingin.
Nandito na kami sa assigned table namin ng biglang lumapit yung Gray kay Meghan kaya napakunot ako ng noo. Ano nanaman bang kailangan ng lalakeng 'to?!
"Can I have a dance, my lady?" Wika nito habang nakalahad yung kamay niya kay Meghan pero bago pa makasagot si Meghan ay nahila ko na siya.
Nagtaka naman siya sa kinilos ko pero hindi ko nalang ito pinansin atsaka agad na hinawakan ang kamay ay beywang niya tapos siya naman ay nakahawak sa beywang at balikat ko.
"N-Nakita mo ba siya?" Wika nito habang nakayuko lang.
"Sino?" Tanong ko.
"Yung sinasabi mong gusto mong babae." Napasmirk ako.
Sumasayaw lang kami dito ng slow dance kaya medyo awkward rin pero bahala na nga.
"Yes, I saw her.'' Napatingin siya saakin ng seryoso tapos napangiti ng alam kong peke.
"T-Talaga? Nasaan? Pwede ko bang makita?" Napangiti ako sa sinabi niya.
Sorry, wala akong dalang salamin ngayon Meghan. :)
"Mahirap siyang makita." Napakunot naman yung noo niya.
"Ano? Niloloko mo ako ganon?" Pinisil ko yung pisngi niya kaya napasama nanaman ang tingin niya saakin pero nung nakahanap ako ng tiyempo ay agad kong hinawakan ang magkabilang kamay niya at ipinulupot ito sa katawan ko na para bang nakayakap siya saakin.
"Y-Yah..." Iling nito pero hindi ko nalang siya pinansin atsaka agad rin siyang niyakap.
".....your heart beats so fast.'' Dugtong nito kaya napatingin ako sa ulo niya tapos napangiti.
"She makes my heart beats so fast." I said nang bigla kong naramdaman na naging mahigpit yung pagkakayakap niya saakin kaya kinilig naman ako shit. HAHA.
"Who's she?" Wika nito saakin.
You Meghan. It's you.
BINABASA MO ANG
The guy who stole my heart [EDITING]
Novela Juvenil#43 HIGHEST RANK IN TEEN FICTION Sa mundong ito ay maraming bawal. Pero hindi naman bawal ang mainlove diba? I was just an ordinary girl. Nag aaral. Nagpupursigido. Nagtiyatiyaga. Naghihirap. Namumoblema. Natatakot. Nalulungkot...