[3] Unlucky

7 2 0
                                    



This is it! Sunday ngayon kaya wala kaming pasok.
Nandito kami sa isang 5 star restaurant, sinusundan namin si Zach. May kadate sya siguro yun yung girlfriend nya.

"Ganto yung plano---" Sinabi ko yung plano kay Trixie

Lumabas na sila ng resto. Habang naglalakad sila lumapit ako at...

(*PAK*)

Sinampal ko sya.

"Walang Hiya ka! Yan ba ang pinalit mo sakin?! Mukhang kalabaw! Ito na ang huling pagkikita natin!" Sabi ko.

"Anong pinag sasasab---" (*PAK*) Sinampal din sya nung babae.

"Bestie, its okay. Let's go" Sabi naman ni Trixie. Sabay alis namin at punta sa damuhan. Sumilip kami.

Nakita namin na nag eexplain sya pero sinampal lang sya nung babae. Umalis yung babae. Pinagtitinginan at pinag uusapan na sya ng mga tao.

"Perfect!" Sabay na sabi namin ni Trixie.

Lumingon lingon sya at pumunta sa direksyon namin. Nakita na nya kami.

"1 2 3 Takboo!" Sigaw ko.

"Hoy! Bumalik kayo dito!" Naririnig kong sigaw nya pero daretso lang kami hanggang makarating sa parking lot. May kotse kasi si Trixie. At sya lang din ang nakakaalam ng poorita ako. Naiintindihan daw nya ako kasi laki sya sa hirap pero biglang yaman.

Anyways, Ayun nga! Pandalas ng drive si Trixie.

"Trixie! Faster Faster!"

"Relax! Anlayo na natin!"

Hinatid na ako ni Trixie sa bahay. At para mas makilala nyo si Trixie. Bestfriend ko sya since elementary. Close nadin yung nanay ko at nanay nya kaya nga nung yumaman sila tinutulangan nila kami. Eh eto namang nanay ko Pabebe. Nahihiya daw sya. Anyways, nandito na ako sa bahay.

"Diba wala kayong pasok? Bakit ngayon ka lang?" Bungad Ni Nanay.

"Basta po. Mahabang kwento. Sige punta na po muna ako sa kwarto"

At pumunta na akong kwarto.

----------------------------
Zach's POV

Bwisit yung babaeng yun. Hindi ba nya alam na sa lahat ng naging girlfriend ko, yun lang ang sineryoso ko. 2 years kami. 11 months ko syang niligawan. Samantala yung iba 1-3 months lang ang tagal namin at 3days to 1week ko lang ligawan.

Humanda sya sa magiging ganti ko. Kumuha ako ng private investigator para sa kanya and after 2 days nasa akin na ang ibang information about sa kanya, pero yung mabababaw lang naman, di naman masyadong personal. Like, yung mga kinatatakutan nya. Anyaways, Akala nya siguro wala na akong pangganti kasi 1 week na yung nakakalipas simula nung nagyaring yun.

Nag effort talaga ako. Pinagawa ko kay Eman (yung assistant ko) yung pangganti ko. Since monday bukas. Bukas din ako gaganti.

(**Next Day**)

"Ano Dude? Paano ka gaganti?" Sabi ni Ranz.

"Basta! Just watch and learn!"

"Wait! Miss!" Sabi ko dun sa babaeng nadulas. Tumigil naman sya. At pumunta sa akin.

"Bakit?!" Pataray nyang sabi.

"Uhhm, Sorry sa mga nagawa ko. Eto oh" Sabi ko sabay abot ng gift.

"Ano yan?!" Pataray ulit.

"Peace Offering"

"Ganyan ka pala gumanti" Sabat ni Ranz habang natawa.

"Tumigil ka nga" Sabi ko. "By the way, what's your name?" Dugtong ko.

"AJ and you?"

"Zach!"

"Thank you for this"

"Sige, Alis muna kami ah, pero buksan mo agad yan para magamit mo na" Sabay alis namin pero nagtago lang kami at sumilip.

Binubuksan na nya. "1 2 3! AND!"

"Aaaaahhhhhhh!" Umirit yung AJ at naibagsak yung box.

"Hey! Miss, we're having a class here! What happened?!" Sabi nung isang prof.

"Sir kasi andaming ipis!"

"Its not alive! So clean it!"

"Tatawagin ko lang po yung janitor"

"No! As your punishment for disturbing my class. You're the one who will clean it"

"Sir!"

"Clean it"

"Okay sir, kukuha lang po ako ng walis"

"No! Clean it with your hands"

"What?!"

"Yes!" Sabay sarado ng prof. sa pinto.

--------------------
Allyra's POV

"Oh My Gosh! Best! Help me!!" Sabi ko kay Trixie.

"Hindi ko kaya!!"

Ginamit ko yung box na pinaglagyan ng ipis para ipang dakot. Pagkatapos ay hinanap ko agad yung pakenshet na lalaking yon. Nakita ko sya at pandalas ng takbo. Hinabol ko sya. Tumigil sya tapos ngiting ngiti. Nilapitan ko sya at itutulak sana pero...

"AHHHHHH!!!" Irit ko. Nasa loob pala kasi ako ng CR ng boys. Kaya nagmadali akong lumabas. Tatakbo ako pero biglang.....

(*BAG*)

Nabangga ko yung prof. na naistorbo ko yung klase kanina. Natapon yung kape nya sa damit nya.

"Ohh-My-Gosh" Nabulong ko nalang.

**After 2 Hours**

"Bestie! Help me na! I'm so tired na!" Sabi ko.

Paglinisin baman ako ng buong Oval. Sino bang di mapapagod!

"Naku Bestie! Bahala ka dyan! Mapapagalitan ako pag tinulungan kita"

**After an hour**

"Whooo! Natapos din"

"Oh ano Bestie? Hatid na kita?" sabi ni Trixie.

"Tara na! 6:30pm na"

(**Pagdating ko sa Bahay**)

Nag bless kami ni Trixie kay Nanay.

"Oh Trixie! Gabi na ah. At Ikaw Lyrita bakit ngayon ka lang eh 5:00 pa uwi mo?!" Sabi no Nanay.

"Mom! Kas--" Di kona natuloy sinasabi ko kasi... "Lyrita! Tumigil ka ng ka ma mom mo! Bubuhusan kita ng kape, eh bakit nga ba ngayon ka lang"

"May ginawa po kaming Project"

"Yung totoo?"

"Yun nga po!"

"Trixie, Bakit ba talaga kayo ginabi" Si Trixie na yung tinanong nya.

"Ahh ehhh!" Sabi nya. Habang kinukurot ko sya sa tagiliran nya.

"Ano Trixie? Ako bahala sayo" Sabi ni Nanay.

"Ahhhm! Nabangga nya po yung isang Prof. Natapon yung kape at pinaglinis po sya ng buong oval.

"Ahhh!" Sabi lang ni Nanay.

"Di ka po galit?!" Sabi ko.

"Hindi! Ikaw naman ang nahirapan di naman ako, basta wag lang ako mapapatawag at malilintikan ka"

"Sige po hatid ko muna si Trixie"  

Loving Ms. PoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon