[A/N]
Dedicated sa kanya ang bagong BEBEKO ng buhay ko ^_________^ at dahil AKO din ang bagong INPIRASYON niya kaya heto haha LabLab Toni :**.
-------------------> Yan po ang ayos ni carm nung "Date" daw nila ni Marco^^
Sana magustuhan niyo po ang update ko sorry kung late may topak kasi si Watty nung isang araw kaya ngayon lang nakapag update ayun ayun ENJOY READING FELLOWS !! LabLabLab♥
VOTE&LIKE
Comment for feedbacks :D
Carm's POV
Oh lord please! Tulungan niyo po ako magpigil na masakal ang tatlong kaibigan ko. Tama ba naman na tawanan ako sa harap ni daesung? Ha? Tama ba? Tama ba? Tama ba yun? Humanda sila mamaya sakin pag-uwi bibigyan ko ng tig-iisang kutos tong mga 'to eh. Nakakahiya tuloy kay Marco mamaya kung ano pa isipin nito >___< KYAAAAAAH~! nakakahiya talaga..
Alam ko namang concern lang siya sakin pero hindi naman na niya kailangan hawakan ang noo ko lalo lang tuloy ako namula na ikinatuwa ng tatlong bruha (-___-)
"Grabe naman kayo makatawa dyan" sabi ni daesung nung tumigil sila na kakatawa.
"Nako! Eh kasi naman tong si carm kung makapag-Blush din WAGAS!!" sagot naman ni doreen habang nakatingin at nakangiti sakin ng pang-asar nakakadami na siya sakin ah..
"Wag ka ngang ganyan doreen baka naman kinakabahan lang yan si carm dahil may audition tayo mamaya remember tumawag si grace?" sabay kindat sakin ni mau may naisip na naman sigurong kalokohan 'to may pakindat kindat pa eh TT^TT
"Oh? May audtion kayo? Nice galingan niyo ah kahit sure ako na makukuha niyo yun" sabi ni marco sabay tingin sakin. "Wag kana kabahan ang galing niyo kaya don't worry kaya mo yan" tapos pinat niya yung ulo ko >///< pwede himatayin?
"Tara shopping na lang tayo para mawala ang kaba sa dibdib" masayang sabi ni hanna
"Tamaaa! Pero carm hindi ka na pwede sumama kasi ang dami mo ng pinamili nung isang araw" nakangiting sabi ni doreen tapos na tumango naman yung dalawa para sumang-ayon.
"Eh? Ano pauuwiin niyo ko?" nakataas kilay kong sabi.
"Hindi! Mag-ikot-ikot ka na lang muna sa mall habang nag sha-shopping kami" - mau
"MAG-ISA?" - ako
"Sasamahan kita" pag piprisinta ni marco habang nakataas pa ang isang kamay
"Nako wag na! baka may gagawin ka pa. Abala pa sayo yun" sabi ko sakanya ng nakataas din ang dalawang kamay at umiiling-iling..
"Okay na yan carm para may kasama ka din." - mau
"OO nga tsaka okay lang yan kay marco diba marco?" sabi ni doreen
>_>, >_>, >_> sabay sabay nilang tatlong tingin kay marco
"oo naman okay lang sakin yun" nakangiting sagot ni marco. *O* ang ganda talaga ng smile niya. Pero HALA! kasama ko siya mag iikot sa mall? KYAAAAH! >//////< BEST DAY EVER!
"Yun! Tara na!" - doreen
Nagpaalam na yung tatlo at mag tetext na lang daw sila pag tapos na silang mag shopping kaya naman kami ni marco sinimulan na naming mag ikot-ikot. Magkasabay kaming naglalakad panaka naka ko siyang tinitignan grabe ang gwapo niya talaga *________* masama ba kung iisipin kong parang nag dadate kami? KYAAAAAH! ang bilis bilis ng tibok ng puso ko tapos takte bakit ganito? parang ang daming paru-paru sa loob ng tiyan ko! >____< kaka-kain lang naman namin ah peste pang-gulo naman tong tiyan na 'to.
"Gusto mo manuod ng sine?" biglang tanung ni marco na kinagulat ko.
"HA? ano yun?"
"Lula ka ata ah? hahaha sabi ko tara nuod tayo sine?"
"Ahhh >____< sorry naman may iniisip lang.. Ahmm cge tara nuod tayo"
"Sino iniisip mo? Boyfriend mo?"
"Ikaw" wala sa sarili kong sagot
"Ako?" nagtatakang tanong niya
"Ha? ikaw ba sinabi ko? hahaha"
Nawindang naman ako sa sinagot ko talaga bang sinabi ko yung ikaw? nakakahiya sabi na nga ba magkakalat lang ako ehh..
"oo kaya"
"Hahaha joke lang yun ano ba papanoorin natin?"
"Gusto ko panoorin yung Abduction eh okay lang ba sayo?"
"diba si taylor lautner ang bida dun?"
"Yup oh ano tara?"
"Sure mukang maganda naman eh"
Bumili na nga kami ng ticket nung abduction bumili din siya ng isang large popcorn at dalawang softdrinks tapos nun pumasok na kami sa sinehan di pa naman nagsisimula yung movie. Siya na din ang pumili kung san kami uupo. Pagkaupo namin nagsalita siya.
"Ang daming tao ah"
"Oo nga maganda siguro talag yung movie"
"Siguro, ohh kain ka" inabot niya sakin yung popcorn.
"Thanks! Magsisimula na yung movie"
Nagsimula na nga ang movie kaya sinumulan na din namin kumakain pareho ng popcorn share lang kami dun sa isang large popcorn. Tinignan ko siya seryoso lang siyang nanunuod kaya napatitig ako sakanya. The whole movie wala akong ginawa kundi ang kumain ng popcorn at tumitig lang sakanya matatapos na nga yung movie ng wala akong naintindihan buti na lang busy siya sa panunuod at di niya napansin na sakanya lang ako nakatingin. >:D Biglang tumunog cp ko may nag text ata.
3 new messages
From: Mau
Kung nakakatunaw lang ang mga titig mo malamang niyan kanina pa tunaw si marco.
From: Hanna
Malusaw yan!
From: Doreen
Kunwari ka pa kanina na nahihiya sumama eh mas nakakahiya yang ginagawa mo huy! >:D
WHAT THE HECK!?
tingin sa gilid
tingin sa harap
tingin sa likod O________O
at ayun ang tatlong bruha nasa likod namin siguro mga limang row ng ang layo nila samin potek akala ko ba mag sha-shopping sila eh bakit parang nag iispy sila sa "date" ko.. Argh! Umayos na ako ng upo di ko na sila ulit tinignan kahit reply di ko ginawa panira ng moment. Natapos na yung movie kaya tumayo na kami paglingon ko sa likod wala na yung tatlo sabi na eh pinagtitripan talaga nila ako.
"Sinong tinitignan mo?"
"ahh wala naman"
"Tara na" aya sakin ni marco tapos bigla niya hinawakan yung kamay ko O/////O hala! hala! ang puso ko! Waaaaaaaaa! Kinikilig ako! Tumingin ako sa kanya nakatingin din pala siya sakin habang nakangiti.. TAKTE! Feeling ko uminit ata yung mukha ko.
"Ahhh sige tara" ngumiti na din ako sa kanya.
Lumabas kami ng sinehan ng magka-holding hands yung puso ko nag hyperventilate na ata sobrang bilis kasi ng tibok nito tapos feeling ko nag iislow motion yung paligid ko nakatingin lang ako sa kamay niya na nakahawak sa kamay ko.
Ang sarap lang ng feeling parang nasa cloud9. Sobrang saya ko may nagawa ba akong mabuti this past few days at binebless ako ni lord ng ganito? Pwede bang hindi na matapos tong sandali na to? Last request na po.
BINABASA MO ANG
With Your Love
Teen FictionFor Mau, being single was quite tough. She once thought of having a boyfriend just for the sake of having one. At para na rin hindi isipin ng daddy nya at ng mga taong nakapaligid sa kanya na binabalak niyang maging single forever na wala naman tala...