Chapter 14: Unofficially Yours

918 26 17
                                    

Para sa bago ko kaCOSE! Oh yizz! close na kami *sabog confetti* haha Thank you TabbyMiLabs<3

~Mau's POV

Katapusan ng buwan kaya naisipan kong mag-grocery. Hawak ko ang dalawang brand ng instant noodles habang nag-iisp kung alin sa dalawa ang bibilhin ko. Hindi ako makapag decide since yung isa paborito ni Doreen at yung isa paborito naman ni Carm kung isa lang ang bibilihin ko maliwanag pa sa sikat ng araw na gegerahin ako nung isa pag yung isa lang ang binilhan ko ヽ(≧Д≦)ノ

At dahil mahal ko ang sarili ko at ayaw kong mabunga-ngaan kinuha ko na lang yung dalawa para walang away kekeke~ 

Hindi ko namalayang may nakatayo na pala sa likod ko kaya naman ng pumihit ako paharap ay ganon na lang ang gulat ko ng maging palaman ako sa pagitan ng estante at ng matangkad na lalaki sa harap ko.. 

Kulang na lang tapakan ko siya sa paa sa sobrang inis ko.

Paano kasi,

Ang haba ng hilera ng mga Cup Noodles iyon pang nasa ulunan ko ang naisipan niyang pagkunan. At dahil matangkad siya at ako ay medyo pinagdamutan sa height nakatingala ako ngayon sa kanya .. Great! 

"Ahh, excuse me lang po mama, pwede?" iritadong sabi ko 

Nang yumuko siya ay ganon na lang ang gulat ko.

Nanlaki ang mga mata ko.

Shocked was an understatement.

Pakiramdam ko rin biglang umurong yung dila ko.. 

Nabitawan ko pa nga ang mga instant noodles na hawak ko. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes niya at nasalo niya ang mga yon.

"Mau?" nananantiyang tanong nito habang nakatingin sakin. "Maureen? Oh my god it is you"

Tumango lang ako ng banggitin niya ang pangalan ko. 

Hindi na niya kailangan pang banggitin ang buong pangalan ko para makasigurado ako kung sino ang nasa harap ko ngayon. 

"It's me, Josh! Schoolmate tayo nung high school. Do you still remember me?" nakangiting sabi nito.

Of course, I remembered him. (ノ ̄ω ̄)ノ

Kahit sa panaginip makikilala at makikilala ko siya.

Siguro nga, 

Isa siya sa mga taong kahit ilang beses mabagok ang ulo ko at magka-amnesia pa ko ay matatandaan ko pa rin.

Because how could i forget the man whom i  have waited for more than three years? (´・_・')

"Hi" was the only word taht came out of my mouth. I still can't believe na nasa harapan ko na siya ngayon at nakangiti sakin. 

Ilang beses ko na bang pinractice at pinlano ang mga sasabihin ko sa kanya once na magkita ulit kami. Perfect na nga ang script  at kabisadong kabisado ko na ang mga sasabihin ko pero bakit hindi gumagana ng tama ang isip ko ngayon? 

"How are you?" nakangiting tanong niya. "I never expected to see you here."

"Y-yeah, ako rin." mahinang sabi ko. Bakit sa dinami dami ng lugar na magkikita kami ulit sa grocery store pa? Di ko talaga toh inaasahan. 

"Kamusta?" 

"Mabuti naman." Nagulat ako ng bigla niya kong yakapin ng mahigpit.

"I'm really glad to see you."  bulong niya malapit sa tenga ko. 

Hindi ako makapag-salita. Para akong tuod na nakatayo habang yakap yakap niya.

Dub.Dub.Dub.Dub

Ayan na naman yung pakiramdam na yan! 

With Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon