Nameet ko kahapon Feb.25,2012 si Ate Aril :D YEY! keke~~ SAN? Sa Moa lang naman! hahaha she's pretty and shy? or awkward lang ako? kwento konti tapos picture picture ^^ haha KDOT. Daldal ko.. Maraming Salamat sa may Ari ng picture na yan sa gilid XD di ko alam kung kanino ehh kinuha ko lang sa net .. Di pa ko ganun kagaling gumamit ng mga Photo Editing sa photoscape lang ako hahaha ayun ayun Enjoy Reading Guys ..
~Mau's POV
"Nagkita na kayo ni Josh? Talaga? Kailan? Saan? Paano?"
sunod sunod na tanong sakin ni Doreen.
Nang gabing iyon pagkatapos namin mag-hapunan at naghahanda na sana sa pagtulog ng pinulong ko sila Carm, Hanna, Doreen at Grace para ikwento ang nangyari at nakita ko nung araw na yun.
Si Carm pansin ko na parang ilang sakin ngayon.
"Teka! Isa isang tanong lang mahina ang kalaban" sabi naman ni Hanna Nasa akin lahat ng atensiyon nila.
Nandito silang lahat ngayon sa kwarto ko
"So Mau bilisan mo na. Ikwento mo na kung saan mo kayo nagkita.. Naligaw ba kayo sa bahay na walang kusina?"
"Ang bibig mo Doreen konting preno." saway ko .
"Kasi naman pasuspense ka pa. Kung nag kukwento ka na diyan ehh di hindi na ko nagtatanong at nagsasabi ng kung ano ano dito.."
"Nagmamadali? Nagmamadali? May lakad ka teh?."
"Oh bilis na kasi pabitin ka naman ehh." sabi naman ni grace
"Dami mo pa kase segway ikwento mo na kaya." singit naman ni Hanna
"Eh kung hinahayaan niyo ba kasi akong magsalita dito, Nakapagkwento na sana ako." pangangatwiran ko.
Wala na ngang nagsalita kaya nakapagkwento na ko. Sinimulan ko sa pagkikita namin sa Grocery Store hanggang mapunta kami sa school namin dati at sa paghatid nito sakin hanggang pag uwi.. Tinignan ko si Carm na tahimik lang din na nakikinig sa kwento ko.
Lahat na ata ng napag-usapan namin ni Josh nakwento ko na sakanila mula sa mga naging girlfriends nito, sa school niya. So far, accurate ang pagkakakwento ko dahil hindi ako nagdagdag bawas pero hindi ko maiwasang mag side comment lagi.
"Eh tinanong mo ba kung may girlfriend ba siya ngayon?" tanong namn ni Grace
"Ewan. Malay ko" sagot ko. "Hindi ko tinanong pero sa tono naman ng pananalita niya mukhang wala siyang girlfriend ngayon pero special someone ata meron?"
Nakatingin ako kay carm ng banggitin ko ang special someone. Nakatingin lang din siya sakin na wari bang binabasa niya ang nasa isip ko.
"O, baka wala ngang girlfriend! Special Someone pa lang naman. Eh di pagkakataon mo na hija!" sabi ulit ni grace
Binatukan ni Hanna si Grace sa sinabi nito.
"Hello! Nakalimutan mu na ba na may THORN na siya? Taken na siya!" pinagdiinan talaga ni hanna yung word na taken tapos tumingin sakin.
"Alam niyo ba. akala nga niya kabe-break ko lang sa boyfriend ko. Kaya naman inalok niya ang sarili niya bilang friend at hindi bilang boyfriend" paghihimutok ko.
"Okay lang yan girl! Doon kayo magsisimula. Teka sabi mo dati kapag nakita mo ulit siya aalukin mo siyang maging jowa mo? Nasabi mo ba?" tanong ulit ni grace this time dalawa na ang bumatok sa kanya. Si doreen at hanna
"Oo sinabi ko nga yon.. Pero madaling sabihin, mahirap gawin"
"Loka! Loka ka ba?! Nakalimutan mo na bang may boyfriend na siya? Paano naman niya tatanungin ng ganon si josh? Kabaliwan talaga nito.." sabi ni doreen
"Wag mo nga pangunahan si mau" dugtong naman ni hanna
"Aray! masakit yun ahh .. sobra na kayong dalawa ah! naninigurdo lang naman ako. ang tanong lang naman dito mau may nararamdaman ka pa ba para kay josh? pano na si thorn?" seryosong tanong sakin ni grace..
"Ewan ko Grace, Sa totoo lang maski ako hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Ang alam ko lang natutuwa ako at nagkita ulit kami kahit sinasabi ninyo sakin dati na umaasa lang ako sa wala." Oh no! Ibig ba sabihin mahal ko pa rin si Josh? If that was the case, it only meant i was inlove with both men?
"So ngayon ano ang promblema mo?"
"May problema ba ako doreen?"
"Mau hindi tayo naging magkakaibigan ng ganito katagal kung hindi natin kilala ang likaw ng bituka ng isa't-isa" sabi nito
"Anong punto mo?"
"Ang punto ko hindi mo kami pupulungin at pupuyatin ng ganito para lang sa wala." dugtong pa ulit ni doreen..
"Hello! di ba pumasok sa mga isip niyo that i just wanted to share a kabanata of my buhay sa inyo?" tumawa ang mga loka loka
"Isang tanong, isang sagot Mau nang makita mo ba si Josh kanina ano ang naramdaman mo?" tanong ni Hanna sakin
"Ahh-- .."
"Mahal mo pa ba siya gaya ng kine-claim mo dati kaya nagpakagaga ka ng ilang taon?" tanong naman ni grace..
"Ehh--"
"Or nung nakita mo siya kanina parang gusto mong pag sisihan na dumating sa buhay mo si Thorn?" dagdag naman ni Doreen
Saglit akong natahimik sa mga tanong nila.
Ano nga ba ang naramdaman ko kanina ng makita ko si Josh?
I was really surprised no doubt about that dahil di ko ineexpext na makikita ko siya..
Hindi rin naman ako nagsisisi na dumating si Thorn sa buhay ko..
I mean minahal niya ko at sigurado ako dun.. Pinaramdam niya sakin kung paano ang mahalin ka ng taong minamahal mo din ..
Now i realized that life was really full of surprises. One really never knew when to expect the unexpected.
Like ang akala kong simpleng pag go-grocery ko lang ay hindi pala magiging simple lang dahil hindi pumasok sa isip ko na magkukrus ang landas namin ng isang taong matagal ko ng hinintay na bumalik.
Pero ang tanong!
Ano nga ba talaga ang naramdaman ko sa muling pagkikita namin ni Josh?
"Natahimik ka? Anong sagot mo sa mga tanong namin?" putol ni hanna sa pag iisip ko
"Basta masaya ako na nakita ko ulit siya."
"Nandoon na tayo pero Mau hindi naman yun ang sagot sa mga tanong namin.."
"Oo nga oo nga.." pag sang ayon naman nina doreen at grace
Nagsalubong ang mga kilay ko..
Pinagtutulungan kasi ako ng mga bruhang ito!
"Sa susunod ko na lang sasagutin yan pwede? Medyo naguguluhan pa kasi ako."
Napatingin kami kay carm ng bigla itong magtanong ..
"Have you changed your mind Mau?"
Have I Changed my mind?
"I don't know"
[Author's Note: nakow! si mau torn between two lovers? nyahaha taray! kayo ba curios din kung ano ba talagang meron kay carm at josh? ako din ehh :P hoho~~ Salamat pala ng marami sa mga bago kong readers! Pati sa mga nagFan, Vote, Like and comments!! Much much appreciated! <33 Hello din sa mga silent reader *kaway-kaway* .. Hope you like this chaptie :)]
Lovelovelove ♥
~Pyongpyong21
BINABASA MO ANG
With Your Love
Teen FictionFor Mau, being single was quite tough. She once thought of having a boyfriend just for the sake of having one. At para na rin hindi isipin ng daddy nya at ng mga taong nakapaligid sa kanya na binabalak niyang maging single forever na wala naman tala...