Chapter 7: Just go with it!

1.1K 25 20
                                    

"Tama ba yung narinig ko? Nandyan siya sa baba?" 

"Ay hindi nasa taas! Kasasabi lang na nasa baba. Tanga-tangahan teh? =_=" sarcastic na sagot sakin ni carm.

"Ehh kasi naman kani-kanina lang pinag uusapan natin siya tapos ayun pala nandyan siya sa baba" kaya pala nangungulit amp.

"Oo na dami pa sat-sat magbihis ka na dun dali mahiya ka kanina pa nag-aantay yun" say ni carm habang tinutulak tulak ako papasok ng banyo.

"Sino ba kasing may sabing pag hintayin niyo siya?" tanong ko habang sinusuot yung damit na hinagis sakin ni carm.

"Ako! kasi alam ko naman na mapapa-payag kita eh lakas ko kaya sayo :P" sigaw ni carm sa likod ng pinto ng banyo. "Bilisan mo na diyan patingin nga ako kung bagay sayo"

Naka-pamewang akong lumabas ng banyo.

"Bagay! Ganda mo diyan girl pero parang may mali" tinitignan niya kong mabuti "Ahh! Alam ko na dapat ilugay mo yang buhok mo lagi na lang kasing nakatali eh" tapos tinanggal niya sa pag kakatali yung buhok ko at inayos ayos.

"Tsaka parang last week lang ninakawan ako ng halik nun tapos ngayon gusto naman niya date? Ayos ah" - Ako

"Perfect! Lalong maiinlababo sayo niyan si Thorn" - Carm

Parang wala siyang narinig sa sinabi ko. Si carm na din ang pumili ng accessories na susuotin ko.

"Di mo naman masyadong feel na ayusan ako niyan ha?" say ko habang nilalagyan niya ng light make-up yung face ko. 

"Syempre once in a blue moon ka lang naman makikipag-date eh" kinikilig na sabi ni carm

"Parang mas excited ka pa sakin kung kiligin ka diyan parang walang mamaya" isinuot ko na ang sandals na si carm din ang pumili -______-

"Bakit di ka ba excited?" nagtatakang tanong ni carm.

"Hindi eh" maigsing sagot ko.

"Ay! Choosy ka pa teh? Yummy na nalapit sa'yo ayaw mo pa? Kutusan kaya kita like mo?" mapang-asar na sabi nito.

"Yummy talaga? Bakit natikaman mo na? garabe lang mga term ah." - Ako

"Oo naman yes! Ngiti pa lang nun ulam na ulam na pde ngang hindi ka na kumaen pag kasama mo yun kasi titigan mo lang siya busog ka na" - Carm 

"Hala ka yan siya! Yan ba epekto ni Marco sayo? Landi mo teh" - Ako

Tumayo siya sa harapan ko at namewang.

"Palibhasa sa isang tao lang kasi nakatuon ang pansin mo." - Carm

"Oo na cge na kaw na panalo ako na mali. Siya na Yummy!" - Ako

"Good! Haha tara baba na tayo" - Carm

Nakasunod lang ako sa likuran ni Carm habang bumababa kami ng hagdan napatingin ako sa lalaking kausap ni Doreen na kasalukuyang nakatalikod sa kinatatayuan ko. May punto naman talaga si Carm eh ano pa nga bang inaarte ko eh nuknukan na nga ng gwapo tong nilalang na nasa harapan ko ngayon tatanggihan ko pa ba? Aist! Anu ba yan nahahawa na ko kay Carm napapaemote tuloy yung utak ko .. 

"Ready na siya!" narinig kong sabi ni Carmina dahilan para mapalingon ang lalaking kausap ni Doreen sa direksiyon ko

 [Author's Note: Haha ito yung part na kachat ko si Lhor sa FB iniincourageat chini-Cheer niya ko na mag-update na wag daw mag-isip ng kung ano ano XD LOLs]

He's wearing a Casual red polo shirt and blue denim Jeans sobrang simple pero ang hot niya pa rin tignan oh eh di siya na malakas ang dating samantalang ako naka black one-shoulder clubwear mini dress parang aattend lng ng party naka-curl pa yung hair ko. 

With Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon