Doreen’s POV
You and me sitting on a tree K-I-S-S-I-N-G ..
*blink blink* (O_=)-(=_O)
Kinuha ko yung phone na kanina pa tunog ng tunog.
*6:48 am
“Hello?” medyo garalgal pa ang boses ko.
“Hoy koreanang hilaw! Laway mo natulo yuck.. haha gising gising din.”
Ako naman uto-uto pinunasan ko yung pisngi ko kahit wala naman talagang laway.
“Hunter? Anak ng tofu nman ang aga mo namang mang-inis bakit ba?”
“Pwede ka bang pumunta dito sa bahay? Ano may problema kasi eh.” Biglang sumeryoso yung boses niya.
Napabalikwas agad ako sa higaan ko. Yung inis ko biglang napalitan ng pag-aalala.
“Huh? Anong problema? May nangyari ba?” natatarantang tanong ko.
“Basta punta ka na dito bilisan mo ah?”
“Teka--”
Aba’t kita mo tong magaling na toh babaan ba naman ako? Tumayo na ko sa kama para magbihis at umalis agad.
Sa pagmamadali ko hindi na ko nakapag paalam kila mau.
Pagdating ko sa bahay nila nadatnan ko si Hunter na nagluluto sa kusina.
“Anong problema? Ok ka lang ba? Anong nangyari?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
“Andyan kana pala tikman mo naman tong menudo ko kung masarap oh.” Inilapag niya sa harapan ko yung menudong niluto niya.
Nakanga-ngang napatingin ako sa kanya. Nagpapalit palit ang tingin ko sa kanya at sa menudong hawak niya. Binigyan ko siya ng tingin na parang nagsasabing “Is this some kind of a joke?”
“Ano pang tinutunga-tunganga mo diyan tikman mo na dali.” Utos nito
“Wag mong sabihin sakin na inistorbo mo ang pagtulog ko at pamadaliin akong pumunta dito para lang tikman yang menudong niluto mo?”
“Parang ganun na nga." ^_________^V
Anak ng .. #@%^&*^%$#!!!!
Napaupo na lang ako sa inis. Alam mo yung sobrang nag-alala ka kasi akala mo kung ano na ng nangyari tapos .. tapos argh!!! Ang sarap niyang kalbuhin! Halos paliparin ko yung kotse ko kanina sa pagmamadali.
“Napaka sama mo!” tumalikod na ko para umalis.
“Oi oi sandali tikman mo muna yung luto ko bago ka umalis.” Hinawakan niya yung braso ko.
Tinignan ko yung kamay niya na nakahawak sa braso ko tapos tinaasan ko siya ng kilay.
“Di mo ko madadaan sa pataas taas mo ng kilay kaya pwede tikman mo na yun? Para di na rin masayang ang pag punta mo dito please. ” pinagdaop niya yung palad niya at naka puppy eyes pa.
Bumalik ako sa kusina para tikman yung niluto niya.
“Masarap.” Maigsi kong sabi well actually masarap naman talaga siya. Ano kayang espirito ang sumapi sa lalaki na yan at naisipan niyang magluto.
“Yes syempre ako ata nag luto niyan!” taas noo pa niyang sabi.
“Kdot! Dami mong alam” iniwan ko na siya sa kusina mukang kontento naman siya sa nagging resulta ng pagluluto niya. Umakyat sa kwarto niya *yawn* niaantok pa ko makikitulog muna ako. “Patulog muna ha?” nasa kalahati na ko ng hagdanan ng sumigaw siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/599219-288-k392225.jpg)
BINABASA MO ANG
With Your Love
Teen FictionFor Mau, being single was quite tough. She once thought of having a boyfriend just for the sake of having one. At para na rin hindi isipin ng daddy nya at ng mga taong nakapaligid sa kanya na binabalak niyang maging single forever na wala naman tala...