Para sa nag mamahal kay Thorn :P
_____________________________________________________________________________
"Maureen"
Tumingin ako sa likod. Parang may tumawag ng pangalan ko.
"Maureen"
Hinanap ko kung san nang gagaling ang boses na tumatawag sakin.
"Maureen ko!"
Bumilis ang tibok ng puso ko.
"Nasan ka?" tanong ko sa may-ari ng boses.
"Maureen ko"
Sa kanya ang boses na yun hindi ako pwedeng mag-kamali.
Tumakbo ako para hanapin at sundan ang boses na tumatawag sakin.
"Maureen ko"
Napahinto ako sa may malaking puno kung saan may lalaking nakatayo at nakatingin sakin.
"Jo-Joshua?"
Naglakad ako palapit sa kanya.
"Hi! Mau-mau ko, Long time no see." nakangiti niyang sabi.
Huminto ako sa harapan niya. Pinikit pikit ko ang mata ko para siguraduhin na si Joshua nga ang nakatayo sa harapan ko.
"Joshua! Kelan ka pa bumalik? Sobrang namiss kita." sabi ko sabay yakap sa kanya.
"I miss you too mau." niyakap din niya ko.
"May sasabihin ako sayo" sabay na sabi naming dalawa ng maghiwalay kami sa pagkakayakap.
Ngumiti ako sa kanya.
"Mauna ka na Josh"
Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko.
"Mahal na mahal kita Mau" sabi niya sabay ngiti.
"Mahal na ma-.... Teka! Panaginip toh noh?"
Pagkasabi ko nun biglang parang nagfade si Joshua sa harapan ko pati yung buong paligid nag fafade din.
Pesteng panaginip yan bakit hindi na lang mangyayari sa totoong buhay.
"HOY MAU!"
AY KABAYO! Napabalikwas ako sa pagkakahiga ng may sumigaw malapit sa tenga ko.
Tae! Sabi na eh panaginip na naman. Hanggang panaginip ka na lang ba Josh? BADTRIP!.
"ANO BA!? MAKASIGAW NAMAN! TAE MAY SUNOG BA?" sigaw na tanong ko kay Doreen.
"Wala naman pero tignan mo oh." sabi ni doreen habang umiikot.
Pagtingin ko sa buong kwarto ko.
ASDFGHJKL!!! WHAT THE FUDGE?
Punong puno ng iba't-ibang klaseng bulaklak yung kwarto ko.
Bawat sulok may mga bulaklak. Pati ang kama ko napapalibutan ng bulaklak halos wala na nga madaanan kasi puro bulaklak at ngayon ko lang din napansin na nandito din pala sila Carmina at Hanna.
"Anong ginawa niyo sa kwarto ko? Di pa ko patay at lalong-lalo namang hindi ako si Snow White para palibutan niyo ng ganyan karaming Bulaklak." Naaasar na sabi ko sa kanila.
Kaya pala yung venue ng panaginip ko parang garden kasi nagmukang garden yung kwarto ko.
"Tongeks! Hindi naman samin galing yan noh." sabi ni Carm habang hawak-hawak yung isang Bouquet ng Pink Roses.
"Ou nga tsaka ba't ang aga-aga imbyerna kana agad diyan? Ang gandang panimula nga toh ng araw oh" segunda pa ni Hanna sabay turo sa mga bulaklak.
"Ehh kasi naman yung- Psh! Di bali na nga kanino ba kasi galing yang mga Flowers?" Kinuha ko yung isang bouquet ng White Flowers malapit sa kama ko.
BINABASA MO ANG
With Your Love
Teen FictionFor Mau, being single was quite tough. She once thought of having a boyfriend just for the sake of having one. At para na rin hindi isipin ng daddy nya at ng mga taong nakapaligid sa kanya na binabalak niyang maging single forever na wala naman tala...