Chapter 21: Wake Up

503 14 11
                                    

Doreen's POV

"Koreanang hilaw alam mo na ba?." tanong sakin ni Hunter.

"Ang alin?" matipid na sagot ko, dahil busy ako sa pag-huhugas ng pinggan. Oo! Nag huhugas ako ng pinggan na pinagkainan nila ng girlfriend niya. Kanina pa umuwi si Nicole, nung una parang ayaw niya pang iwan si Hunter kasama ako pero since kinukulit na siya ng mama niya na umuwi wala din siyang nagawa. 

At eto namang matino kong kababata imbis na tulungan ako eh kanina pa ko inuurat.

"Nanganak yung pusa ng kapit bahay namin, Lima!"

Naiinis na nilingon ko siya, "So? Pakialam ko naman sa pusa ng kapitbahay niyo?" 

"Wala lang, Naisip ko lang kasi bakit halos tatlong oras ang pagitan ng naunang kuting kesa dun sa sumunod na kuting? Eh diba dapat mabilis yun?" nagtatakang tanong nito.

"Hunter, pusa yon .. huwag mong ikumpara sa tao." natapos na kong mag-hugas. "Please lang wag kang shunga!" 

Nilagpasan ko lang siya sa kinauupuan niya at nag dire-diretso sa sala. Makapanuod na nga lang ng TV, binuksan ko ang TV para mag hanap ng magandang mapapanuod. 

"Nakakatawa kaya yon." umupo siya sa tabi ko at walang kaabog-abog na inagaw ang remote sa kamay ko.

"Akin na yan! Wag mong ililipat nanunuod ako." 

"Disney channel? Anong papanuorin mo diyan? Para kang bata!" nilipat nito ang channel sa HBO. "Yan! yan dapat ang mga pinapanuod mo." 

"Transformer? Seryoso ka? Akin na kasi yan!" pilit kong inaabot ang remote sa kamay niya. 

"Oo, kesa naman sa disney channel. Ano papanuorin mo dun? Fairytales? Hanggang ngayon naniniwala ka diyan?." 

"At anong masama sa fairytales? huh?." hinampas ko  siya sa may balikat niya.

"Puff! Fairytales? Yeah right! As if naman na totoo yan. Kalokohan lang yang mga love story na hindi maganda ang simula pero pag dating sa dulo laging happy ending? Kabaliwan.:" saad nito

"Bakit dati din naman naniniwala ka sa fairytales ah?."  balik ko sa kanya

"Dati yon hindi na ngayon. Fairytales, dont come true in real life modern day na tao ngayon." pag didiin nito.

Natahimik lang ako, alam ko naman na fairytales don't  come true in real life pero hindi naman masama na maniwala ka sa isang bagay na alam mong imposibile diba?

"Walang pakialamanan. ito gusto mo?." sabay akma na susuntukin ko siya.

"Sadista talaga. Kaya hindi mag-kaboyfriend eh!" 

"Heh! Sayo lang ako sadista noh!" sabay hampas ulit sa brsao niya.

"Nakakarami kana huh?" sabi nito habang hinihimas ang braso niya. "Pero seriously Doreen, ayusin mo yang ugali mo ng may magkagusto naman sayo noh alam ko namang lambing mo na sakin yang pananakit mo pero nakakaturn off para sa ibang lalaki yan"

Naningkit ang mata ko sa narineg ko. "At anong mali sa pag uugali ko? Huh? huh?" 

Makapag-salita tong lalaki na toh! Kala mo perpekto! Magaling ka lang mambola!

"Marami!" tumayo na ito. "Akyat na nga ako. Wag kang bigla-bigla na lang sumusulpot sa kwarto ko. Kukutusan kita."

"Baka akyatin!" sigaw ko naman sa kanya.

"Sus! Baka nga pinag nanasahan mo na nga ako ehh." sabi nito habang nakatakip ang kamay niya sa dibdib niya.

"Ang kapal ng mukha mo nuh!" hinagis ko sa kanya ang throw pillow na malapit sakin. Naiwasan naman niya ito.

With Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon