Dedicated to my Sis Helena :">
See picture on the right side si Doreen po at ang kababata niyang si Hunter..
Doreen's POV
Hello! *takbo sa harap sabay kaway* nice taray ng lola mo may POV na *O* Haha! Kaya pagbigyan niyo na po ako please? *puppy eyes* Pwede? Yehey! haha so pano? simulan na natin ahh ..
*Time Check 7:08 am*
"*yawn* it's morning everyone today is the day.. The sun is shining, the tank is clean and we're getting out of-- Huh? the tank is clean!! Awwwww"
"Ano ba doreen aga-aga na aabno ka na naman at feeling mo ikaw yung starfish dun sa Finding Nemo" say ni Carm.
Ang sarap namang pambungad sa umaga yung batok ni Carm naalog ata utak ko ah.
"Aray! Ganyan ka ba talaga bumati sa taong bagong gising? tsaka favorite ko yun ehh"
Tumayo na ko sa sofa himas-himas ang ulo ko.
"Feel na feel mo naman? Tsaka bakit diyan ka sa sofa natutulog?" tanong nito sakin.
"Nagising kasi ako kaninang madaling araw para kumuha ng tubig kaya lang tinamad na ko bumalik sa kwarto ko kaya dito na ko natulog. " paliwanag ko
"Katamaran talaga .. sige na maligo ka na malapit na ko matapos dito." say nito habang busy na sa niluluto niya
Umakyat ako taas para makaligo nakasalubong ko si Hanna sa hagdanan na busying busy sa binabasa niyang libro.
"Good Morning Hanna" bati ko
"Good Morning Starfish!"
"KYAAH! Pati ba naman ikaw? >___<"
"Di na mabiro haha sige na paki daanan na din si Mau sa kwarto niya."
"Okay tulog pa ba?"
"Gising na yun paki katok na lang"
"Okay"
Magkatabi lang naman ang kwarto naman ni Mau mas una nga lang ang kwarto niya kesa sakin.
*KNOCK KNOCK*
"Girl malapit na maluto ang agahan baba ka na." sigaw ko
"Sige baba na Thank you" sagot naman niya.
Pagkasabi nun diretso na ko sa kwarto at naligo. Pagkabihis ko bumaba na ko sa kusina para kumain.
"Saan ang rampa at bihis na bihis ka?" tanong ni mau pagkaupo ko."
"Sira dadalawin ko lang si Tita Maddie" say ko bago isubo ang hotdog.
"Ahh yung bestfriend ng mommy mo?" singit ni Carm.
"Yup! Gusto ko kasi siyang sorpresahin at di ko pa nasasabi sa kanya na natanggap tayo sa audition."
Malapad ang ngiti ko habang kumakain dahil sobrang excited ako na makita ulit si Tita Maddie naging busy na kasi ako sa school at sa mga gigs namin kaya di ko na siya madalas mabisita. Si Tita Maddie ang halos tumayo bilang ina ko simula ng mamatay si mommy kaya mahal na mahal ko ito. May isang anak si tita na lalaki si Hunter ang kababata kong wala ng ginawa kundi asarin ako ang asarin.
"Ibig sabihin nun magkikita kayo ni Hunter?" pang aasar ni carm sakin.
Sabay sabay silang tumawa ng biglang mabitin sa ere ang pagsubo ko at sumimangot.
"Hay nako pwede wag ipaalala na nag eexist ang taong yun."
"Naku patay! Nakadress ka pa naman sigurado akong sisilipin na naman niya ang underwear mo" pagkasabi nun sabay sabay ulit silang tumawa.
BINABASA MO ANG
With Your Love
Teen FictionFor Mau, being single was quite tough. She once thought of having a boyfriend just for the sake of having one. At para na rin hindi isipin ng daddy nya at ng mga taong nakapaligid sa kanya na binabalak niyang maging single forever na wala naman tala...